Parallel Verses
Tagalog: Ang Dating Biblia (1905)
Hindi makakakain ang sinomang taga ibang bayan ng banal na bagay: sinomang nakikipanuluyan sa saserdote, o aliping upahan niya ay hindi makakakain ng banal na bagay.
New American Standard Bible
'No layman, however, is to eat the holy gift; a sojourner with the priest or a hired man shall not eat of the holy gift.
Mga Paksa
Mga Halintulad
1 Samuel 21:6
Sa gayo'y binigyan siya ng saserdote ng banal na tinapay: sapagka't walang tinapay roon, kundi tinapay na handog, na kinuha sa harap ng Panginoon, upang lagyan ng tinapay na mainit sa araw ng pagkuha.
Mateo 12:4
Kung paanong siya'y pumasok sa bahay ng Dios, at kumain siya ng mga tinapay na handog, na hindi matuwid na kanin niya, ni ng mga kasamahan niya, kundi ng mga saserdote lamang?
Exodo 29:33
At kanilang kakanin ang mga bagay na yaon, na ipinangtubos ng sala, upang italaga at pakabanalin sila: datapuwa't hindi kakain niyaon ang sinomang taga ibang lupa, sapagka't mga bagay na banal.
Kaalaman ng Taludtod
Mga Pagbasang may Kahulugan
9 Iingatan nga nila ang aking bilin, baka sila'y magkasala sa paraang iyan, at kanilang ikamatay, kung kanilang lapastanganin: ako ang Panginoon na nagpapaging banal sa kanila. 10 Hindi makakakain ang sinomang taga ibang bayan ng banal na bagay: sinomang nakikipanuluyan sa saserdote, o aliping upahan niya ay hindi makakakain ng banal na bagay. 11 Nguni't kung ang saserdote ay bumili ng sinomang tao sa kaniyang salapi, ay makakakain ito; at gayon din ang aliping inianak sa kaniyang bahay ay makakakain ng kaniyang tinapay.