Parallel Verses
Tagalog: Ang Dating Biblia (1905)
At pinalapit niya sa kaniya ang isang maliit na bata, at inilagay sa gitna nila,
New American Standard Bible
And He called a child to Himself and set him before them,
Mga Halintulad
Mateo 19:13-14
Nang magkagayon ay dinala sa kaniya ang maliliit na bata, upang ipatong niya ang kaniyang mga kamay sa kanila, at ipanalangin: at sinaway sila ng mga alagad.
1 Mga Hari 3:7
At ngayon, Oh Panginoon kong Dios, iyong ginawang hari ang iyong lingkod na kahalili ni David na aking ama; at ako'y isang munting bata lamang; hindi ko nalalaman ang paglulumabas at pumasok.
Jeremias 1:7
Nguni't sinabi sa akin ng Panginoon, Huwag mong sabihin, Ako'y bata: sapagka't saan man kita susuguin ay paroroon ka, at anomang iutos ko sa iyo ay sasalitain mo.
Marcos 9:36-37
At kinuha niya ang isang maliit na bata, at inilagay sa gitna nila: at siya'y kaniyang kinalong, na sa kanila'y sinabi niya,
Kaalaman ng Taludtod
Mga Pagbasang may Kahulugan
1 Nang oras na yaon ay nagsilapit ang mga alagad kay Jesus, na nangagsasabi, Sino nga baga ang pinakadakila sa kaharian ng langit? 2 At pinalapit niya sa kaniya ang isang maliit na bata, at inilagay sa gitna nila, 3 At sinabi, Katotohanang sinasabi ko sa inyo, Malibang kayo'y magsipanumbalik, at maging tulad sa maliliit na bata, sa anomang paraan ay hindi kayo magsisipasok sa kaharian ng langit.