Parallel Verses
Tagalog: Ang Dating Biblia (1905)
O aling hari, na kung sasalubong sa pakikidigma sa ibang hari, ay hindi muna uupo at sasangguni kung makahaharap siya na may sangpung libo sa dumarating na laban sa kaniya na may dalawangpung libo?
New American Standard Bible
"Or what king, when he sets out to meet another king in battle, will not first sit down and consider whether he is strong enough with ten thousand men to encounter the one coming against him with twenty thousand?
Mga Paksa
Mga Halintulad
Kawikaan 20:18
Bawa't panukala ay natatatag sa pamamagitan ng payo: at sa pamamagitan ng pantas na pamamatnubay ay makikipagdigma ka.
1 Mga Hari 20:11
At ang hari sa Israel ay sumagot, at nagsabi, Saysayin ninyo sa kaniya na huwag maghambog ang nagbibigkis ng sakbat na gaya ng naghuhubad.
2 Mga Hari 18:20-22
Iyong sinasabi (nguni't mga salitang walang kabuluhan lamang) May payo at kalakasan sa pakikipagdigma. Ngayon, kanino ka tumitiwala, na ikaw ay nanghimagsik laban sa akin?
Kawikaan 25:8
Huwag kang makialam ng walang gunita sa pakikipagbabag, baka hindi mo maalaman kung ano ang gagawin sa wakas niyaon, pagka ikaw ay hiniya ng iyong kapuwa.
Kaalaman ng Taludtod
Mga Pagbasang may Kahulugan
30 Na sabihin, Nagpasimula ang taong ito na magtayo, at hindi nakayang tapusin. 31 O aling hari, na kung sasalubong sa pakikidigma sa ibang hari, ay hindi muna uupo at sasangguni kung makahaharap siya na may sangpung libo sa dumarating na laban sa kaniya na may dalawangpung libo? 32 O kung hindi, samantalang malayo pa ang isa, ay magsusugo siya ng isang sugo, at hihilingin ang mga kailangan sa pagkakasundo.