Parallel Verses
Tagalog: Ang Dating Biblia (1905)
At nang siya'y dumating sa hagdanan ay nangyari na siya'y binuhat ng mga kawal dahil sa pagagaw ng karamihan;
New American Standard Bible
When he got to the stairs, he was carried by the soldiers because of the violence of the mob;
Mga Halintulad
Genesis 6:11-12
At sumama ang lupa sa harap ng Dios, at ang lupa ay napuno ng karahasan.
Awit 55:9
Ipahamak mo, Oh Panginoon, at guluhin mo ang kanilang wika: sapagka't ako'y nakakita ng pangdadahas at pagaaway sa bayan.
Awit 58:2
Oo, sa puso ay nagsisigawa kayo ng kasamaan; inyong tinitimbang ang pangdadahas ng inyong mga kamay sa lupa.
Jeremias 23:10
Sapagka't ang lupain ay puno ng mga mangangalunya; sapagka't dahil sa sumpa ay tumatangis ang lupain; ang mga pastulan sa ilang ay natuyo. At ang kanilang lakad ay masama, at ang kanilang lakas ay hindi matuwid.
Habacuc 1:2-3
Oh Panginoon, hanggang kailan dadaing ako, at hindi mo didinggin? Ako'y dadaing sa iyo dahil sa pangdadahas, at hindi ka magliligtas.
Mga Gawa 21:40
At nang siya'y mapahintulutan na niya, si Pablo, na nakatayo sa hagdanan, inihudyat ang kamay sa bayan; at nang tumahimik nang totoo, siya'y nagsalita sa kanila sa wikang Hebreo, na sinasabi,
Kaalaman ng Taludtod
Mga Pagbasang may Kahulugan
34 At iba'y sumisigaw ng isang bagay, ang iba'y iba naman, sa gitna ng karamihan: at nang hindi niya maunawa ang katotohanan dahil sa kaguluhan, ay ipinadala siya sa kuta. 35 At nang siya'y dumating sa hagdanan ay nangyari na siya'y binuhat ng mga kawal dahil sa pagagaw ng karamihan; 36 Sapagka't siya'y sinusundan ng karamihan ng mga tao, na nangagsisigawan, Alisin siya.