Parallel Verses

Tagalog: Ang Dating Biblia (1905)

At kung kanin sa anomang paraan sa ikatlong araw, ay karumaldumal nga; ito'y hindi tatanggapin:

New American Standard Bible

'So if it is eaten at all on the third day, it is an offense; it will not be accepted.

Mga Halintulad

Levitico 7:18-21

At kung kanin sa ikatlong araw ang anomang bahagi ng laman ng haing kaniyang mga handog tungkol sa kapayapaan ay hindi tatanggapin, at hindi man maipatutungkol doon sa naghahandog niyaon: aariing kasuklamsuklam, at ang taong kumain niyaon ay magtataglay ng kaniyang kasamaan.

Levitico 22:23

Maging toro o tupa na may anomang kuntil o kulang sa kaniyang sangkap ng katawan, ay maihahandog mo na handog mo na kusa, datapuwa't sa panata ay hindi tatanggapin.

Levitico 22:25

Ni mula sa kamay ng taga ibang lupa ay huwag ninyong ihahandog na pinakatinapay ng inyong Dios ang alin mang mga hayop na ito: sapagka't taglay nila ang kanilang karumhan, may kapintasan sa mga iyan: hindi tatanggapin sa inyo.

Isaias 1:13

Huwag na kayong magdala ng mga walang kabuluhang alay; kamangyan ay karumaldumal sa akin; ang bagong buwan, at ang sabbath, ang tawag ng mga kapulungan, hindi ako makapagtitiis ng kasamaan at ng takdang pulong.

Isaias 65:4

Na nauupo sa gitna ng mga libingan, at tumitigil sa mga lihim na dako; na kumakain ng laman ng baboy, at ang sabaw ng mga kasuklamsuklam na mga bagay ay nasa kanilang mga sisidlan;

Isaias 66:3

Siyang pumapatay ng baka ay gaya ng pumapatay ng tao; siyang naghahain ng kordero ay gaya ng bumabali ng leeg ng aso; siyang naghahandog ng alay ay gaya ng naghahandog ng dugo ng baboy; siyang nagsusunog ng kamangyan ay gaya ng pumupuri sa isang diosdiosan. Oo, sila'y nagsipili ng kanilang sariling mga lakad, at ang kanilang kaluluwa ay nalulugod sa kanilang mga kasuklamsuklam na bagay;

Jeremias 16:18

At akin munang gagantihin ng ibayo ang kanilang kasamaan at ang kanilang kasalanan, sapagka't kanilang dinumhan ang aking lupain ng mga bangkay ng kanilang karumaldumal na mga bagay, at kanilang pinuno ang aking mana ng kanilang mga kasuklamsuklam.

Kaalaman ng Taludtod

Mga Pagbasang may Kahulugan

6 Sa araw ding ihandog ay kakanin, at sa kinabukasan: at kung may labis hanggang sa ikatlong araw ay susunugin sa apoy. 7 At kung kanin sa anomang paraan sa ikatlong araw, ay karumaldumal nga; ito'y hindi tatanggapin: 8 Kundi yaong kumain ay siyang magtataglay ng kaniyang kasamaan; sapagka't nilapastangan niya ang banal na bagay ng Panginoon: at ihihiwalay ang gayong tao sa kaniyang bayan.


n/a

New American Standard Bible Copyright ©1960, 1962, 1963, 1968, 1971, 1972, 1973, 1975, 1977, 1995 by The Lockman Foundation, La Habra, Calif. All rights reserved. For Permission to Quote Information visit http://www.lockman.org