Parallel Verses

Tagalog: Ang Dating Biblia (1905)

At sa ikatlong karo ay may mga kabayong maputi; at sa ikaapat na karo ay mga kabayong kulay abo.

New American Standard Bible

with the third chariot white horses, and with the fourth chariot strong dappled horses.

Mga Halintulad

Pahayag 6:2

At tumingin ako, at narito, ang isang kabayong maputi, at yaong nakasakay dito ay may isang busog; at binigyan siya ng isang putong: at siya'y yumaong nagtatagumpay, at upang magtagumpay.

Zacarias 1:8

Aking nakita sa gabi, at, narito, ang isang lalaking nakasakay sa isang mapulang kabayo, at siya'y tumayo sa mga puno ng mirto, na nasa pinakamababa; at sa likuran niya'y may mga kabayong mapula, alazan, at maputi.

Pahayag 6:8

At tumingin ako, at narito, ang isang kabayong maputla: at ang nakasakay dito ay may pangalang Kamatayan; at ang Hades ay sumusunod sa kaniya. At sila'y pinagkalooban ng kapamahalaan sa ikaapat na bahagi ng lupa, na pumatay sa pamamagitan ng tabak, at ng gutom, at ng salot, at ng mga ganid na hayop sa lupa.

Daniel 2:33

Ang kaniyang mga binti ay bakal, ang kaniyang mga paa'y isang bahagi ay bakal, at isang bahagi ay putik na luto.

Daniel 2:40-41

At ang ikaapat na kaharian ay magiging matibay na parang bakal, palibhasa'y ang bakal ay nakadudurog at nakapagpapasuko ng lahat na bagay; at kung paanong dinidikdik ng bakal ang lahat ng ito, siya'y magkakaputolputol at madidikdik.

Zacarias 6:6-7

Ang karo na kinasisingkawan ng mga kabayong maitim ay lumalabas sa dakong lupaing hilagaan; at ang sa mga maputi ay lumabas na kasunod ng mga yaon; at ang mga kulay abo ay nagsilabas sa dakong lupaing timugan.

Pahayag 19:11

At nakita kong bukas ang langit; at narito, ang isang kabayong maputi, at yaong nakasakay dito ay tinatawag na Tapat at Totoo; at sa katuwiran siya'y humahatol at nakikipagbaka.

Pahayag 20:11

At nakita ko ang isang malaking luklukang maputi, at ang nakaluklok doon, na sa kaniyang harapan, ang lupa at ang langit ay tumakas; at walang nasumpungang kalalagyan nila.

Kaalaman ng Taludtod

Mga Pagbasang may Kahulugan

2 Sa unang karo ay may mga kabayong mapula; at sa ikalawang karo ay mga kabayong maitim; 3 At sa ikatlong karo ay may mga kabayong maputi; at sa ikaapat na karo ay mga kabayong kulay abo. 4 Nang magkagayo'y ako'y sumagot at sinabi ko sa anghel na nakikipagusap sa akin, Ano ang mga ito, panginoon ko?

n/a

New American Standard Bible Copyright ©1960, 1962, 1963, 1968, 1971, 1972, 1973, 1975, 1977, 1995 by The Lockman Foundation, La Habra, Calif. All rights reserved. For Permission to Quote Information visit http://www.lockman.org