Parallel Verses
Tagalog: Ang Dating Biblia (1905)
At yaong nagpakawala ng kambing na ukol kay Azazel, ay maglalaba ng kaniyang mga suot at maliligo ang kaniyang laman sa tubig, at pagkatapos ay papasok siya sa kampamento.
New American Standard Bible
"The one who released the goat as the scapegoat shall wash his clothes and bathe his body with water; then afterward he shall come into the camp.
Mga Paksa
Mga Halintulad
Levitico 16:10
Nguni't ang kambing na kinahulugan ng kapalaran kay Azazel ay ilalagay na buhay sa harap ng Panginoon, upang itubos sa kaniya, at payaunin kay Azazel sa ilang.
Levitico 11:25
At sinomang bumuhat ng bangkay ng mga iyan, ay maglalaba ng kaniyang mga suot, at magiging karumaldumal hanggang sa hapon.
Levitico 14:8
At siya na lilinisin ay maglalaba ng kaniyang mga suot, at magaahit ng lahat niyang buhok, at maliligo sa tubig; at magiging malinis: at pagkatapos ay papasok sa kampamento, datapuwa't tatahan sa labas ng kaniyang tolda na pitong araw.
Levitico 15:5-11
At sinomang tao na makahipo ng kaniyang higaan ay maglalaba ng kaniyang mga damit, at maliligo siya sa tubig, at magiging karumaldumal hanggang sa hapon.
Levitico 15:27
At sinomang humipo ng mga bagay na yaon ay magiging karumaldumal, at maglalaba ng kaniyang mga damit, at maliligo siya sa tubig, at magiging karumaldumal hanggang sa hapon.
Levitico 16:21-22
At ipapatong ni Aaron ang kaniyang dalawang kamay sa ulo ng kambing na buhay, at isasaysay sa ibabaw niyaon ang lahat ng mga kasamaan ng mga anak ni Israel, at lahat ng kanilang mga pagsalangsang, lahat nga ng kanilang mga kasalanan; at ilalagay niya sa ulo ng kambing, at ipadadala sa ilang sa pamamagitan ng kamay ng isang taong handa:
Levitico 16:28
At ang magsusunog ay maglalaba ng kaniyang mga suot, at maliligo ang kaniyang laman sa tubig, at pagkatapos, ay papasok siya sa kampamento.
Mga Bilang 19:7-8
Saka lalabhan ng saserdote ang kaniyang mga suot at kaniyang paliliguan ang kaniyang laman sa tubig, at pagkatapos ay papasok siya sa kampamento at ang saserdote ay magiging marumi hanggang sa hapon.
Mga Bilang 19:21
At ito'y magiging isang palatuntunan magpakailan man sa kanila: at yaong nagwiwisik ng tubig para sa karumihan, ay maglalaba ng kaniyang mga suot; at yaong humipo ng tubig para sa karumihan ay magiging marumi hanggang sa hapon.
Mga Hebreo 7:19
(Sapagka't ang kautusan ay walang anomang pinasasakdal), at may pagpapasok ng isang pagasang lalong magaling, na sa pamamagitan nito ay nagsisilapit tayo sa Dios.
Kaalaman ng Taludtod
Mga Pagbasang may Kahulugan
25 At susunugin sa ibabaw ng dambana ang taba ng handog dahil sa kasalanan. 26 At yaong nagpakawala ng kambing na ukol kay Azazel, ay maglalaba ng kaniyang mga suot at maliligo ang kaniyang laman sa tubig, at pagkatapos ay papasok siya sa kampamento. 27 At ang toro na handog dahil sa kasalanan at ang kambing na handog dahil sa kasalanan, na ang dugo ay dinala sa loob ng dakong banal upang itubos, ay ilalabas, sa kampamento; at susunugin nila sa apoy ang mga balat ng mga yaon, at ang laman at ang dumi.