Parallel Verses

Tagalog: Ang Dating Biblia (1905)

Huwag kayong madaya ng sinoman ng mga salitang walang kabuluhan: sapagka't dahil sa mga bagay na ito'y dumarating ang galit ng Dios sa mga anak ng pagsuway.

New American Standard Bible

Let no one deceive you with empty words, for because of these things the wrath of God comes upon the sons of disobedience.

Mga Halintulad

Mga Taga-Roma 1:18

Sapagka't ang poot ng Dios ay nahahayag mula sa langit laban sa lahat na kasamaan at kalikuan ng mga tao, na mga sinasawata ang katotohanan ng kalikuan;

Mga Taga-Colosas 2:8

Kayo'y magsipagingat, baka sa inyo'y may bumihag sa pamamagitan ng kaniyang pilosopia at walang kabuluhang pagdaraya, ayon sa sali't saling sabi ng mga tao, ayon sa mga pasimulang aral ng sanglibutan, at di ayon kay Cristo:

Mga Taga-Colosas 3:6

Na dahil sa mga bagay na iyan ay dumarating ang kagalitan ng Dios sa mga anak ng pagsuway:

Mateo 24:4

At sumagot si Jesus at sinabi sa kanila, Mangagingat kayo na huwag kayong mailigaw ninoman.

Mga Bilang 32:13-14

At ang galit ng Panginoon ay nagningas laban sa Israel, at kaniyang pinagala sila sa ilang, na apat na pung taon hanggang sa ang buong lahing yaon na gumawa ng masama sa paningin ng Panginoon, ay nalipol.

Josue 22:17-18

Napakaliit ba sa ganang atin ang kasamaan ng Peor, na hindi natin nilinis hanggang sa araw na ito, bagaman dumating ang salot sa kapisanan ng Panginoon,

2 Mga Hari 18:20

Iyong sinasabi (nguni't mga salitang walang kabuluhan lamang) May payo at kalakasan sa pakikipagdigma. Ngayon, kanino ka tumitiwala, na ikaw ay nanghimagsik laban sa akin?

Awit 78:31

Nang ang galit ng Dios ay paitaas laban sa kanila, at pumatay sa mga pinakamataba sa kanila, at sinaktan ang mga binata sa Israel.

Jeremias 29:8-9

Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, ng Dios ng Israel, Huwag kayong dayain ng mga propeta na nangasa gitna ninyo, at ng inyong mga manghuhula, o mangakinig man kayo sa inyong mga panaginip na inyong napapanaginip.

Jeremias 29:31

Ikaw ay magsugo sa kanilang lahat na nasa pagkabihag, na iyong sabihin, Ganito ang sabi ng Panginoon tungkol kay Semaias na Nehelamita. Yamang nanghula si Semaias sa inyo, at hindi ko sinugo siya, at kaniyang pinatiwala kayo sa kasinungalingan.

Ezekiel 13:10-16

Sapagka't, sa makatuwid baga'y sapagka't kanilang hinikayat ang aking bayan, na nangagsabi, Kapayapaan; at walang kapayapaan; at pagka ang isa ay nagtatayo ng isang kuta, narito, kanilang tinatapalan ng masamang argamasa:

Mikas 3:5

Ganito ang sabi ng Panginoon tungkol sa mga propeta na nagliligaw sa aking bayan; na nagkakanggigitil ng kanilang mga ngipin at nagsisihiyaw, Kapayapaan; at yaong hindi naglalagay sa kanilang bibig, ay pinaghahandaan siya nila ng digma:

Mateo 24:24

Sapagka't may magsisilitaw na mga bulaang Cristo, at mga bulaang propeta, at mangagpapakita ng mga dakilang tanda at mga kababalaghan; ano pa't ililigaw, kung maaari, pati ng mga hirang.

Marcos 13:5

At si Jesus ay nagpasimulang magsabi sa kanila, Mangagingat kayo na huwag kayong paligaw kanino mang tao.

Marcos 13:22

Sapagka't may magsisilitaw na mga bulaang Cristo at mga bulaang propeta, at mangagpapakita ng mga tanda at mga kababalaghan, upang mailigaw nila, kung mangyayari, ang mga hirang.

Mga Taga-Galacia 6:7-8

Huwag kayong padaya; ang Dios ay hindi napabibiro: sapagka't ang lahat na ihasik ng tao, ay siya namang aanihin niya.

Mga Taga-Efeso 2:2-3

Na inyong nilakaran noong una ayon sa lakad ng sanglibutang ito, ayon sa pangulo ng mga kapangyarihan ng hangin, ng espiritu na ngayon ay gumagawa sa mga anak ng pagsuway;

Mga Taga-Colosas 2:4

Ito'y sinasabi ko, upang huwag kayong madaya ng sinoman sa mga pananalitang kaakitakit.

Mga Taga-Colosas 2:18

Sinoman ay huwag manakawan ng ganting-pala sa inyo sa pamamagitan ng kusang pagpapakababa at pagsamba sa mga anghel, na nananatili sa mga bagay na kaniyang nakita, na nagpapalalo ng walang kabuluhan sa pamamagitan ng kaniyang akalang ukol sa laman,

2 Tesalonica 2:3

Huwag kayong padaya kanino man sa anomang paraan: sapagka't ito'y hindi darating, maliban nang dumating mula ang pagtaliwakas, at mahayag ang taong makasalanan, ang anak ng kapahamakan,

2 Tesalonica 2:10-12

At may buong daya ng kalikuan sa nangapapahamak; sapagka't hindi nila tinanggap ang pagibig sa katotohanan, upang sila'y mangaligtas.

Mga Hebreo 3:19

At nakikita natin na sila'y hindi nangakapasok dahil sa kawalan ng pananampalataya.

1 Pedro 2:8

At, Batong katitisuran, at bato na pangbuwal; Sapagka't sila ay natitisod sa salita, palibhasa'y mga suwail: na dito rin naman sila itinalaga,

1 Juan 4:1

Mga minamahal, huwag kayong magsipaniwala sa bawa't espiritu, kundi inyong subukin ang mga espiritu, kung sila'y sa Dios: sapagka't maraming nagsilitaw na mga bulaang propeta sa sanglibutan.

Jeremias 23:14-16

Sa mga propeta ng Jerusalem naman ay nakita ko ang kakilakilabot na bagay: sila'y nangangalunya, at nagsisilakad sa mga kasinungalingan; at kanilang pinalalakas ang mga kamay ng mga manggagawa ng kasamaan, na anopa't walang humihiwalay sa kaniyang kasamaan: silang lahat ay naging parang Sodoma sa akin, at ang mga nananahan dito ay parang Gomorra.

Kaalaman ng Taludtod

Mga Pagbasang may Kahulugan

5 Sapagka't talastas ninyong lubos, na sinomang mapakiapid, o mahalay, o masakim, na isang mapagsamba sa mga diosdiosan, ay walang anomang mamanahin sa kaharian ni Cristo at ng Dios. 6 Huwag kayong madaya ng sinoman ng mga salitang walang kabuluhan: sapagka't dahil sa mga bagay na ito'y dumarating ang galit ng Dios sa mga anak ng pagsuway. 7 Huwag kayong makibahagi sa kanila;


n/a

New American Standard Bible Copyright ©1960, 1962, 1963, 1968, 1971, 1972, 1973, 1975, 1977, 1995 by The Lockman Foundation, La Habra, Calif. All rights reserved. For Permission to Quote Information visit http://www.lockman.org