Parallel Verses

Tagalog: Ang Dating Biblia (1905)

At susunugin sa ibabaw ng dambana ang taba ng handog dahil sa kasalanan.

New American Standard Bible

"Then he shall offer up in smoke the fat of the sin offering on the altar.

Mga Halintulad

Exodo 29:13

At kukunin mo ang buong taba na nakababalot sa bituka, at ang mga lamak ng atay, at ang dalawang bato, at ang taba na nasa ibabaw ng mga yaon, at susunugin mo sa ibabaw ng dambana.

Levitico 4:8-10

At aalisin ang lahat ng taba ng toro na handog dahil sa kasalanan; ang tabang nakakatakip sa lamang loob, at ang lahat ng tabang nasa ibabaw ng lamang loob,

Levitico 4:19

At aalisin niya ang lahat ng taba niyaon, at susunugin niya sa ibabaw ng dambana.

Levitico 16:6

At ihaharap ni Aaron ang toro na handog dahil sa kasalanan na patungkol sa kaniyang sarili, at itutubos niya sa kaniya at sa kaniyang sangbahayan.

Kaalaman ng Taludtod

Mga Pagbasang may Kahulugan

24 At paliliguan niya ang kaniyang laman sa tubig, sa isang dakong banal, at magsusuot ng kaniyang mga suot, at lalabas, at ihahandog ang kaniyang handog na susunugin at ang handog na susunugin ng bayan, at itutubos sa kaniyang sarili at sa bayan. 25 At susunugin sa ibabaw ng dambana ang taba ng handog dahil sa kasalanan. 26 At yaong nagpakawala ng kambing na ukol kay Azazel, ay maglalaba ng kaniyang mga suot at maliligo ang kaniyang laman sa tubig, at pagkatapos ay papasok siya sa kampamento.


n/a

New American Standard Bible Copyright ©1960, 1962, 1963, 1968, 1971, 1972, 1973, 1975, 1977, 1995 by The Lockman Foundation, La Habra, Calif. All rights reserved. For Permission to Quote Information visit http://www.lockman.org