Parallel Verses

Tagalog: Ang Dating Biblia (1905)

Sapagka't siya'y may isang bugtong na anak na babae, na may labingdalawang taong gulang, at siya'y naghihingalo. Datapuwa't samantalang siya'y lumalakad ay sinisiksik siya ng karamihan.

New American Standard Bible

for he had an only daughter, about twelve years old, and she was dying. But as He went, the crowds were pressing against Him.

Mga Halintulad

Lucas 7:12

At nang siya nga'y malapit na sa pintuan ng bayan, narito, inilalabas ang isang patay, bugtong na anak na lalake ng kaniyang ina, at siya'y bao: at kasama niya ang maraming tao na taga bayan.

Lucas 8:45

At sinabi ni Jesus, Sino ang humipo sa akin? At nang tumatanggi ang lahat, ay sinabi ni Pedro, at ng mga kasamahan niya, Guro, iniimpit ka at sinisiksik ka ng karamihan.

Genesis 44:20-22

At aming sinabi sa aking panginoon, Kami ay may ama, isang matanda, at isang anak sa kaniyang katandaan, isang munting bata at ang kaniyang kapatid ay namatay, at siya lamang ang naiwan ng kaniyang ina, at minamahal siya ng kaniyang ama.

Job 1:18-19

Samantalang siya'y nagsasalita pa, ay dumating naman ang iba, at nagsabi, Ang iyong mga anak na lalake at babae ay nagsisikain at nagsisiinom ng alak sa bahay ng kanilang kapatid na panganay:

Job 4:20

Sa pagitan ng umaga at hapon, ay nangagigiba; nangapaparam magpakailan man na walang pumupuna.

Awit 90:5-8

Iyong dinadala sila na parang baha; sila'y parang pagkakatulog: sa kinaumagahan ay parang damo sila na tumutubo.

Awit 103:15-16

Tungkol sa tao, ang kaniyang mga kaarawan ay parang damo: kung paanong namumukadkad ang bulaklak sa parang ay gayon siya.

Mangangaral 6:12

Sapagka't sinong nakakaalam kung ano ang mabuti sa tao sa kaniyang buhay, lahat ng mga kaarawan ng kaniyang walang kabuluhang buhay na kaniyang ginugol na gaya ng anino? sapagka't sinong makapagsasaysay sa tao kung ano ang mangyayari pagkamatay niya sa ilalim ng araw?

Ezekiel 24:16

Anak ng tao, narito, aalisin ko sa iyo sa pamamagitan ng kamatayan ang nasa ng iyong mga mata: gayon ma'y hindi ka tatangis, ni iiyak man, ni aagos man ang iyong mga luha.

Ezekiel 24:25

At ikaw, anak ng tao, hindi baga mangyayari sa araw na aking alisin sa kanila ang kanilang lakas, ang kagalakan ng kanilang kaluwalhatian, ang nasa ng kanilang mga mata, at ang kanilang pinaglalagakan ng kanilang puso, ang kanilang mga anak na lalake at babae,

Zacarias 12:10

At aking bubuhusan ang sangbahayan ni David, at ang mga mananahan sa Jerusalem, ng espiritu ng biyaya at ng daing; at sila'y magsisitingin sa akin na kanilang pinalagpasan: at kanilang tatangisan siya, na gaya ng pagtangis sa bugtong na anak, at magiging kapanglawan sa kaniya, na parang kapanglawan sa kaniyang panganay.

Marcos 5:24

At siya'y sumama sa kaniya; at sinundan siya ng lubhang maraming tao; at siya'y sinisiksik nila.

Mga Taga-Roma 5:12

Kaya, kung paano na sa pamamagitan ng isang tao ay pumasok ang kasalanan sa sanglibutan, at ang kamataya'y sa pamamagitan ng kasalanan; at sa ganito'y ang kamatayan ay naranasan ng lahat ng mga tao, sapagka't ang lahat ay nangagkasala:

Kaalaman ng Taludtod

Mga Pagbasang may Kahulugan

41 At narito, lumapit ang isang lalaking nagngangalang Jairo, at siya'y isang pinuno sa sinagoga: at siya'y nagpatirapa sa paanan ni Jesus, at ipinamamanhik sa kaniya, na pumasok sa kaniyang bahay; 42 Sapagka't siya'y may isang bugtong na anak na babae, na may labingdalawang taong gulang, at siya'y naghihingalo. Datapuwa't samantalang siya'y lumalakad ay sinisiksik siya ng karamihan. 43 At isang babae na may labingdalawang taon nang inaagasan, na ginugol sa mga manggagamot ang lahat niyang pagkabuhay, at sinoma'y walang makapagpagaling sa kaniya,

n/a

New American Standard Bible Copyright ©1960, 1962, 1963, 1968, 1971, 1972, 1973, 1975, 1977, 1995 by The Lockman Foundation, La Habra, Calif. All rights reserved. For Permission to Quote Information visit http://www.lockman.org