Parallel Verses

Tagalog: Ang Dating Biblia (1905)

At sinabi ng Panginoon kay Moises at kay Aaron, Sapagka't hindi kayo sumampalataya sa akin upang ipakilala ninyong banal ako sa mga mata ng mga anak ni Israel, kaya't hindi ninyo dadalhin ang kapisanang ito sa lupain na aking ibinigay sa kanila.

New American Standard Bible

But the LORD said to Moses and Aaron, "Because you have not believed Me, to treat Me as holy in the sight of the sons of Israel, therefore you shall not bring this assembly into the land which I have given them."

Mga Halintulad

Mga Bilang 27:14

Sapagka't kayo'y nanghimagsik laban sa aking salita sa ilang ng Zin, sa pakikipagtalo ng kapisanan, na ipakilala ninyong banal ako sa harap ng mga mata nila sa tubig. (Ito ang tubig ng Meriba sa Cades sa ilang ng Zin.)

Deuteronomio 1:37

Ang Panginoon ay nagalit din sa akin, dahil sa inyo, na nagsasabi, Ikaw man ay hindi papasok doon:

Mga Bilang 20:24

Si Aaron ay malalakip sa kaniyang bayan: sapagka't siya'y hindi makapapasok sa lupain na aking ibinigay sa mga anak ni Israel, sapagka't kayo'y nagsipanghimagsik laban sa aking salita sa tubig ng Meriba.

Ezekiel 20:41

Parang masarap na amoy na tatanggapin ko kayo, pagka kayo'y aking naihiwalay sa mga bayan, at napisan ko kayo mula sa mga lupain na inyong pinangalatan; at ako'y ipaari ninyong banal sa paningin ng mga bansa.

Ezekiel 36:23

At aking babanalin ang aking dakilang pangalan, na nalapastangan sa mga bansa, na inyong nilapastangan sa gitna nila; at malalaman ng mga bansa na ako ang Panginoon, sabi ng Panginoong Dios, pagka ako'y aariing banal sa inyo sa harap ng kanilang mga mata.

Levitico 10:3

Nang magkagayo'y sinabi ni Moises kay Aaron, Ito ang sinalita ng Panginoon, na sinasabi, Ako'y babanalin ng mga lumalapit sa akin, at sa harap ng buong bayan ay luluwalhatiin ako. At si Aaron ay hindi umimik.

Mga Bilang 11:15

At kung ako'y ginagawan mo ng ganito ay patayin mo na ako, ipinamamanhik ko sa iyo, kung ako'y nakasumpong ng biyaya sa iyong paningin; at huwag ko nang makita ang aking kahirapan.

Mga Bilang 11:21-22

At sinabi ni Moises, Ang bayan na kinaroroonan ko, ay anim na raang libong katao na nakatayo; at iyong sinabi, Akin silang bibigyan ng karne na kanilang makakain sa buong buwan.

Deuteronomio 3:23-27

At ako'y dumalangin sa Panginoon nang panahong yaon, na sinasabi,

Deuteronomio 32:49-51

Sumampa ka sa bundok na ito ng Abarim, sa bundok ng Nebo na nasa lupain ng Moab, na nasa tapat ng Jerico; at masdan mo ang lupain ng Canaan, na aking ibinibigay sa mga anak ni Israel, na pinakaari:

Deuteronomio 34:4

At sinabi ng Panginoon sa kaniya, Ito ang lupain na aking isinumpa kay Abraham, kay Isaac, at kay Jacob, na sinasabi, Aking ibibigay sa iyong binhi: aking pinatingnan sa iyo ng iyong mga mata, nguni't hindi ka daraan doon.

Josue 1:2

Si Moises na aking lingkod ay patay na; ngayon nga'y tumindig ka, tumawid ka sa Jordang ito, ikaw, at ang buong bayang ito, hanggang sa lupain na aking ibinibigay sa kanila, sa makatuwid baga'y sa mga anak ni Israel.

2 Paralipomeno 20:20

At sila'y nagsibangong maaga sa kinaumagahan, at nagsilabas sa ilang ng Tecoa: at habang sila'y nagsisilabas, si Josaphat ay tumayo, at nagsabi, Dinggin ninyo ako, Oh Juda, at ninyong mga taga Jerusalem; sumampalataya kayo sa Panginoon ninyong Dios, sa gayo'y matatatag kayo; sumampalataya kayo sa kaniyang mga propeta, sa gayo'y giginhawa kayo.

Isaias 7:9

At ang pangulo ng Ephraim ay ang Samaria, at ang pangulo ng Samaria ay ang anak ni Remalias. Kung kayo'y hindi maniniwala, tunay na hindi kayo mangatatatag.

Isaias 8:13

Ang Panginoon ng mga hukbo, siya ang inyong aariing banal; at sumakaniya ang inyong takot, at sumakaniya ang inyong pangingilabot.

Ezekiel 38:10

Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Mangyayari sa araw na yaon, na mga bagay ay darating sa iyong pagiisip, at ikaw ay magpapanukala ng masamang panukala:

Mateo 17:17

At sumagot si Jesus at sinabi, Oh lahing walang pananampalataya at taksil, hanggang kailan titiisin ko kayo? dalhin ninyo siya rito sa akin.

Mateo 17:20

At sinabi niya sa kanila, Dahil sa kakauntian ng inyong pananampalataya: sapagka't katotohanang sinasabi ko sa inyo, Kung magkaroon kayo ng pananampalataya na kasinglaki ng butil ng binhi ng mostasa, ay masasabi ninyo sa bundok na ito, Lumipat ka mula rito hanggang doon; at ito'y lilipat; at sa inyo'y hindi may pangyayari.

Lucas 1:20

At narito, mapipipi ka at hindi ka makapangungusap, hanggang sa araw na mangyari ang mga bagay na ito, sapagka't hindi ka sumampalataya sa aking mga salita, na magaganap sa kanilang kapanahunan.

Lucas 1:45

At mapalad ang babaing sumampalataya; sapagka't matutupad ang mga bagay na sa kaniya'y sinabi ng Panginoon.

Juan 1:17

Sapagka't ibinigay sa pamamagitan ni Moises ang kautusan; ang biyaya at ang katotohanan ay nagsidating sa pamamagitan ni Jesu-cristo.

Mga Taga-Roma 4:20

Kundi, sa pagtingin niya sa pangako ng Dios, ay hindi nagalinlangan sa pamamagitan ng di pananampalataya, kundi lumakas ng lumakas sa pamamagitan ng pananampalataya, na niluluwalhati ang Dios,

1 Pedro 3:15

Kundi inyong ariing banal si Cristo na Panginoon sa inyong mga puso: na lagi kayong handa ng pagsagot sa bawa't tao na humihingi sa inyo ng katuwiran tungkol sa pagasang nasa inyo, nguni't sa kaamuan at takot:

Kaalaman ng Taludtod

Mga Pagbasang may Kahulugan

11 At itinaas ni Moises ang kaniyang kamay, at pinalong makalawa ang bato ng kaniyang tungkod: at ang tubig ay lumabas na sagana, at ang kapisanan ay uminom at ang kanilang mga hayop. 12 At sinabi ng Panginoon kay Moises at kay Aaron, Sapagka't hindi kayo sumampalataya sa akin upang ipakilala ninyong banal ako sa mga mata ng mga anak ni Israel, kaya't hindi ninyo dadalhin ang kapisanang ito sa lupain na aking ibinigay sa kanila. 13 Ito ang tubig ng Meriba; sapagka't sinisi ng mga anak ni Israel ang Panginoon, at siya'y napakilalang banal sa kanila.


n/a

New American Standard Bible Copyright ©1960, 1962, 1963, 1968, 1971, 1972, 1973, 1975, 1977, 1995 by The Lockman Foundation, La Habra, Calif. All rights reserved. For Permission to Quote Information visit http://www.lockman.org