Parallel Verses

Tagalog: Ang Dating Biblia (1905)

Ang kanilang puso ay nagsisidaing sa Panginoon: Oh kuta ng anak na babae ng Sion, dumaloy ang mga luha na parang ilog araw at gabi; huwag kang magpahinga; huwag maglikat ang itim ng iyong mata.

New American Standard Bible

Their heart cried out to the Lord, "O wall of the daughter of Zion, Let your tears run down like a river day and night; Give yourself no relief, Let your eyes have no rest.

Mga Halintulad

Awit 119:145

Ako'y tumawag ng aking buong puso; sagutin mo ako, Oh Panginoon: iingatan ko ang iyong mga palatuntunan.

Jeremias 9:1

Oh kung ang aking ulo lamang ay maging tubig, at ang aking mga mata ay bukalan ng mga luha, upang ako'y makaiyak araw at gabi dahil sa pagkamatay ng anak na babae ng aking bayan!

Panaghoy 1:16

Dahil sa mga bagay na ito ay umiiyak ako; ang mata ko, ang mata ko ay dinadaluyan ng luha; sapagka't ang mangaaliw na marapat magpaginhawa ng aking kaluluwa ay malayo sa akin: ang mga anak ko ay napahamak, sapagka't nanaig ang kaaway.

Panaghoy 2:8

Ipinasiya ng Panginoon na gibain ang kuta ng anak na babae ng Sion; kaniyang iniladlad ang lubid, hindi niya iniurong ang kaniyang kamay sa paggiba: at kaniyang pinapanaghoy ang moog at ang kuta; nanganglulupaypay kapuwa.

Awit 119:136

Ang mga mata ko'y nagsisiagos ng mga ilog ng tubig; sapagka't hindi nila tinutupad ang kautusan mo.

Panaghoy 1:2

Siya'y umiiyak na lubha sa gabi, at ang mga luha niya ay dumadaloy sa kaniyang mga pisngi; sa lahat ng mangingibig sa kaniya ay walang umaliw sa kaniya: ginawan siya ng kataksilan ng lahat ng kaniyang mga kaibigan; sila'y naging kaniyang mga kaaway.

Panaghoy 3:48-49

Ang mata ko'y dumadaloy ng mga ilog ng tubig, dahil sa pagkapahamak ng anak na babae ng aking bayan.

Hosea 7:14

At sila'y hindi nagsidaing sa akin ng kanilang puso, kundi sila'y nagsiangal sa kanilang mga higaan: sila'y nagpupulong dahil sa trigo at alak; sila'y nanganghimagsik laban sa akin.

Habacuc 2:11

Sapagka't ang bato ay dadaing mula sa pader, at ang tahilan mula sa mga kahoy ay sasagot.

Isaias 26:16-17

Panginoon, sa kabagabagan ay dinalaw ka nila, sila'y nangagbugso ng dalangin, nang pinarurusahan mo sila.

Jeremias 4:31

Sapagka't ako'y nakarinig ng tinig na gaya ng sa babaing nagdaramdam, ng daing ng gaya ng sa nanganganak sa panganay, ng tinig ng anak na babae ng Sion, na nagsisikip ang hininga, na naguunat ng kaniyang mga kamay, na nagsasabi, Sa aba ko ngayon! sapagka't ang kaluluwa ko ay nanglulupaypay sa harap ng mga mamamatay tao.

Jeremias 9:17-18

Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, Kayo'y mangagdilidili, at magsitawag ng mga tagapanangis na babae, upang sila'y mangakaparito; at inyong ipasundo ang mga bihasang babae, upang sila'y mangakaparito:

Jeremias 13:17

Nguni't kung hindi ninyo didinggin, ako'y iiyak, na lihim dahil sa inyong kapalaluan; at ang mata ko ay iiyak na mainam, at dadaluyan ng mga luha, sapagka't ang kawan ng Panginoon ay nabihag.

Jeremias 14:17

At iyong sasabihin ang salitang ito sa kanila, Daluyan ang aking mga mata ng mga luha gabi at araw, at huwag maglikat; sapagka't ang anak na dalaga ng aking bayan ay nasira ng malaking pagkasira, na may totoong mabigat na sugat.

Kaalaman ng Taludtod

Mga Pagbasang may Kahulugan

17 Ginawa ng Panginoon ang kaniyang ipinasiya; kaniyang tinupad ang kaniyang salita na kaniyang iniutos nang mga kaarawan nang una; kaniyang ibinagsak, at hindi naawa: at kaniyang pinapagkatuwa sa iyo ang kaaway; kaniyang pinataas ang sungay ng iyong mga kalaban. 18 Ang kanilang puso ay nagsisidaing sa Panginoon: Oh kuta ng anak na babae ng Sion, dumaloy ang mga luha na parang ilog araw at gabi; huwag kang magpahinga; huwag maglikat ang itim ng iyong mata. 19 Bumangon ka, humiyaw ka sa gabi, sa pasimula ng mga pagpupuyat; ibuhos mo ang iyong puso na parang tubig sa harap ng mukha ng Panginoon: igawad mo ang iyong mga kamay sa kaniya dahil sa buhay ng iyong mga batang anak, na nanglulupaypay sa gutom sa dulo ng lahat na lansangan.

n/a

New American Standard Bible Copyright ©1960, 1962, 1963, 1968, 1971, 1972, 1973, 1975, 1977, 1995 by The Lockman Foundation, La Habra, Calif. All rights reserved. For Permission to Quote Information visit http://www.lockman.org