Parallel Verses
Tagalog: Ang Dating Biblia (1905)
Nangyari nga ito, upang matupad ang sinalita sa pamamagitan ng propeta, na nagsasabi,
New American Standard Bible
This took place to fulfill what was spoken through the prophet:
Mga Halintulad
Zacarias 9:9
Magalak kang mainam, Oh anak na babae ng Sion; humiyaw ka, Oh anak na babae ng Jerusalem: narito, ang iyong hari ay naparirito sa iyo; siya'y ganap at may pagliligtas; mapagmababa, at nakasakay sa isang asno, sa isang batang asno na anak ng asnong babae.
Mateo 1:22
At nangyari nga ang lahat ng ito, upang maganap ang sinalita ng Panginoon sa pamamagitan ng propeta, na nagsasabi,
Juan 12:15
Huwag kang matakot, anak na babae ng Sion: narito, ang iyong Hari ay pumaparito, na nakasakay sa isang anak ng asno.
Mateo 26:56
Datapuwa't nangyari ang lahat ng ito, upang mangatupad ang mga kasulatan ng mga propeta. Nang magkagayo'y iniwan siya ng lahat ng mga alagad, at nagsitakas.
Juan 19:36-37
Sapagka't ang mga bagay na ito ay nangyari, upang matupad ang kasulatan, Ni isa mang buto niya'y hindi mababali.
Kaalaman ng Taludtod
Mga Pagbasang may Kahulugan
3 At kung ang sinoman ay magsabi ng anoman sa inyo, ay sasabihin ninyo, Kinakailangan sila ng Panginoon; at pagdaka'y kaniyang ipadadala sila. 4 Nangyari nga ito, upang matupad ang sinalita sa pamamagitan ng propeta, na nagsasabi, 5 Sabihin ninyo sa anak na babae ng Sion: Narito, ang Hari mo'y pumaparito sa iyo, Na maamo, at nakasakay sa isang asno, At sa isang batang asno na anak ng babaing asno.