Parallel Verses

Tagalog: Ang Dating Biblia (1905)

Ang iyong mga propeta ay nakakita para sa iyo ng mga pangitain na walang kabuluhan at kamangmangan; at hindi nila inilitaw ang iyong kasamaan, upang bawiin ang iyong pagkabihag, kundi nakarinig para sa iyo ng mga hulang walang kabuluhan at mga kadahilanan ng pagkatapon.

New American Standard Bible

Your prophets have seen for you False and foolish visions; And they have not exposed your iniquity So as to restore you from captivity, But they have seen for you false and misleading oracles.

Mga Halintulad

Isaias 58:1

Humiyaw ka ng malakas, huwag kang magpigil, ilakas mo ang iyong tinig na parang pakakak, at iyong ipahayag sa aking bayan ang kanilang pagsalangsang, at sa sangbahayan ni Jacob ang kanilang mga kasalanan.

Jeremias 5:31

Ang mga propeta ay nanganghuhula ng kasinungalingan, at ang mga saserdote ay nangagpupuno sa pamamagitan ng kanilang mga kamay; at iniibig ng aking bayan na magkagayon: at ano ang inyong gagawin sa wakas niyaon?

Ezekiel 22:28

At itinapal ng mga propeta niyaon ang masamang argamasa para sa kanila, na nakakita ng walang kabuluhan, at nanganghuhula ng mga kabulaanan sa kanila, na nangagsabi, Ganito ang sabi ng Panginoong Dios, dangang hindi sinalita ng Panginoon.

Jeremias 2:8

Hindi sinabi ng mga saserdote, Saan nandoon ang Panginoon? at silang nagsisihawak ng kautusan ay hindi nakakilala sa akin: ang mga pinuno naman ay nagsisalansang laban sa akin, at ang mga propeta ay nanganghula sa pamamagitan ni Baal, at nagsilakad na sumunod sa mga bagay na hindi pinakikinabangan.

Jeremias 29:8-9

Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, ng Dios ng Israel, Huwag kayong dayain ng mga propeta na nangasa gitna ninyo, at ng inyong mga manghuhula, o mangakinig man kayo sa inyong mga panaginip na inyong napapanaginip.

Ezekiel 22:25

May panghihimagsik ng kaniyang mga propeta sa gitna niyaon, gaya ng leong umuungal na umaagaw ng huli: sila'y nanganakmal ng mga tao; sila'y nagsikuha ng kayamanan at ng mga mahalagang bagay; pinarami nila ang kanilang babaing bao sa gitna niyaon,

Isaias 9:15-16

Ang matanda at ang marangal na tao, siyang ulo; at ang propeta na nagtuturo ng mga kabulaanan, siyang buntot.

Jeremias 6:13-14

Sapagka't mula sa kaliitliitan nila hanggang sa kalakilakihan nila, bawa't isa ay ibinigay sa kasakiman; at mula sa propeta hanggang sa saserdote bawa't isa'y gumagawang may kasinungalingan.

Jeremias 8:10-11

Kaya't ibibigay ko ang kanilang mga asawa sa mga iba, at ang kanilang mga parang sa mga magaari sa mga yaon: sapagka't bawa't isa mula sa kaliitliitan hanggang sa kalakilakihan, ay ibinigay sa kasakiman; mula sa propeta hanggang sa saserdote bawa't isa'y gumagawang may kasinungalingan.

Jeremias 14:13-15

Nang magkagayo'y sinabi ko, Ah Panginoong Dios! narito, sinasabi ng mga propeta sa kanila, Kayo'y hindi makakakita ng tabak, o magkakaroon man kayo ng kagutom; kundi bibigyan ko kayo ng talagang kapayapaan sa dakong ito.

Jeremias 23:11-17

Sapagka't ang propeta ay gayon din ang saserdote ay marumi; oo, sa aking bahay ay nasumpungan ko ang kanilang kasamaan, sabi ng Panginoon.

Jeremias 23:22

Nguni't kung sila'y nanayo sana sa aking payo, kanila ngang naiparinig ang aking mga salita sa aking bayan, at kanilang naihiwalay sa kanilang masamang lakad, at sa kasamaan ng kanilang mga gawa.

Jeremias 23:25-29

Aking narinig kung ano ang sinabi ng mga propeta, na nanganghuhula ng mga kasinungalingan sa aking pangalan, na nangagsasabi, Ako'y nanaginip, ako'y nanaginip.

Jeremias 23:31-34

Narito, ako'y laban sa mga propeta, sabi ng Panginoon, na nagsisipagsalita, at nangagsasabi, Kaniyang sinasabi.

Jeremias 23:36

At ang hula na mula sa Panginoon ay hindi na ninyo babanggitin pa: sapagka't bawa't sariling salita ng tao ay magiging kaniyang hula; sapagka't inyong binago ang mga salita ng buhay na Dios, ng Panginoon ng mga hukbo na ating Dios.

Jeremias 27:9-10

Nguni't tungkol sa inyo, huwag ninyong dinggin ang inyong mga propeta, o ang inyong mga manghuhula man, o ang inyong mga panaginip man, o ang inyong mga mapamahiin man, o ang inyong mga manggagaway man, na nangagsasalita sa inyo, na nagsasabi, Kayo'y hindi mangaglilingkod sa hari sa Babilonia:

Jeremias 27:14-16

At huwag kayong mangakinig ng salita ng mga propeta na nangagsasalita sa inyo, na nangagsasabi, Kayo'y hindi mangaglilingkod sa hari sa Babilonia: sapagka't sila'y nanganghuhula ng kabulaanan sa inyo.

Jeremias 28:15

Nang magkagayo'y sinabi ng propeta Jeremias kay Hananias na propeta, Dinggin mo ngayon, Hananias; hindi ka sinugo ng Panginoon; kundi iyong pinaasa ang bayang ito sa kasinungalingan.

Jeremias 37:19

Saan nandoon ngayon ang inyong mga propeta na nanganghula sa inyo, na nangagsasabi, Ang hari sa Babilonia ay hindi paririto laban sa inyo, o laban man sa lupaing ito?

Ezekiel 13:2-16

Anak ng tao, manghula ka laban sa mga propeta ng Israel na nanganghuhula, at sabihin mo sa kanila na nanganghuhula ng mula sa kanilang sariling puso, Pakinggan ninyo ang salita ng Panginoon:

Ezekiel 13:22

Sapagka't sa pamamagitan ng kasinungalingan ay inyong pinighati ang puso ng matuwid, na hindi ko pinalungkot, at inyong pinalakas ang kamay ng masama, upang huwag humiwalay sa kaniyang masamang lakad, at maligtas na buhay;

Mikas 2:11

Kung ang isang taong lumalakad sa espiritu ng kabulaanan ay nagsisinungaling, na nagsasabi, Ako'y manghuhula sa iyo tungkol sa alak at matapang na inumin; siya nga'y magiging propeta sa bayang ito.

Mikas 3:5-7

Ganito ang sabi ng Panginoon tungkol sa mga propeta na nagliligaw sa aking bayan; na nagkakanggigitil ng kanilang mga ngipin at nagsisihiyaw, Kapayapaan; at yaong hindi naglalagay sa kanilang bibig, ay pinaghahandaan siya nila ng digma:

Sofonias 3:4

Ang kaniyang mga propeta ay mga walang kabuluhan at mga taong taksil; nilapastangan ng kaniyang mga saserdote ang santuario, sila'y nagsigawa ng pangdadahas sa aking kautusan.

2 Pedro 2:1-3

Nguni't may nagsilitaw din naman sa bayan na mga bulaang propeta, na gaya naman sa inyo'y magkakaroon ng mga bulaang guro, na mangagpapasok sa lihim ng mga makakapahamak na mga hiduwang pananampalataya, na itatatuwa pati ang Panginoon na bumili sa kanila, na mangagtataglay sa kanilang sarili ng madaling pagkapahamak.

Kaalaman ng Taludtod

Mga Pagbasang may Kahulugan

13 Ano ang aking patototohanan sa iyo? sa ano kita iwawangis, Oh anak na babae ng Jerusalem? Ano ang ihahalintulad ko sa iyo, upang maaliw kita, Oh anak na dalaga ng Sion? Sapagka't ang iyong sira ay malaking parang dagat: sinong makapagpapagaling sa iyo? 14 Ang iyong mga propeta ay nakakita para sa iyo ng mga pangitain na walang kabuluhan at kamangmangan; at hindi nila inilitaw ang iyong kasamaan, upang bawiin ang iyong pagkabihag, kundi nakarinig para sa iyo ng mga hulang walang kabuluhan at mga kadahilanan ng pagkatapon. 15 Lahat na nangagdaraan ay ipinapakpak ang kanilang kamay sa iyo; sila'y nagsisisutsot at iginagalaw ang kanilang ulo sa anak na babae ng Jerusalem, na sinasabi, Ito baga ang bayan na tinatawag ng mga tao Ang kasakdalan ng kagandahan, Ang kagalakan ng buong lupa?

n/a

New American Standard Bible Copyright ©1960, 1962, 1963, 1968, 1971, 1972, 1973, 1975, 1977, 1995 by The Lockman Foundation, La Habra, Calif. All rights reserved. For Permission to Quote Information visit http://www.lockman.org