Parallel Verses

Tagalog: Ang Dating Biblia (1905)

Alalahanin mo ang aking pagdadalamhati at ang aking karalitaan, ang ajenjo at ng apdo.

New American Standard Bible

Remember my affliction and my wandering, the wormwood and bitterness.

Mga Halintulad

Panaghoy 3:5

Ako'y kinalaban niya, at kinulong ako ng hirap at pagdaramdam.

Panaghoy 3:15

Kaniyang pinuspos ako ng kapanglawan, kaniyang sinuya ako ng ajenjo.

Jeremias 9:15

Kaya't ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, ng Dios ng Israel, Narito, aking pakakanin sila, ang bayang ito, ng ajenjo, at bibigyan ko sila ng inuming mapait upang inumin.

Nehemias 9:32

Ngayon nga, aming Dios, na dakila, na makapangyarihan at kakilakilabot na Dios, na nagiingat ng tipan at kaawaan, huwag mong ariing munting bagay sa harap mo ang hirap na dumating sa amin, sa aming mga hari, sa aming mga prinsipe, at sa aming mga saserdote, at sa aming mga propeta, at sa aming mga magulang, at sa iyong buong bayan, mula sa kapanahunan ng mga hari sa Asiria hanggang sa araw na ito.

Job 7:7

Oh alalahanin mo na ang aking buhay ay hinga: Ang aking mata ay hindi na makakakita pa ng mabuti.

Awit 89:47

Oh alalahanin mo kung gaano kaikli ang aking panahon: sa anong pagkawalang kabuluhan nilalang mo ang lahat ng mga anak ng mga tao.

Awit 89:50

Alalahanin mo Panginoon, ang kadustaan ng iyong mga lingkod; kung paanong taglay ko sa aking sinapupunan ang pagdusta ng lahat na makapangyarihang bayan;

Awit 132:1

Panginoon, alalahanin mo para kay David ang lahat niyang kadalamhatian;

Kaalaman ng Taludtod

Mga Pagbasang may Kahulugan

18 At aking sinabi, Ang lakas ko'y nawala, at ang aking pagasa sa Panginoon. 19 Alalahanin mo ang aking pagdadalamhati at ang aking karalitaan, ang ajenjo at ng apdo. 20 Ang kaluluwa ko'y naaalaala pa nila, at napangumbaba sa loob ko.

n/a

New American Standard Bible Copyright ©1960, 1962, 1963, 1968, 1971, 1972, 1973, 1975, 1977, 1995 by The Lockman Foundation, La Habra, Calif. All rights reserved. For Permission to Quote Information visit http://www.lockman.org