Parallel Verses
Tagalog: Ang Dating Biblia (1905)
Tutuparin ninyo ang aking mga kahatulan, at iingatan ninyo ang aking mga palatuntunan, na inyong lalakaran: ako ang Panginoon ninyong Dios.
New American Standard Bible
'You are to perform My judgments and keep My statutes, to live in accord with them; I am the LORD your God.
Mga Paksa
Mga Halintulad
Levitico 18:2
Salitain mo sa mga anak ni Israel, at sabihin mo sa kanila, Ako ang Panginoon ninyong Dios.
Levitico 18:26
Inyo ngang iingatan ang aking mga palatuntunan, at ang aking mga kahatulan, at huwag kayong gagawa ng anoman sa mga karumaldumal na ito; maging ang mga tubo sa lupain o ang mga taga ibang bayan man na nakikipamayan sa inyo:
Levitico 19:37
At inyong iingatan ang lahat ng aking palatuntunan, at ang lahat ng aking kahatulan, at inyong isasagawa: ako ang Panginoon.
Levitico 20:22
Ingatan nga ninyo ang lahat ng aking mga palatuntunan at ang lahat ng aking mga kahatulan, at inyong isasagawa: upang huwag kayong iluwa ng lupain na aking pinagdadalhan sa inyo na inyong tatahanan.
Deuteronomio 6:1
Ito nga ang utos, ang mga palatuntunan, at ang mga kahatulan, na iniutos ng Panginoon ninyong Dios na ituro sa inyo, upang inyong magawa sa lupaing inyong paroroonan upang ariin:
Ezekiel 20:19
Ako ang Panginoon ninyong Dios: magsilakad kayo ng ayon sa aking mga palatuntunan, at ingatan ninyo ang aking mga kahatulan, at inyong isagawa;
Deuteronomio 4:1-2
At ngayon, Oh Israel, dinggin mo ang mga palatuntunan at ang mga kahatulan, na aking itinuturo sa inyo, upang sundin ninyo; upang kayo'y mabuhay, at pumasok, at inyong ariin ang lupain na ibinibigay sa inyo ng Panginoon, ng Dios ng inyong mga magulang.
Awit 105:45
Upang kanilang maingatan ang kaniyang mga palatuntunan, at sundin ang kaniyang mga kautusan. Purihin ninyo ang Panginoon.
Awit 119:4
Iyong iniutos sa amin ang mga tuntunin mo, upang aming sunding masikap.
Ezekiel 36:27
At aking ilalagay ang aking Espiritu sa loob ninyo, at palalakarin ko kayo ng ayon sa aking mga palatuntunan, at inyong iingatan ang aking mga kahatulan, at isasagawa.
Ezekiel 37:24
At ang aking lingkod na si David ay magiging hari sa kanila; at silang lahat ay magkakaroon ng isang pastor; magsisilakad din naman sila ng ayon sa aking mga kahatulan, at susundin ang aking mga palatuntunan, at isasagawa.
Lucas 1:6
At sila'y kapuwa matuwid sa harap ng Dios, na nagsisilakad na walang kapintasan sa lahat ng mga utos at mga palatuntunan ng Panginoon.
Juan 15:14
Kayo'y aking mga kaibigan, kung gawin ninyo ang mga bagay na aking iniuutos sa inyo.
Kaalaman ng Taludtod
Mga Pagbasang may Kahulugan
3 Huwag kayong gagawa ng gaya ng ginawa sa lupain ng Egipto na inyong tinahanan: at huwag din kayong gagawa ng gaya ng ginagawa sa lupain ng Canaan, na pinagdadalhan ko sa inyo: ni huwag kayong lalakad ng ayon sa mga palatuntunan nila. 4 Tutuparin ninyo ang aking mga kahatulan, at iingatan ninyo ang aking mga palatuntunan, na inyong lalakaran: ako ang Panginoon ninyong Dios. 5 Tutuparin nga ninyo ang aking mga palatuntunan at ang aking mga kahatulan: na ikabubuhay ng mga taong magsisitupad: ako ang Panginoon.