Parallel Verses
Tagalog: Ang Dating Biblia (1905)
Sa mga anak ni Zabulon, ang kanilang mga lahi, ayon sa kanilang mga angkan, ayon sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang, ayon sa bilang ng mga pangalan, na mula sa dalawang pung taong gulang na patanda, lahat ng makalalabas sa pakikibaka;
New American Standard Bible
Of the sons of Zebulun, their genealogical registration by their families, by their fathers' households, according to the number of names, from twenty years old and upward, whoever was able to go out to war,
Mga Halintulad
Mga Bilang 26:26-27
Ang mga anak ni Zabulon ayon sa kanilang mga angkan: kay Sered, ang angkan ng mga Seredita: kay Elon, ang angkan ng mga Elonita: kay Jalel, ang angkan ng mga Jalelita.
Genesis 30:20
At sinabi ni Lea, Binigyan ako ng Dios ng isang mabuting kaloob; ngayo'y makikisama na sa akin ang aking asawa, sapagka't nagkaanak ako sa kaniya ng anim na lalake: at kaniyang pinanganlang Zabulon.
Genesis 46:14
At ang mga anak ni Zabulon; si Sered; at si Elon, at si Jahleel.
Genesis 49:13
Si Zabulon ay tatahan sa daongan ng dagat: At siya'y magiging daongan ng mga sasakyan; At ang kaniyang hangganan ay magiging hanggang Sidon.
Mga Bilang 2:7-8
At ang lipi ni Zabulon: at ang magiging prinsipe sa mga anak ni Zabulon, ay si Eliab na anak ni Helon:
Kaalaman ng Taludtod
Mga Pagbasang may Kahulugan
29 Ay nangabilang sa kanila, sa lipi ni Issachar, ay limang pu't apat na libo at apat na raan. 30 Sa mga anak ni Zabulon, ang kanilang mga lahi, ayon sa kanilang mga angkan, ayon sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang, ayon sa bilang ng mga pangalan, na mula sa dalawang pung taong gulang na patanda, lahat ng makalalabas sa pakikibaka; 31 Ay nangabilang sa kanila, sa lipi ni Zabulon, ay limang pu't pitong libo at apat na raan.