Parallel Verses
Tagalog: Ang Dating Biblia (1905)
At dininig ng Panginoon ang tinig ng Israel, at ibinigay ang Cananeo sa kanila, at kanilang lubos na nilipol sila at ang kanilang mga bayan: at ang ipinangalan sa dakong yaon ay Horma.
New American Standard Bible
The LORD heard the voice of Israel and delivered up the Canaanites; then they utterly destroyed them and their cities. Thus the name of the place was called Hormah.
Mga Halintulad
Mga Bilang 14:45
Nang magkagayon ang mga Amalecita ay bumaba at ang mga Cananeo na tumatahan sa bundok na yaon, ay sinaktan sila at nilupig silang hinabol, hanggang sa Horma.
Deuteronomio 1:44
At ang mga Amorrheo na tumatahan sa bundok na yaon, ay nagsilabas na laban sa inyo, at kayo'y hinabol, na gaya ng ginagawa ng mga pukyutan, at kayo'y tinalo sa Seir, hanggang sa Horma.
1 Samuel 30:30
At sa kanila na sa Horma, at sa kanila na nasa Chorasan, at sa kanila na nasa Athach;
Awit 10:17
Panginoon, iyong narinig ang nasa ng mga maamo: iyong ihahanda ang kanilang puso, iyong pakikinggan ng iyong pakinig:
Awit 91:15
Siya'y tatawag sa akin, at sasagutin ko siya; ako'y sasa kaniya sa kabagabagan: aking ililigtas siya, at pararangalan siya.
Awit 102:17
Kaniyang dininig ang dalangin ng tapon, at hindi hinamak ang kanilang dalangin.
Kaalaman ng Taludtod
Mga Pagbasang may Kahulugan
2 At ang Israel ay nanata sa Panginoon, at nagsabi, Kung tunay na ibibigay mo ang bayang ito sa aking kamay, ay aking lubos na gigibain nga ang kanilang mga bayan. 3 At dininig ng Panginoon ang tinig ng Israel, at ibinigay ang Cananeo sa kanila, at kanilang lubos na nilipol sila at ang kanilang mga bayan: at ang ipinangalan sa dakong yaon ay Horma. 4 At sila'y naglakbay mula sa bundok ng Hor na napasa daang patungo sa Dagat na Mapula upang lumiko sa lupain ng Edom; at ang damdamin ng bayan ay nainip dahil sa daan.