Parallel Verses

Tagalog: Ang Dating Biblia (1905)

At sa ikawalong araw ay magdadala siya ng dalawang batobato, o ng dalawang inakay ng kalapati, at ihaharap niya sa harap ng Panginoon sa pasukan ng tabernakulo ng kapisanan, at ibibigay niya sa saserdote.

New American Standard Bible

'Then on the eighth day he shall take for himself two turtledoves or two young pigeons, and come before the LORD to the doorway of the tent of meeting and give them to the priest;

Mga Halintulad

Levitico 12:8

At kung ang kaniyang kaya ay hindi sapat upang magdala ng kordero, ay kukuha nga siya ng dalawang batobato o ng dalawang inakay ng kalapati; ang isa'y pinakahandog na susunugin at ang isa'y pinakahandog dahil sa kasalanan: at itutubos sa kaniya ng saserdote, at siya'y magiging malinis.

Levitico 1:14

At kung ang kaniyang alay sa Panginoon ay handog na susunugin na mga ibon, ang ihahandog nga niyang alay ay mga batobato o mga inakay ng kalapati.

Levitico 12:6

At pagkaganap niya ng mga araw ng kaniyang paglilinis, maging sa anak na lalake o sa anak na babae, ay magdadala siya ng isang kordero ng unang taon, na pinakahandog na susunugin, at isang inakay ng kalapati o isang batobato na pinakahandog dahil sa kasalanan, sa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan, sa saserdote;

Levitico 14:22-31

At ng dalawang batobato o ng dalawang inakay ng kalapati, kung alin ang aabutin ng kaniyang kaya; at ang isa'y magiging handog dahil sa kasalanan, at ang isa'y handog na susunugin.

Levitico 15:29-30

At sa ikawalong araw ay kukuha siya ng dalawang batobato o ng dalawang inakay ng kalapati, at dadalhin niya sa saserdote sa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan.

Mga Bilang 6:10

At sa ikawalong araw ay magdadala siya ng dalawang batobato o dalawang inakay ng kalapati sa saserdote, sa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan.

2 Corinto 5:21

Yaong hindi nakakilala ng kasalanan ay kaniyang inaring may sala dahil sa atin: upang tayo'y maging sa kaniya'y katuwiran ng Dios.

Mga Hebreo 7:26

Sapagka't nararapat sa atin ang gayong dakilang saserdoteng banal, walang sala, walang dungis, nahihiwalay sa mga makasalanan, at ginawang lalong mataas pa kay sa mga langit;

Mga Hebreo 10:10

Sa kaloobang yaon tayo'y pinapaging-banal, sa pamamagitan ng pagkahandog ng katawan ni Cristo na minsan magpakailan man.

Mga Hebreo 10:12

Nguni't siya, nang makapaghandog ng isa lamang hain patungkol sa mga kasalanan magpakailan man, ay umupo sa kanan ng Dios;

Mga Hebreo 10:14

Sapagka't sa pamamagitan ng isang paghahandog ay kaniyang pinasakdal magpakailan man ang mga pinapagiging-banal.

Kaalaman ng Taludtod

n/a

New American Standard Bible Copyright ©1960, 1962, 1963, 1968, 1971, 1972, 1973, 1975, 1977, 1995 by The Lockman Foundation, La Habra, Calif. All rights reserved. For Permission to Quote Information visit http://www.lockman.org