Parallel Verses
Tagalog: Ang Dating Biblia (1905)
At sa kaniya'y sinabi, Kung ikaw ang Anak ng Dios, ay magpatihulog ka: sapagka't nasusulat, Siya'y magbibilin sa kaniyang mga anghel tungkol sa iyo: at, Aalalayan ka ng kanilang mga kamay, Baka matisod ka ng iyong paa sa isang bato.
New American Standard Bible
and said to Him, "If You are the Son of God, throw Yourself down; for it is written, 'HE WILL COMMAND HIS ANGELS CONCERNING YOU'; and 'ON their HANDS THEY WILL BEAR YOU UP, SO THAT YOU WILL NOT STRIKE YOUR FOOT AGAINST A STONE.'"
Mga Paksa
Mga Halintulad
Awit 91:11-12
Sapagka't siya'y magbibilin sa kaniyang mga anghel tungkol sa iyo, upang ingatan ka sa lahat ng iyong mga lakad.
Job 1:10
Hindi mo ba kinulong siya, at ang kaniyang sangbahayan, at ang lahat niyang tinatangkilik, sa bawa't dako? iyong pinagpala ang gawa ng kaniyang mga kamay, at ang kaniyang pag-aari ay dumami sa lupain.
Job 5:23
Sapagka't ikaw ay makakasundo ng mga bato sa parang; at ang mga ganid sa parang ay makikipagpayapaan sa iyo.
Awit 34:7
Ang anghel ng Panginoon ay humahantong sa buong palibot ng nangatatakot sa kaniya, at ipinagsasanggalang sila.
Awit 34:20
Kaniyang iniingatan ang lahat niyang mga buto: wala isa man sa mga yaon na nababali.
Mateo 4:4
Datapuwa't siya'y sumagot, at sinabi, Nasusulat, Hindi sa tinapay lamang mabubuhay ang tao, kundi sa bawa't salitang lumalabas sa bibig ng Dios.
Lucas 4:9-12
At dinala niya siya sa Jerusalem, at inilagay siya sa taluktok ng templo, at sinabi sa kaniya, Kung ikaw ay Anak ng Dios, ay magpatihulog ka mula rito hanggang sa ibaba:
2 Corinto 11:14
At hindi katakataka: sapagka't si Satanas man ay nagpapakunwaring anghel ng kaliwanagan.
Mga Hebreo 1:14
Hindi baga silang lahat ay mga espiritung tagapaglingkod, na mga sinugo upang magsipaglingkod sa kapakinabangan ng mangagmamana ng kaligtasan?
Kaalaman ng Taludtod
Mga Pagbasang may Kahulugan
5 Nang magkagayo'y dinala siya ng diablo sa bayang banal; at inilagay siya sa taluktok ng templo, 6 At sa kaniya'y sinabi, Kung ikaw ang Anak ng Dios, ay magpatihulog ka: sapagka't nasusulat, Siya'y magbibilin sa kaniyang mga anghel tungkol sa iyo: at, Aalalayan ka ng kanilang mga kamay, Baka matisod ka ng iyong paa sa isang bato. 7 Sinabi sa kaniya ni Jesus, Nasusulat din naman, Huwag mong tutuksuhin ang Panginoon mong Dios.