Parallel Verses

Tagalog: Ang Dating Biblia (1905)

Mga alipin ay nangagpupuno sa amin: walang magligtas sa amin sa kanilang kamay.

New American Standard Bible

Slaves rule over us; There is no one to deliver us from their hand.

Mga Halintulad

Nehemias 5:15

Nguni't ang mga dating tagapamahala na una sa akin ay naging pasan sa bayan, at kumuha sa kanila ng tinapay at alak, bukod sa apat na pung siklong pilak; oo, pati ng kanilang mga lingkod ay nagpupuno sa bayan: nguni't ang gayon ay hindi ko ginawa, dahil sa takot sa Dios.

Zacarias 11:6

Sapagka't hindi na ako maaawa sa nagsisitahan sa lupain, sabi ng Panginoon; kundi, narito, aking ibibigay ang bawa't isa ng mga tao sa kamay ng kaniyang kapuwa, at sa kamay ng kaniyang hari; at kanilang ipapahamak ang lupain, at mula sa kanilang kamay ay di ko ililigtas sila.

Awit 7:2

Baka lurayin nila na gaya ng leon ang aking kaluluwa, na lurayin ito, habang walang magligtas.

Kawikaan 30:22

Sa isang alipin, pagka naghahari; at sa isang mangmang, pagka nabubusog ng pagkain;

Genesis 9:25

At sinabi, Sumpain si Canaan! Siya'y magiging alipin ng mga alipin sa kaniyang mga kapatid.

Deuteronomio 28:43

Ang taga ibang lupa na nasa gitna mo ay tataas ng higit at higit sa iyo, at ikaw ay pababa ng pababa ng pababa.

Nehemias 2:19

Nguni't nang mabalitaan ni Sanballat na Horonita, at ni Tobias na lingkod, na Ammonita, at ni Gesem na taga Arabia, ay kanilang tinawanang mainam kami, at hinamak kami, at sinabi, Ano itong bagay na inyong ginagawa? manghihimagsik ba kayo laban sa hari?

Job 5:4

Ang kaniyang mga anak ay malayo sa katiwasayan, at sila'y mangapipisa sa pintuang-bayan, na wala mang magligtas sa kanila.

Job 10:7

Bagaman iyong nalalaman na ako'y hindi masama; at walang makapagliligtas sa iyong kamay?

Awit 50:22

Gunitain nga ninyo ito, ninyong nangakalilimot sa Dios, baka kayo'y aking pagluraylurayin at walang magligtas:

Isaias 43:13

Oo, mula nang magkaroon ng araw ay ako nga; at walang sinomang makapagliligtas sa aking kamay: ako'y gagawa, at sinong pipigil?

Hosea 2:10

At ngayo'y aking ililitaw ang kaniyang kahalayan sa paningin ng mga mangingibig sa kaniya, at walang magliligtas sa kaniya mula sa aking kamay.

Kaalaman ng Taludtod

Mga Pagbasang may Kahulugan

7 Ang aming mga magulang ay nagkasala at wala na; At aming pinasan ang kanilang mga kasamaan. 8 Mga alipin ay nangagpupuno sa amin: walang magligtas sa amin sa kanilang kamay. 9 Aming tinatamo ang aming tinapay sa pamamagitan ng kapahamakan ng aming buhay, dahil sa tabak sa ilang.

n/a

New American Standard Bible Copyright ©1960, 1962, 1963, 1968, 1971, 1972, 1973, 1975, 1977, 1995 by The Lockman Foundation, La Habra, Calif. All rights reserved. For Permission to Quote Information visit http://www.lockman.org