Parallel Verses
Tagalog: Ang Dating Biblia (1905)
At kung paano ang nangyari sa mga kaarawan ni Noe, ay gayon din naman ang mangyayari sa mga kaarawan ng Anak ng tao.
New American Standard Bible
"And just as it happened in the days of Noah, so it will be also in the days of the Son of Man:
Mga Paksa
Mga Halintulad
Genesis 7:7-23
At lumulan sa sasakyan si Noe at ang kaniyang mga anak, at ang kaniyang asawa, at ang mga asawa ng kaniyang mga anak, dahil sa tubig ng baha.
Mateo 24:37-39
At kung paano ang mga araw ni Noe, gayon din naman ang pagparito ng Anak ng tao.
Mga Hebreo 11:7
Sa pananampalataya si Noe, nang paunawaan ng Dios tungkol sa mga bagay na hindi pa nakikita, dala ng banal na takot, ay naghanda ng isang daong sa ikaliligtas ng kaniyang sangbahayan; na sa pamamagitan nito ay hinatulan niya ang sanglibutan, at naging tagapagmana ng katuwiran na ayon sa pananampalataya.
2 Pedro 2:5
At ang dating sanglibutan ay hindi pinatawad, datapuwa't iningatan si Noe na tagapangaral ng katuwiran na kasama ng ibang pito pa, noong dalhin ang pagkagunaw sa sanglibutan ng masasama;
Genesis 6:5
At nakita ng Panginoon na mabigat ang kasamaan ng tao sa lupa, at ang buong haka ng mga pagiisip ng kaniyang puso ay pawang masama lamang na parati.
Genesis 6:7
At sinabi ng Panginoon, Lilipulin ko ang tao na aking nilalang sa ibabaw ng lupa; ang tao at gayon din ang hayop, at ang mga umuusad at ang mga ibon sa himpapawid; sapagka't pinagsisisihan ko na aking nilalang sila.
Job 22:15-18
Iyo bang pagpapatuluyan ang dating daan, na nilakaran ng mga masamang tao?
Lucas 17:22
At sinabi niya sa mga alagad, Darating ang mga araw, na hahangarin ninyong makita ang isa sa mga araw ng Anak ng tao, at hindi ninyo makikita.
Lucas 17:24
Sapagka't gaya ng kidlat, na pagkislap buhat sa isang panig ng silong ng langit, ay nagliliwanag hanggang sa kabilang panig ng silong ng langit; gayon din naman ang Anak ng tao sa kaniyang kaarawan.
Lucas 18:8
Sinasabi ko sa inyo, na sila'y madaling igaganti niya. Gayon ma'y pagparito ng Anak ng tao, makakasumpong kaya siya ng pananampalataya sa lupa?
1 Pedro 3:19-20
Na iyan din ang kaniyang iniyaon at nangaral sa mga espiritung nasa bilangguan,
2 Pedro 3:6
Na sa pamamagitan din nito ang sanglibutan noon, na inapawan ng tubig, ay napahamak:
Kaalaman ng Taludtod
Mga Pagbasang may Kahulugan
25 Datapuwa't kailangan muna siyang magbata ng maraming bagay at itakuwil ng lahing ito. 26 At kung paano ang nangyari sa mga kaarawan ni Noe, ay gayon din naman ang mangyayari sa mga kaarawan ng Anak ng tao. 27 Sila'y nagsisikain, sila'y nagsisiinom, sila'y nangagaasawa, at sila'y pinapagaasawa, hanggang sa araw na pumasok sa daong si Noe, at dumating ang paggunaw, at nilipol silang lahat.