Parallel Verses

Tagalog: Ang Dating Biblia (1905)

Ang manghihiganti sa dugo ay siyang papatay sa pumatay: pagka nasumpungan niya ay kaniyang papatayin.

New American Standard Bible

'The blood avenger himself shall put the murderer to death; he shall put him to death when he meets him.

Mga Halintulad

Mga Bilang 35:21

O sa pakikipagkaalit ay sinaktan niya ng kaniyang kamay, na ano pa't siya'y namatay: siya na sumakit ay walang pagsalang papatayin; siya'y mamamatay tao: ang manghihiganti sa dugo ay siyang papatay sa pumatay, pagka nasumpungan niya.

Deuteronomio 19:6

Baka habulin ng tagapanghiganti sa dugo ang nakamatay, samantalang ang puso'y nagaalab, at siya'y kaniyang abutan, sapagka't ang daan ay mahaba, at siya'y saktan ng malubha; na siya'y di marapat patayin, sapagka't hindi niya kinapopootan nang panahong nakaraan.

Deuteronomio 19:12

Ay magsusugo nga ang mga matanda sa kaniyang bayan at kukunin siya roon, at ibibigay siya sa kamay ng tagapanghiganti sa dugo, upang siya'y mamatay.

Josue 20:3

Upang matakasan ng nakamatay, na nakapatay sa sinoman na hindi sinasadya at hindi kusa: at magiging ampunan ninyo laban sa manghihiganti sa dugo.

Josue 20:5

At kung siya'y habulin ng manghihiganti sa dugo, hindi nga nila ibibigay ang nakamatay sa kaniyang kamay; sapagka't kaniyang napatay ang kaniyang kapuwa na hindi sinasadya, at hindi niya kinapootan nang una.

Mga Bilang 35:12

At ang mga bayang yaong ay magiging sa inyo'y pinaka ampunan laban sa manghihiganti; upang ang nakamatay ay huwag mamatay, hanggang sa maitayo sa kapisanan na hatulan.

Mga Bilang 35:24

Kung gayo'y ang kapisanan ang siyang hahatol sa sumakit at sa manghihiganti sa dugo, ayon sa mga kahatulang ito:

Mga Bilang 35:27

At masumpungan siya ng manghihiganti sa dugo sa labas ng hangganan ng kaniyang bayang ampunan, at patayin ng manghihiganti sa dugo ang nakamatay, ay hindi siya magiging salarin sa dugo,

Kaalaman ng Taludtod

Mga Pagbasang may Kahulugan

18 O kung kaniyang saktan ng isang almas na kahoy na tangan niya sa kamay na ikamamatay ng tao, at namatay nga, ay mamamatay tao siya: ang mamamatay tao ay walang pagsalang papatayin. 19 Ang manghihiganti sa dugo ay siyang papatay sa pumatay: pagka nasumpungan niya ay kaniyang papatayin. 20 At kung kaniyang itinulak sa kapootan, o kaniyang hinagis na binanta, ano pa't siya'y namatay;

n/a

New American Standard Bible Copyright ©1960, 1962, 1963, 1968, 1971, 1972, 1973, 1975, 1977, 1995 by The Lockman Foundation, La Habra, Calif. All rights reserved. For Permission to Quote Information visit http://www.lockman.org