Parallel Verses

Tagalog: Ang Dating Biblia (1905)

Sapagka't walang taong katulad ko ang pagiisip na magmamalasakit na totoo sa inyong kalagayan.

New American Standard Bible

For I have no one else of kindred spirit who will genuinely be concerned for your welfare.

Mga Halintulad

1 Corinto 16:10

Ngayon kung dumating si Timoteo, ingatan ninyo na siya'y mapasainyo na walang pangamba; sapagka't ginagawa niya ang gawain ng Panginoon, na gaya ko rin naman:

Mga Taga-Filipos 2:2

Ay lubusin ninyo ang aking katuwaan, upang kayo'y mangagkaisa ng pagiisip, mangagtaglay ng isa ring pagibig, na mangagkaisa ng akala, at isa lamang pagiisip;

1 Samuel 18:1

At nangyari, nang siya'y makatapos na magsalita kay Saul, na ang kaluluwa ni Jonathan ay nalakip sa kaluluwa ni David, at minahal ni Jonathan siya na gaya ng kaniyang sariling kaluluwa.

1 Samuel 18:3

Nang magkagayo'y si Jonathan at si David ay nagtibay ng isang tipan, sapagka't minahal niya siya na gaya ng kaniyang sariling kaluluwa.

Awit 55:13

Kundi ikaw, lalake na kagaya ko, aking kasama at aking kaibigang matalik.

Kawikaan 31:29

Maraming anak na babae ay nagsisigawang may kabaitan, nguni't ikaw, ay humihigit sa kanilang lahat.

Juan 10:13

Siya'y tumatakas sapagka't siya'y upahan, at hindi ipinagmamalasakit ang mga tupa.

Juan 12:6

Ito'y sinabi nga niya, hindi sapagka't ipinagmalasakit niya ang mga dukha; kundi sapagka't siya'y magnanakaw, at yamang nasa kaniya ang supot ay kinukuha niya ang doon ay inilalagay.

1 Corinto 1:10-11

Ngayo'y ipinamamanhik ko sa inyo, mga kapatid, sa pamamagitan ng pangalan ng ating Panginoong Jesucristo, na kayong lahat ay mangagsalita ng isa lamang bagay, at huwag mangagkaroon sa inyo ng mga pagkakabahabahagi; kundi kayo'y mangalubos sa isa lamang pagiisip at isa lamang paghatol.

Mga Taga-Filipos 2:22

Nguni't nalalaman ninyo ang pagkasubok sa kaniya na gaya ng paglilingkod ng anak sa ama, ay gayon naglilingkod siyang kasama ko sa ikalalaganap ng evangelio.

Mga Taga-Colosas 4:11

At si Jesus na tinatawag na Justo, na pawang sa pagtutuli: ang mga ito lamang ang aking kamanggagawa sa kaharian ng Dios, mga taong naging kaaliwan ko.

1 Timoteo 1:2

Kay Timoteo na aking tunay na anak sa pananampalataya: Biyaya, kahabagan, at kapayapaan nawang mula sa Dios na Ama at kay Jesucristo na Panginoon natin.

2 Timoteo 1:5

Na inaalaala ko ang pananampalatayang hindi pakunwari na nasa iyo; na namalagi muna kay Loida na iyong lelang, at kay Eunice na iyong ina; at, ako'y naniniwalang lubos, na nasa iyo rin naman.

Kaalaman ng Taludtod

Mga Pagbasang may Kahulugan

19 Datapuwa't inaasahan ko sa Panginoong Jesus na suguing madali sa inyo si Timoteo, upang ako naman ay mapanatag, pagkaalam ko ng inyong kalagayan. 20 Sapagka't walang taong katulad ko ang pagiisip na magmamalasakit na totoo sa inyong kalagayan. 21 Sapagka't pinagsisikapan nilang lahat ang sa kanilang sarili, hindi ang mga bagay ni Jesucristo.


n/a

New American Standard Bible Copyright ©1960, 1962, 1963, 1968, 1971, 1972, 1973, 1975, 1977, 1995 by The Lockman Foundation, La Habra, Calif. All rights reserved. For Permission to Quote Information visit http://www.lockman.org