Parallel Verses

Tagalog: Ang Dating Biblia (1905)

At nangyari, pagdating niya, ay kaniyang hinipan ang pakakak sa lupaing maburol ng Ephraim, at ang mga anak ni Israel ay nagsilusong na kasama niya mula sa lupaing maburol, at siya'y sa unahan nila.

New American Standard Bible

It came about when he had arrived, that he blew the trumpet in the hill country of Ephraim; and the sons of Israel went down with him from the hill country, and he was in front of them.

Mga Halintulad

Mga Hukom 6:34

Nguni't ang Espiritu ng Panginoon ay suma kay Gedeon; at humihip siya ng isang pakakak; at ang mga Abiezerita ay nangagkapisan sa kaniya.

1 Samuel 13:3

At sinaktan ni Jonathan ang pulutong ng mga Filisteo na nasa Geba; at nabalitaan ng mga Filisteo. At hinipan ni Saul ang pakakak sa buong lupain, na sinasabi, Marinig ng mga Hebreo.

Josue 17:15

At sinabi ni Josue sa kanila, Kung ikaw ay malaking bayan, sumampa ka sa gubat, at iyong malalawag doon sa iyong sarili ang lupain ng mga Pherezeo at ng mga Rephaim; yamang ang lupaing maburol ng Ephraim ay totoong makipot sa ganang iyo.

Josue 17:18

Kundi ang lupaing maburol ay magiging iyo; sapagka't bagaman isang gubat ay iyong malalawag, at ang labasan niyaon ay magiging iyo, sapagka't iyong palalayasin ang mga Cananeo, bagaman sila'y may mga karong bakal, at bagaman sila'y matibay.

Mga Hukom 5:14

Sa Ephraim nangagmula silang nasa Amalec ang ugat; Sa likuran mo, ay ang Benjamin, na kasama ng iyong mga bayan; Sa Machir nangagmula ang mga gobernador, At sa Zabulon yaong nangaghahawak ng tungkod ng pagpupuno.

Mga Hukom 7:24

At nagsugo si Gedeon ng mga sugo sa buong lupaing maburol ng Ephraim, na sinasabi, Lusungin ninyo ang Madian, at agapan ninyo ang tubig, hanggang sa Beth-bara, at ang Jordan. Sa gayo'y ang lahat ng mga lalake ng Ephraim ay nagkapisan, at inagapan ang tubig hanggang sa Beth-bara, at ang Jordan.

Mga Hukom 17:1

At may isang lalake sa lupaing maburol ng Ephraim, na ang pangala'y Michas.

Mga Hukom 19:1

At nangyari nang mga araw na yaon, nang walang hari sa Israel, na may isang Levita na nakikipamayan sa malayong dako ng lupaing maburol ng Ephraim, na kumuha ng babae mula sa Bethlehem-juda.

2 Samuel 20:22

Nang magkagayo'y naparoon ang babae sa buong bayan sa kaniyang karunungan. At kanilang pinugot ang ulo ni Seba na anak ni Bichri, at inihagis kay Joab. At kaniyang hinipan ang pakakak at sila'y nangalat mula sa bayan, bawa't tao ay sa kaniyang tolda. At si Joab ay bumalik sa Jerusalem sa hari.

2 Mga Hari 9:13

Nang magkagayo'y sila'y nangagmadali, at kinuha ng bawa't isa ang kaniyang kasuutan, at inilagay sa ilalim niya sa ibabaw ng hagdan, at humihip ng pakakak, na nagsasabi, Si Jehu ay hari.

Kaalaman ng Taludtod

n/a

New American Standard Bible Copyright ©1960, 1962, 1963, 1968, 1971, 1972, 1973, 1975, 1977, 1995 by The Lockman Foundation, La Habra, Calif. All rights reserved. For Permission to Quote Information visit http://www.lockman.org