Parallel Verses

Tagalog: Ang Dating Biblia (1905)

At kayo'y aking pangangalatin sa mga bansa, at pagbubunutan ko kayo ng tabak sa hulihan ninyo: at ang inyong lupain ay magiging isang ilang, at ang inyong mga bayan ay magiging sira.

New American Standard Bible

'You, however, I will scatter among the nations and will draw out a sword after you, as your land becomes desolate and your cities become waste.

Mga Halintulad

Deuteronomio 4:27

At pangangalatin kayo ng Panginoon sa mga bayan, at kayo'y malalabing kaunti sa bilang sa gitna ng mga bansa, na pagdadalhan sa inyo ng Panginoon.

Ezekiel 20:23

Bukod dito'y itinaas ko ang aking kamay sa kanila sa ilang, upang pangalatin ko sila sa gitna ng mga bansa, at panabugin sila sa mga lupain;

Zacarias 7:14

Kundi aking pangangalatin sila sa pamamagitan ng ipoipo sa gitna ng lahat na bansa na hindi nila nakilala. Ganito nasira ang lupain pagkatapos nila, na anopa't walang tao na nagdadaan o nagbabalik: sapagka't kanilang inihandusay na sira ang kaayaayang lupain.

Awit 44:11

Iyong ibinigay kaming gaya ng mga tupa na pinaka pagkain; at pinangalat mo kami sa mga bansa.

Jeremias 9:16

Akin ding pangangalatin sila sa gitna ng mga bansa, na hindi nakilala kahit nila o ng kanilang mga magulang man; at ipahahabol ko sila sa tabak, hanggang sa aking malipol sila.

Ezekiel 22:15

At aking pangangalatin ka sa gitna ng mga bansa, at pananabugin kita sa mga lupain; at aking papawiin ang iyong karumihan sa gitna mo.

Lucas 21:24

At sila'y mangabubuwal sa pamamagitan ng talim ng tabak, at dadalhing bihag sa lahat ng mga bansa: at yuyurakan ang Jerusalem ng mga Gentil, hanggang sa matupad ang mga panahon ng mga Gentil.

Deuteronomio 28:64-66

At pangangalatin ka ng Panginoon sa lahat ng mga bayan, mula sa isang dulo ng lupa hanggang sa kabilang dulo ng lupa; at doo'y maglilingkod ka sa ibang mga dios, na hindi mo nakilala, ninyo ng inyong mga magulang, sa makatuwid baga'y sa mga dios na kahoy at bato.

Panaghoy 1:3

Ang Juda ay pumasok sa pagkabihag dahil sa pagdadalamhati, at sa kabigatan ng paglilingkod; siya'y tumatahan sa gitna ng mga bansa, siya'y walang masumpungang kapahingahan; inabot siya ng lahat na manghahabol sa kaniya sa mga gipit.

Panaghoy 4:15

Magsihiwalay kayo, sila'y nagsisihiyaw sa kanila, Marurumi! magsihiwalay kayo, magsihiwalay kayo, huwag ninyong hipuin: nang sila'y magsitakas at magsilaboy ay sinabi ng mga tao sa gitna ng mga bansa, Hindi na sila nangingibang bayan pa rito.

Ezekiel 12:14-16

At aking pangangalatin sa bawa't dako ang lahat na nangasa palibot niya na nagsisitulong sa kaniya, at ang lahat niyang mga pulutong; at aking huhugutin ang tabak sa likuran nila.

Santiago 1:1

Si Santiago, na alipin ng Dios at ng Panginoon Jesucristo, ay bumabati sa labingdalawang angkan na nasa Pangangalat.

Kaalaman ng Taludtod

n/a

New American Standard Bible Copyright ©1960, 1962, 1963, 1968, 1971, 1972, 1973, 1975, 1977, 1995 by The Lockman Foundation, La Habra, Calif. All rights reserved. For Permission to Quote Information visit http://www.lockman.org