Parallel Verses

Tagalog: Ang Dating Biblia (1905)

Kundi pagka inaanyayahan ka, ay pumaroon ka at umupo ka sa dakong kababababaan; upang kung dumating ang naganyaya sa iyo, ay sa iyo'y sabihin niya, Kaibigan pumaroon ka pa sa lalong mataas: kung magkagayo'y magkakaroon ka ng kaluwalhatian sa harap ng lahat na mga kasalo mong nangakaupo sa dulang.

New American Standard Bible

"But when you are invited, go and recline at the last place, so that when the one who has invited you comes, he may say to you, 'Friend, move up higher'; then you will have honor in the sight of all who are at the table with you.

Mga Halintulad

Kawikaan 25:6-7

Huwag kang magpauna sa harapan ng hari, at huwag kang tumayo sa dako ng mga dakilang tao:

1 Samuel 15:17

At sinabi ni Samuel, Bagaman ikaw ay maliit sa iyong sariling paningin, hindi ka ba ginawang pangulo sa mga lipi ng Israel? At pinahiran ka ng langis ng Panginoon na maging hari sa Israel;

Kawikaan 15:33

Ang pagkatakot sa Panginoon ay turo ng karunungan; at sa unahan ng karangalan ay nagpapauna ang pagpapakumbaba.

Isaias 60:14

At ang mga anak nila na dumalamhati sa iyo ay magsisiparoong yuyuko sa iyo; at silang lahat na nagsisihamak sa iyo ay magpapatirapa sa mga talampakan ng iyong mga paa; at tatanawin ka nila Ang bayan ng Panginoon, Ang Sion ng Banal ng Israel.

Pahayag 3:9

Narito, ibinibigay ko sa sinagoga ni Satanas, ang mga nagsasabing sila'y mga Judio, at sila'y hindi, kundi nangagbubulaan; narito, sila'y aking papapariyanin at pasasambahin sa harap ng iyong mga paa, at nang maalamang ikaw ay aking inibig.

Kaalaman ng Taludtod

Mga Pagbasang may Kahulugan

9 At lumapit yaong naganyaya sa iyo at sa kaniya, at sabihin sa iyo, Bigyan mong puwang ang taong ito; at kung magkagayo'y magpapasimula kang mapahiya na mapalagay ka sa dakong kababababaan. 10 Kundi pagka inaanyayahan ka, ay pumaroon ka at umupo ka sa dakong kababababaan; upang kung dumating ang naganyaya sa iyo, ay sa iyo'y sabihin niya, Kaibigan pumaroon ka pa sa lalong mataas: kung magkagayo'y magkakaroon ka ng kaluwalhatian sa harap ng lahat na mga kasalo mong nangakaupo sa dulang. 11 Sapagka't ang bawa't nagmamataas ay mabababa; at ang nagpapakababa ay matataas.


n/a

New American Standard Bible Copyright ©1960, 1962, 1963, 1968, 1971, 1972, 1973, 1975, 1977, 1995 by The Lockman Foundation, La Habra, Calif. All rights reserved. For Permission to Quote Information visit http://www.lockman.org