Parallel Verses

Tagalog: Ang Dating Biblia (1905)

At iingatan mo at ng iyong mga anak na kasama mo at ang inyong pagkasaserdote sa bawa't bagay ng dambana; at doon sa nasa loob ng tabing; at kayo'y maglilingkod: aking ibinibigay sa inyo ang pagkasaserdote na parang isang paglilingkod na kaloob: at ang taga ibang lupa na lumapit ay papatayin.

New American Standard Bible

"But you and your sons with you shall attend to your priesthood for everything concerning the altar and inside the veil, and you are to perform service I am giving you the priesthood as a bestowed service, but the outsider who comes near shall be put to death."

Mga Halintulad

Mga Bilang 3:10

At iyong ihahalal si Aaron at ang kaniyang mga anak, at kanilang gaganapin ang kanilang pagkasaserdote: at ang taga ibang bayan na lumapit ay papatayin.

Exodo 29:9

At iyong bibigkisan sila ng mga pamigkis, si Aaron at ang kaniyang mga anak, at itatali mo ang mga tiara sa kanikaniyang ulo: at tatamuhin nila ang pagkasaserdote na pinakapalatuntunang palagi: at iyong papagbabanalin si Aaron at ang kaniyang mga anak.

Levitico 16:2

At sinabi ng Panginoon kay Moises, Salitain mo kay Aaron na iyong kapatid na huwag pumasok tuwina sa dakong banal, sa loob ng tabing, sa harap ng luklukan ng awa na nasa ibabaw ng kaban; upang siya'y huwag mamatay: sapagka't ako'y pakikitang nasa ulap sa ibabaw ng luklukan ng awa.

Levitico 16:12-14

At kukuha siya mula sa dambana na nasa harap ng Panginoon ng isang suuban na puno ng mga baga; at kukuha ng dalawang dakot ng masarap na kamangyan na totoong dikdik, at kaniyang dadalhin sa loob ng tabing:

Mga Bilang 1:51

At pagka ililipat ang tabernakulo ay pagtatanggaltanggalin ng mga Levita: at pagka itatayo ang tabernakulo ay paguugnay-ugnayin ng mga Levita: at ang taga ibang bayan na lumapit ay papatayin.

Mga Bilang 3:38

At yaong lahat na hahantong sa harap ng tabernakulo sa dakong silanganan, sa harap ng tabernakulo ng kapisanan, sa dakong sinisikatan ng araw, ay si Moises, at si Aaron, at ang kaniyang mga anak na mamamahala ng katungkulan sa santuario, upang ganapin ang pamamahala ng mga anak ni Israel: at ang taga ibang bayan na lumapit ay papatayin.

Mga Bilang 16:5-7

At sinalita niya kay Core at sa kaniyang buong pulutong, na sinasabi, Sa kinaumagahan ay ipakikilala ng Panginoon kung sino ang kaniya, at kung sino ang banal, at kung sino ang palalapitin niya sa kaniya: sa makatuwid baga'y ang piliin ay siyang kaniyang palalapitin sa kaniya.

Mga Bilang 16:40

Upang maging pinakaalaala sa mga anak ni Israel, upang sinomang ibang tao na hindi sa mga anak ni Aaron ay huwag lumapit na magsunog ng kamangyan sa harap ng Panginoon; upang huwag magaya kay Core at sa kaniyang mga kasama: gaya ng sinalita ng Panginoon sa kaniya sa pamamagitan ni Moises.

Mga Bilang 18:4-5

At sila'y lalakip sa iyo, at mag-iingat ng katungkulan sa tabernakulo ng kapisanan, sa buong paglilingkod sa tolda: at sinomang taga ibang lupa ay huwag lalapit sa inyo.

Mga Bilang 18:20

At sinabi ng Panginoon kay Aaron, Huwag kang magkakaroon ng mana sa kanilang lupain, ni magkakaroon ka ng anomang bahagi sa gitna nila: ako ang iyong bahagi at ang iyong mana sa gitna ng mga anak ni Israel.

1 Samuel 2:28

At pinili ko ba siya sa lahat ng mga lipi ng Israel upang maging saserdote ko, upang maghandog sa aking dambana, upang magsunog ng kamangyan, at upang magsuot ng epod sa harap ko? at ibinigay ko ba sa sangbahayan ng iyong ama ang lahat ng mga handog ng mga anak ni Israel na pinaraan sa apoy?

Juan 3:27

Sumagot si Juan at sinabi, Hindi makatatanggap ng anoman ang isang tao, malibang ito'y ipinagkaloob sa kaniya mula sa langit.

Mga Taga-Roma 15:15-16

Nguni't sinulatan ko kayo na may dakilang kalayaan na bilang pagpapaalaala sa inyo, dahil sa biyaya na sa akin ay ibinigay ng Dios,

Mga Taga-Efeso 3:8

Sa akin, na ako ang kababababaan sa lahat ng lalong mababa sa mga banal, ay ibinigay ang biyayang ito, upang ipangaral sa mga Gentil ang mga di malirip na mga kayamanan ni Cristo;

Mga Hebreo 5:4

At sinoman ay hindi tumatanggap sa kaniyang sarili ng karangalang ito, liban na kung tawagin siya ng Dios, na gaya ni Aaron.

Mga Hebreo 9:3-6

At sa likod ng ikalawang tabing ay ang tabernakulo na tinatawag na Dakong Kabanalbanalan;

Kaalaman ng Taludtod

Mga Pagbasang may Kahulugan

6 At ako, narito, aking pinili ang inyong mga kapatid na mga Levita sa gitna ng mga anak ni Israel: sa inyo sila ay isang kaloob, na bigay sa Panginoon, upang gawin ang paglilingkod sa tabernakulo ng kapisanan. 7 At iingatan mo at ng iyong mga anak na kasama mo at ang inyong pagkasaserdote sa bawa't bagay ng dambana; at doon sa nasa loob ng tabing; at kayo'y maglilingkod: aking ibinibigay sa inyo ang pagkasaserdote na parang isang paglilingkod na kaloob: at ang taga ibang lupa na lumapit ay papatayin. 8 At sinalita ng Panginoon kay Aaron, At ako'y, narito, aking ibinigay sa iyo ang katungkulan sa mga handog na itinaas sa aking, lahat ng mga banal na bagay ng mga anak ni Israel; aking ibinigay sa iyo dahil sa pagpapahid, at sa iyong mga anak na marapat na bahagi ninyo, magpakailan man.


n/a

New American Standard Bible Copyright ©1960, 1962, 1963, 1968, 1971, 1972, 1973, 1975, 1977, 1995 by The Lockman Foundation, La Habra, Calif. All rights reserved. For Permission to Quote Information visit http://www.lockman.org