Parallel Verses
Tagalog: Ang Dating Biblia (1905)
Nang marinig nga niya na si Juan ay dinakip, ay umuwi siya sa Galilea;
New American Standard Bible
Now when Jesus heard that John had been taken into custody, He withdrew into Galilee;
Mga Halintulad
Marcos 1:14
Pagkatapos ngang madakip si Juan, ay napasa Galilea si Jesus na ipinangangaral ang evangelio ng Dios,
Lucas 3:20
Ay naparagdag naman ito sa lahat, na kinulong niya si Juan sa bilangguan.
Lucas 4:14
At bumalik si Jesus sa Galilea sa kapangyarihan ng Espiritu: at kumalat ang kabantugan tungkol sa kaniya sa palibot ng buong lupain.
Mateo 14:3
Sapagka't hinuli ni Herodes si Juan, at siya'y iginapos, at inilagay sa bilangguan dahil kay Herodias, na asawa ni Felipe na kaniyang kapatid.
Marcos 6:17
Sapagka't si Herodes din ang nagsugo sa mga kawal at nagpahuli kay Juan, at nagpatanikala sa kaniya sa bilangguan dahil kay Herodias, na asawa ni Filipo na kaniyang kapatid; sapagka't nagasawa siya sa kaniya.
Lucas 4:31
At siya'y bumaba sa Capernaum, na isang bayan ng Galilea. At sila'y tinuruan niya sa araw ng sabbath:
Juan 3:24
Sapagka't hindi pa ipinapasok sa bilangguan si Juan.
Juan 4:43
At pagkaraan ng dalawang araw ay umalis siya doon at napasa Galilea.
Juan 4:54
Ito nga ang muling pangalawang tanda na ginawa ni Jesus, nang siya'y pumaroon sa Galilea na mula sa Judea.
Kaalaman ng Taludtod
Mga Pagbasang may Kahulugan
11 Nang magkagayo'y iniwan siya ng diablo; at narito, nagsidating ang mga anghel at siya'y pinaglingkuran. 12 Nang marinig nga niya na si Juan ay dinakip, ay umuwi siya sa Galilea; 13 At pagkaiwan sa Nazaret, ay naparoon siya at tumahan sa Capernaum, na nasa tabi ng dagat, sa mga hangganan ng Zabulon at Neftali: