Parallel Verses
Tagalog: Ang Dating Biblia (1905)
At ang mga anak ni Eliab; ay si Nemuel, at si Dathan, at si Abiram. Ito yaong Dathan at Abiram, na tinawag sa kapisanan na siya ngang nagsilaban kay Moises at kay Aaron, sa pulutong ni Core, nang sila'y lumaban sa Panginoon;
New American Standard Bible
The sons of Eliab: Nemuel and Dathan and Abiram. These are the Dathan and Abiram who were called by the congregation, who contended against Moses and against Aaron in the company of Korah, when they contended against the LORD,
Mga Paksa
Mga Halintulad
Mga Bilang 1:16
Ito ang mga tinawag sa kapisanan, na mga prinsipe sa mga lipi ng kanikanilang mga magulang; sila ang mga pangulo ng libolibong taga Israel.
Mga Bilang 16:1-35
Si Core nga na anak ni Ishar, na anak ni Coath, na anak ni Levi sangpu ni Dathan at ni Abiram na mga anak ni Eliab, at si Hon na anak ni Peleth, na mga anak ni Ruben, ay nagsikuha ng mga tao:
Awit 106:17
Ang lupa ay bumuka, at nilamon si Dathan, at tinakpan ang pulutong ni Abiram.
Judas 1:11
Sa aba nila! sapagka't sila'y nagsilakad sa daan ni Cain, at nagsidaluhong na walang pagpipigil sa kamalian ni Balaam dahil sa upa, at nangapahamak sa pagsalangsang ni Core.
Kaalaman ng Taludtod
Mga Pagbasang may Kahulugan
8 At ang mga anak ni Phallu; ay si Eliab. 9 At ang mga anak ni Eliab; ay si Nemuel, at si Dathan, at si Abiram. Ito yaong Dathan at Abiram, na tinawag sa kapisanan na siya ngang nagsilaban kay Moises at kay Aaron, sa pulutong ni Core, nang sila'y lumaban sa Panginoon; 10 At ibinuka ng lupain ang kaniyang bibig, at nilamon sila pati ni Core, nang mamatay ang pulutong na yaon; noong panahong lamunin ng apoy ang dalawang daan at limang pung tao, at sila'y naging isang tanda.