Parallel Verses

Tagalog: Ang Dating Biblia (1905)

At nakatayo sa likuran sa kaniyang mga paanan na tumatangis, ay pinasimulan niyang dinilig ng mga luha ang kaniyang mga paa, at ang mga ito'y kinukuskos ng buhok ng kaniyang ulo, at hinahagkan ang kaniyang mga paa, at pinapahiran ng unguento.

New American Standard Bible

and standing behind Him at His feet, weeping, she began to wet His feet with her tears, and kept wiping them with the hair of her head, and kissing His feet and anointing them with the perfume.

Mga Halintulad

Genesis 18:4

Itulot mong dalhan kayo rito ng kaunting tubig, at maghugas kayo ng inyong mga paa, at mangagpahinga kayo sa lilim ng kahoy.

Mga Hukom 2:4-5

At nangyari, pagkasalita ng anghel ng Panginoon ng mga salitang ito sa lahat ng mga anak ni Israel, na inilakas ng bayan ang kanilang tinig at umiyak.

Ezra 10:1

Habang si Ezra nga ay dumadalangin, at nagpapahayag ng kasalanan na umiiyak at nagpapatirapa sa harap ng bahay ng Dios, nagpipisan sa kaniya mula sa Israel ang isang napakalaking kapisanan ng mga lalake at mga babae at mga bata: sapagka't ang bayan ay umiyak na mainam.

Awit 6:6-8

Ako'y pagal ng aking pagdaing; gabigabi ay aking pinalalangoy ang aking higaan; Aking dinidilig ang aking hiligan ng aking mga luha.

Awit 38:18

Sapagka't aking ipahahayag ang aking kasamaan; aking ikamamanglaw ang aking kasalanan.

Awit 51:17

Ang mga hain sa Dios ay bagbag na loob: isang bagbag at may pagsisising puso, Oh Dios, ay hindi mo wawaling kabuluhan.

Awit 126:5-6

Sila na nagsisipaghasik na may luha ay magsisiani na may kagalakan.

Mangangaral 9:8

Maging maputing lagi ang iyong mga suot; at huwag magkulang ng unguento ang iyong ulo.

Awit ng mga Awit 1:3

Ang iyong mga langis ay may masarap na amoy; ang iyong pangalan ay gaya ng langis na ibinuhos; kaya't sinisinta ka ng mga dalaga.

Isaias 57:9

At ikaw ay naparoon sa hari na may pahid na langis, at iyong pinarami ang iyong mga pabango, at iyong sinugo ang iyong mga sugo sa malayo, at ikaw ay nagpakababa hanggang sa Sheol.

Isaias 61:3

Upang iukol sila na nagsisitangis sa Sion, upang bigyan sila ng putong na bulaklak na kahalili ng mga abo, ng langis ng kagalakan na kahalili ng pagtangis, ng damit ng kapurihan na kahalili ng kabigatan ng loob; upang sila'y matawag na mga punong kahoy ng katuwiran, na pananim ng Panginoon upang siya'y luwalhatiin.

Jeremias 31:9

Sila'y magsisiparitong may iyakan, at may mga pamanhik na aking papatnubayan sila; akin silang palalakarin sa tabi ng mga ilog ng tubig, sa matuwid na daan na hindi nila katitisuran; sapagka't ako'y pinakaama sa Israel, at ang Ephraim ang aking panganay.

Jeremias 31:18-20

Tunay na aking narinig ang Ephraim na nananaghoy sa kaniyang sarili ng ganito, Inyong pinarusahan ako, at ako'y naparusahan na parang guya na hindi hirati sa pamatok: papanumbalikin mo ako, at ako'y manunumbalik sa iyo; sapagka't ikaw ang Panginoon kong Dios.

Joel 2:12

Gayon ma'y ngayon, sabi ng Panginoon, magsipanumbalik kayo sa akin ng inyong buong puso, na may pagaayuno, at may pananangis, at may pananambitan:

Zacarias 12:10

At aking bubuhusan ang sangbahayan ni David, at ang mga mananahan sa Jerusalem, ng espiritu ng biyaya at ng daing; at sila'y magsisitingin sa akin na kanilang pinalagpasan: at kanilang tatangisan siya, na gaya ng pagtangis sa bugtong na anak, at magiging kapanglawan sa kaniya, na parang kapanglawan sa kaniyang panganay.

Mateo 5:4

Mapapalad ang nangahahapis: sapagka't sila'y aaliwin.

Lucas 6:21

Mapapalad kayong nangagugutom ngayon: sapagka't kayo'y bubusugin. Mapapalad kayong nagsisitangis ngayon: sapagka't kayo'y magsisitawa.

Lucas 7:44-46

At paglingon sa babae, ay sinabi niya kay Simon, Nakikita mo baga ang babaing ito? Pumasok ako sa iyong bahay, hindi mo ako binigyan ng tubig na ukol sa aking mga paa: datapuwa't dinilig niya ang aking mga ng kaniyang mga luha, at kinuskos ng kaniyang buhok.

Lucas 22:62

At siya'y lumabas, at nanangis ng kapaitpaitan.

Juan 13:4-5

Ay nagtindig sa paghapon, at itinabi ang kaniyang mga damit; at siya'y kumuha ng isang toalya, at ibinigkis sa kaniyang sarili.

2 Corinto 7:10-11

Sapagka't ang kalumbayang mula sa Dios, ay gumagawa ng pagsisisi sa ikaliligtas, na hindi ikalulungkot: datapuwa't ang kalumbayang ayon sa sanglibutan ay ikamamatay.

Santiago 4:9

Kayo'y mangagpighati, at magsihibik, at magsitangis: inyong palitan ang inyong pagtawa ng paghibik, at ang inyong kagalakan ng kalumbayan.

Kaalaman ng Taludtod

Mga Pagbasang may Kahulugan

37 At narito, ang isang babaing makasalanan na nasa bayan; at nang maalaman niyang siya'y nasa dulang ng pagkain sa bahay ng Fariseo ay nagdala siya ng isang sisidlang alabastro na puno ng unguento, 38 At nakatayo sa likuran sa kaniyang mga paanan na tumatangis, ay pinasimulan niyang dinilig ng mga luha ang kaniyang mga paa, at ang mga ito'y kinukuskos ng buhok ng kaniyang ulo, at hinahagkan ang kaniyang mga paa, at pinapahiran ng unguento. 39 Nang makita nga ito ng Fariseo na sa kaniya'y naganyaya, ay nagsalita sa kaniyang sarili, na sinasabi, Ang taong ito, kung siya'y isang propeta ay nakikilala niya kung sino at kung ano ang babaing ito na sa kaniya'y humihipo, na siya'y makasalanan.


n/a

New American Standard Bible Copyright ©1960, 1962, 1963, 1968, 1971, 1972, 1973, 1975, 1977, 1995 by The Lockman Foundation, La Habra, Calif. All rights reserved. For Permission to Quote Information visit http://www.lockman.org