Parallel Verses
Tagalog: Ang Dating Biblia (1905)
Datapuwa't kayo ay yaong nagsipanatili sa akin sa mga pagtukso sa akin;
New American Standard Bible
"You are those who have stood by Me in My trials;
Mga Halintulad
Mga Hebreo 2:18
Palibhasa'y nagbata siya sa pagkatukso, siya'y makasasaklolo sa mga tinutukso.
Mga Hebreo 4:15
Sapagka't tayo'y walang isang dakilang saserdote na hindi maaaring mahabag sa ating kahinaan, kundi isa na tinukso sa lahat ng mga paraan gaya rin naman natin gayon ma'y walang kasalanan.
Mateo 19:28-29
At sinabi ni Jesus sa kanila, Katotohanang sinasabi ko sa inyo, na kayong nagsisunod sa akin, sa pagbabagong lahi pagka uupo na ang Anak ng tao sa luklukan ng kaniyang kaluwalhatian, kayo nama'y magsisiupo sa labingdalawang luklukan, upang magsihukom sa labingdalawang angkan ng Israel.
Mateo 24:13
Datapuwa't ang magtitiis hanggang sa wakas ay siyang maliligtas.
Juan 6:67-68
Sinabi nga ni Jesus sa labingdalawa, Ibig baga ninyong magsialis din naman?
Juan 8:31
Sinabi nga ni Jesus sa mga Judiong yaon na nagsisisampalataya sa kaniya, Kung kayo'y magsisipanatili sa aking salita, kung magkagayo'y tunay nga kayong mga alagad ko;
Mga Gawa 1:25
Upang tanggapin ang katungkulan sa ministeriong ito at pagkaapostol na kinahulugan ni Judas, upang siya'y makaparoon sa kaniyang sariling kalalagyan.
Kaalaman ng Taludtod
Mga Pagbasang may Kahulugan
27 Sapagka't alin ang lalong dakila, ang nakaupo baga sa dulang, o ang naglilingkod? hindi baga ang nakaupo sa dulang? datapuwa't ako'y nasa gitna ninyo na gaya niyaong naglilingkod. 28 Datapuwa't kayo ay yaong nagsipanatili sa akin sa mga pagtukso sa akin; 29 At kayo'y inihahalal kong isang kaharian, na gaya nga ng pagkahalal sa akin ng aking Ama,