Parallel Verses

Tagalog: Ang Dating Biblia (1905)

Nang magkagayo'y nagsugo ako sa kaniya, na aking sinasabi, Walang ganyang mga bagay na nagawa na gaya ng iyong sinasabi, kundi iyong mga pinagbubuhat sa iyong sariling puso.

New American Standard Bible

Then I sent a message to him saying, "Such things as you are saying have not been done, but you are inventing them in your own mind."

Mga Halintulad

Job 13:4

Nguni't kayo'y mapagkatha ng mga kabulaanan. Kayong lahat ay mga manggagamot na walang kabuluhan.

Awit 52:2

Ang dila mo'y kumakatha ng totoong masama; gaya ng matalas na pangahit, na gumagawang may karayaan.

Awit 36:3

Ang mga salita ng kaniyang bibig ay kasamaan at karayaan: iniwan niya ang pagkapantas at paggawa ng mabuti.

Awit 38:12

Sila namang nangaguusig ng aking buhay ay nangaglagay ng mga silo na ukol sa akin; at silang nagsisihanap ng aking ikapapahamak ay nangagsasalita ng mga masasamang bagay, at nangagiisip ng pagdaraya buong araw.

Isaias 59:4

Walang dumadaing ng katuwiran at walang nanananggalang ng katotohanan: sila'y nagsisitiwala sa walang kabuluhan, at nangagsasalita ng mga kasinungalingan; sila'y nangaglilihi ng kalikuan, at nanganganak ng kasamaan.

Daniel 11:27

At tungkol sa dalawang haring ito, ang kanilang mga puso ay magtataglay ng kasamaan, at sila'y mangagsasalita ng mga kabulaanan sa isang dulang: nguni't hindi giginhawa; sapagka't ang wakas ay magiging sa panahong takda pa.

Mateo 12:34

Kayong lahi ng mga ulupong, papaano kayo na masasama, ay makapagsasalita ng mabubuting bagay? sapagka't sa kasaganaan ng puso ay nagsasalita ang bibig.

Juan 8:44

Kayo'y sa inyong amang diablo, at ang mga nais ng inyong ama ang ibig ninyong gawin. Siya'y isang mamamatay-tao buhat pa nang una, at hindi nananatili sa katotohanan, sapagka't walang katotohanan sa kaniya. Pagka nagsasalita siya ng kasinungalingan, ay nagsasalita siya ng sa ganang kaniya: sapagka't siya'y isang sinungaling, at ama nito.

Mga Gawa 24:12-13

At ni hindi nila ako nasumpungan sa templo na nakikipagtalo sa kanino man o kaya'y nanggugulo sa karamihan, ni sa mga sinagoga, ni sa bayan.

Mga Gawa 25:7

At nang siya'y dumating, ay niligid siya ng mga Judio na nagsilusong na galing sa Jerusalem, na may dalang marami at mabibigat na sakdal laban sa kaniya, na pawang hindi nila mapatunayan;

Mga Gawa 25:10

Datapuwa't sinabi ni Pablo, Nakatayo ako sa harapan ng hukuman ni Cesar, na doon ako dapat hatulan: wala akong ginawang anomang kasamaan sa mga Judio, gaya rin naman ng pagkatalastas mong mabuti.

Kaalaman ng Taludtod

Mga Pagbasang may Kahulugan

7 At ikaw naman ay naghalal ng mga propeta upang magsipangaral tungkol sa iyo sa Jerusalem, na nangagsasabi, May isang hari sa Juda; at ngayo'y ibabalita sa hari ang ayon sa mga salitang ito. Parito ka nga ngayon, at magsanggunian tayo. 8 Nang magkagayo'y nagsugo ako sa kaniya, na aking sinasabi, Walang ganyang mga bagay na nagawa na gaya ng iyong sinasabi, kundi iyong mga pinagbubuhat sa iyong sariling puso. 9 Sapagka't ibig nilang lahat na sidlan ng takot kami, na sinasabi, Ang kanilang mga kamay ay manganghihina sa gawain na anopa't hindi mayayari. Nguni't ngayon, Oh Dios, palakasin mo ang aking mga kamay.

n/a

New American Standard Bible Copyright ©1960, 1962, 1963, 1968, 1971, 1972, 1973, 1975, 1977, 1995 by The Lockman Foundation, La Habra, Calif. All rights reserved. For Permission to Quote Information visit http://www.lockman.org