Parallel Verses

Tagalog: Ang Dating Biblia (1905)

At kanilang gaganapin ang kaniyang katungkulan, at ang katungkulan ng buong kapisanan sa harap ng tabernakulo ng kapisanan upang isagawa ang paglilingkod sa tabernakulo.

New American Standard Bible

"They shall perform the duties for him and for the whole congregation before the tent of meeting, to do the service of the tabernacle.

Mga Paksa

Mga Halintulad

Mga Bilang 1:50

Kundi ipamamahala mo sa mga Levita ang tabernakulo ng patotoo, at ang lahat ng kasangkapan niyaon, at ang lahat ng nauukol doon; kanilang dadalhin ang tabernakulo, at ang lahat ng kasangkapan niyaon; at kanilang pangangasiwaan at sila'y hahantong sa palibot ng tabernakulo.

Mga Bilang 8:11

At ihahandog ni Aaron ang mga Levita sa harap ng Panginoon na pinakahandog, na inalog sa ganang mga anak ni Israel upang kanilang gawin ang paglilingkod sa Panginoon.

Mga Bilang 8:15

At pagkatapos nito ay magsisipasok ang mga Levita, upang gawin ang paglilingkod sa tabernakulo ng kapisanan at iyo silang lilinisin, at ihahandog mo na pinakahandog na inalog.

Mga Bilang 3:32

At si Eleazar na anak ni Aaron na saserdote ay siyang magiging prinsipe ng mga prinsipe ng mga Levita at mamamahala sa mga may katungkulan sa santuario.

Mga Bilang 8:24-26

Ito ang nauukol sa mga Levita: mula sa dalawang pu't limang taong gulang na patanda, ay papasok upang maglingkod sa gawa ng tabernakulo ng kapisanan.

Mga Bilang 31:30

At sa kalahati na nauukol sa mga anak ni Israel, ay kunin mo ang isang nakuha sa bawa't limang pu, sa mga tao, sa mga bata, sa mga asno, at sa mga kawan, sa lahat ng hayop at ibigay mo sa mga Levita, na namamahala sa tabernakulo ng Panginoon.

1 Paralipomeno 23:28-32

Sapagka't ang kanilang katungkulan ay tumulong sa mga anak ni Aaron sa paglilingkod sa bahay ng Panginoon, sa mga looban, at sa mga silid, at sa paglilinis ng lahat na banal na bagay, sa gawain na paglilingkod sa bahay ng Dios;

1 Paralipomeno 26:20

At sa mga Levita, si Achias ay nasa mga kayamanan ng bahay ng Dios, at nasa mga kayamanan ng mga itinalagang bagay.

1 Paralipomeno 26:22

Ang mga anak ni Jehieli: si Zethan at si Joel na kaniyang kapatid, sa mga ingatang-yaman ng bahay ng Panginoon.

1 Paralipomeno 26:26

Ang Selomith na ito at ang kaniyang mga kapatid ay nangasa lahat ng ingatang-yaman ng nangatalagang mga bagay na itinalaga ni David na hari, at ng mga pangulo ng mga sangbahayan ng mga magulang, ng mga pinunong kawal ng lilibuhin at ng dadaanin, at ng mga pinunong kawal ng hukbo.

Kaalaman ng Taludtod

Mga Pagbasang may Kahulugan

6 Ilapit mo ang lipi ni Levi, at ilagay mo sila sa harap ni Aaron na saserdote, upang pangasiwaan nila siya. 7 At kanilang gaganapin ang kaniyang katungkulan, at ang katungkulan ng buong kapisanan sa harap ng tabernakulo ng kapisanan upang isagawa ang paglilingkod sa tabernakulo. 8 At kanilang iingatan ang lahat ng kasangkapan ng tabernakulo ng kapisanan at ang katungkulan ng mga anak ni Israel upang isagawa ang paglilingkod sa tabernakulo.

n/a

New American Standard Bible Copyright ©1960, 1962, 1963, 1968, 1971, 1972, 1973, 1975, 1977, 1995 by The Lockman Foundation, La Habra, Calif. All rights reserved. For Permission to Quote Information visit http://www.lockman.org