Parallel Verses

Tagalog: Ang Dating Biblia (1905)

At pagka inyong aanihin ang ani sa inyong lupain, ay huwag ninyong pakakaanihin ang mga sulok ng inyong bukid, ni pamulutan ang inyong naanihan: sa dukha at sa taga ibang lupa inyong ititira: ako ang Panginoon ninyong Dios.

New American Standard Bible

'When you reap the harvest of your land, moreover, you shall not reap to the very corners of your field nor gather the gleaning of your harvest; you are to leave them for the needy and the alien. I am the LORD your God.'"

Mga Halintulad

Levitico 19:9-10

At pagka gagapas kayo ng mga uhay sa inyong lupain, ay huwag ninyong pakakagapasin ang mga sulok ng inyong bukid, ni huwag ninyong pamulutan ang inyong lupang ginapasan.

Deuteronomio 24:19-21

Pagka iyong aanihin ang iyong ani sa bukid, at nakalimot ka ng isang bigkis sa bukid, ay huwag mong pagbabalikang kunin: magiging sa taga ibang lupa, sa ulila, at sa babaing bao: upang pagpalain ka ng Panginoon mong Dios sa lahat ng gawa ng iyong mga kamay.

Deuteronomio 16:11-14

At ikaw ay magagalak sa harap ng Panginoon mong Dios, ikaw at ang iyong anak na lalake at babae, at ang iyong aliping lalake at babae, at ang Levita na nasa loob ng iyong mga pintuang-daan, at ang taga ibang bayan, at ang ulila, at ang babaing bao, na nasa gitna mo, sa dakong pipiliin ng Panginoon mong Dios na patatahanan sa kaniyang pangalan.

Ruth 2:3-7

At siya'y yumaon at naparoon, at namulot sa bukid sa likuran ng mga mangaani: at nagkataong dumating sa bahagi ng lupa na nauukol kay Booz, na sa angkan ni Elimelech.

Ruth 2:15-23

At nang siya'y tumindig upang mamulot, ay iniutos ni Booz sa kaniyang mga bataan, na sinasabi, Pamulutin ninyo siya hanggang sa gitna ng mga bigkis, at huwag ninyo siyang hiyain.

Job 31:16-21

Kung pinagkaitan ko ang dukha sa kanilang nasa, o pinangalumata ko ang mga mata ng babaing bao:

Awit 41:1-3

Mapalad siya na nagpapakundangan sa dukha: ililigtas siya ng Panginoon sa panahon ng kaligaligan.

Awit 112:9

Kaniyang pinanabog, kaniyang ibinigay sa mapagkailangan; ang kaniyang katuwiran ay nananatili magpakailan man, ang kaniyang sungay ay matataas na may karangalan.

Kawikaan 11:24-25

May nagsasabog, at tumutubo pa, at may humahawak naman ng higit kay sa karampatan, nguni't nauuwi lamang sa pangangailangan.

Isaias 58:7-8

Hindi baga ang magbahagi ng iyong tinapay sa gutom, at dalhin mo sa iyong bahay ang dukha na walang tuluyan? pagka nakakakita ka ng hubad, na iyong bihisan; at huwag kang magkubli sa iyong kapuwa-tao?

Isaias 58:10

At kung magmamagandang-loob ka sa gutom, at iyong sisiyahan ng loob ang nagdadalamhating kaluluwa; kung magkagayo'y sisilang ang iyong liwanag sa kadiliman, at ang iyong kadiliman ay magiging parang katanghaliang tapat;

Lucas 11:41

Datapuwa't ilimos ninyo ang mga bagay na nasa kalooban; at narito, ang lahat ng mga bagay ay malilinis sa inyo.

2 Corinto 9:5-12

Iniisip ko ngang kailangang ipamanhik sa mga kapatid, na mangaunang pumariyan sa inyo, at ihanda agad ang inyong abuloy na ipinangako nang una, upang ito'y maihanda na gaya ng abuloy, at hindi gaya ng sapilitan.

Kaalaman ng Taludtod

Mga Pagbasang may Kahulugan

21 At inyong ihahayag sa araw ding iyan; magiging banal na pagpupulong nga sa inyo; kayo'y huwag gagawa ng anomang gawang paglilingkod: siyang palatuntunan sa lahat ng inyong mga tahanan, sa buong panahon ng inyong lahi. 22 At pagka inyong aanihin ang ani sa inyong lupain, ay huwag ninyong pakakaanihin ang mga sulok ng inyong bukid, ni pamulutan ang inyong naanihan: sa dukha at sa taga ibang lupa inyong ititira: ako ang Panginoon ninyong Dios. 23 At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi,

n/a

New American Standard Bible Copyright ©1960, 1962, 1963, 1968, 1971, 1972, 1973, 1975, 1977, 1995 by The Lockman Foundation, La Habra, Calif. All rights reserved. For Permission to Quote Information visit http://www.lockman.org