Parallel Verses

Tagalog: Ang Dating Biblia (1905)

Nang magkagayo'y minagaling ng mga apostol at ng matatanda, pati ng buong iglesia, na magsihirang ng mga tao sa kanilang magkakasama, at suguin sa Antioquia na kasama ni Pablo at ni Bernabe; si Judas na tinatawag na Barsabas, at si Silas na mga nangungulo sa mga kapatid:

New American Standard Bible

Then it seemed good to the apostles and the elders, with the whole church, to choose men from among them to send to Antioch with Paul and Barnabas--Judas called Barsabbas, and Silas, leading men among the brethren,

Mga Halintulad

Mga Gawa 15:27

Kaya nga sinugo namin si Judas at si Silas, na mangagsasaysay din naman sila sa inyo ng gayon ding mga bagay sa salita ng bibig.

Mga Gawa 15:32

Si Judas at si Silas, palibhasa'y mga propeta rin naman, ay inaralan ang mga kapatid ng maraming mga salita, at sila'y pinapagtibay.

Mga Gawa 15:40

Datapuwa't hinirang ni Pablo si Silas, at yumaon, na sila'y ipinagtagubilin ng mga kapatid sa biyaya ng Panginoon.

1 Pedro 5:12

Sa pamamagitan ni Silvano, na tapat nating kapatid, ayon sa aking palagay sa kaniya, ay sinulatan ko kayo ng maiksi, na aking iniaaral at sinasaksihan na ito ang tunay na biyaya ng Dios: magsitibay kayo dito.

Mga Gawa 1:23

At kanilang ibinukod ang dalawa, si Jose na tinatawag na Barsabas, na pinamagatang Justo, at si Matias.

Mga Gawa 16:19

Datapuwa't nang makita ng kaniyang mga panginoon na wala na ang inaasahan nilang kapakinabangan, ay hinuli nila si Pablo at si Silas, at kinaladkad sila sa pamilihan, sa harapan ng mga may kapangyarihan,

Mga Gawa 16:25

Datapuwa't nang maghahatinggabi na si Pablo at si Silas ay nagsipanalangin at nagsiawit ng mga himno sa Dios, at sila'y pinakikinggan ng mga bilanggo;

Mga Gawa 16:29

At siya'y humingi ng mga ilaw at tumakbo sa loob, at, nanginginig sa takot, ay nagpatirapa sa harapan ni Pablo at ni Silas,

Mga Gawa 17:4

At nangahikayat ang ilan sa kanila, at nakikampi kay Pablo at kay Silas; at gayon din ang lubhang maraming mga Griegong masisipag sa kabanalan, at hindi kakaunting mga babaing mararangal.

Mga Gawa 17:10

At pagdaka'y pinayaon sa gabi ng mga kapatid si Pablo at si Silas sa Berea: na nang dumating sila doon ay nagsipasok sa sinagoga ng mga Judio.

Mga Gawa 17:14

At nang magkagayo'y pagdaka'y pinayaon ng mga kapatid si Pablo na pumaroon hanggang sa dagat: at nangatira pa roon si Silas at si Timoteo.

Mga Gawa 18:5

Datapuwa't nang si Silas at si Timoteo ay magsilusong mula sa Macedonia, si Pablo ay napilitan sa pamamagitan ng salita, na sinasaksihan sa mga Judio na si Jesus ang siyang Cristo.

1 Tesalonica 1:1

Si Pablo, at si Silvano, at si Timoteo, sa iglesia ng mga taga Tesalonica sa Dios Ama at sa Panginoong Jesucristo: Sumainyo nawa ang biyaya at kapayapaan.

2 Tesalonica 1:1

Si Pablo, at si Silvano, at si Timoteo, sa iglesia ng mga taga Tesalonica na nasa Dios na ating Ama at sa Panginoong Jesucristo;

2 Samuel 3:36

At nahalata ng buong bayan, at minagaling nila: palibhasa'y anomang ginagawa ng hari ay nakalulugod sa buong bayan.

2 Paralipomeno 30:4

At ang bagay ay matuwid sa harap ng mga mata ng hari at sa buong kapisanan.

2 Paralipomeno 30:12

Suma Juda naman ang kamay ng Dios upang papagisahing puso sila upang gawin ang utos ng hari at ng mga prinsipe sa pamamagitan ng salita ng Panginoon.

Mga Gawa 6:4-5

Datapuwa't magsisipanatili kaming matibay sa pananalangin, at sa ministerio ng salita.

Mga Gawa 8:14

Nang mabalitaan nga ng mga apostol na nangasa Jerusalem na tinanggap ng Samaria ang salita ng Dios, ay sinugo nila sa kanila si Pedro at si Juan:

Mga Gawa 11:22

At dumating ang balita tungkol sa kanila sa mga tainga ng iglesia na nasa Jerusalem: at kanilang sinugo si Bernabe hanggang sa Antioquia:

Mga Gawa 15:1-2

At may ibang mga taong nagsilusong mula sa Judea ay nagsipagturo sa mga kapatid, na sinasabi, Maliban na kayo'y mangagtuli ayon sa kaugalian ni Moises, ay hindi kayo mangaliligtas.

Mga Gawa 15:23

At nagsisulat sila sa pamamagitan nila, Ang mga apostol at ang mga matanda, mga kapatid, sa mga kapatid na nangasa mga Gentil sa Antioquia at Siria at Cilicia, ay bumabati:

Mga Gawa 15:25

Ay minagaling namin, nang mapagkaisahan na, na magsihirang ng mga lalake at suguin sila sa inyo na kasama ng aming mga minamahal na si Bernabe at si Pablo,

Kaalaman ng Taludtod

Mga Pagbasang may Kahulugan

21 Sapagka't si Moises mula nang unang panahon ay mayroon sa bawa't bayan na nangangaral tungkol sa kaniya, palibhasa'y binabasa sa mga sinagoga sa bawa't sabbath. 22 Nang magkagayo'y minagaling ng mga apostol at ng matatanda, pati ng buong iglesia, na magsihirang ng mga tao sa kanilang magkakasama, at suguin sa Antioquia na kasama ni Pablo at ni Bernabe; si Judas na tinatawag na Barsabas, at si Silas na mga nangungulo sa mga kapatid: 23 At nagsisulat sila sa pamamagitan nila, Ang mga apostol at ang mga matanda, mga kapatid, sa mga kapatid na nangasa mga Gentil sa Antioquia at Siria at Cilicia, ay bumabati:


n/a

New American Standard Bible Copyright ©1960, 1962, 1963, 1968, 1971, 1972, 1973, 1975, 1977, 1995 by The Lockman Foundation, La Habra, Calif. All rights reserved. For Permission to Quote Information visit http://www.lockman.org