Most Popular Bible Verses in 1 Mga Hari 14

1 Mga Hari Rank:

30
Mga Konsepto ng TaludtodBulaang Diyus-diyusanPangangalat, AngTamboUgatDiyos na Nagpangalat sa IsraelDiyos na Pumapalo sa TaoDiyos na NagyayanigLampas sa EuphratesNaglilingkod kay Aserah

Sapagka't sasaktan ng Panginoon ang Israel ng gaya ng isang tambo na gumagalaw sa tubig; at kaniyang bubunutin ang Israel dito sa mabuting lupa na ibinigay sa kanilang mga magulang, at pangangalatin sila sa dako roon ng ilog; dahil sa kanilang ginawa ang kanilang mga Asera, na minungkahi ang Panginoon sa galit.

67

At kaniyang pababayaan ang Israel dahil sa mga kasalanan ni Jeroboam, na kaniyang ipinagkasala, at ipinapagkasala sa Israel.

157
Mga Konsepto ng TaludtodLungsodHinirang, Pagpapala saJerusalem, Ang Kabuluhan ngJerusalem, Kasaysayan ng15 hanggang 20 mga taonGulang nang KinoronahanIna ng mga Hari, MgaLugar para sa Pangalan ng Diyos

At si Roboam na anak ni Salomon ay naghari sa Juda. Si Roboam ay apat na pu't isang taon nang siya'y magpasimulang maghari, at siya'y naghari na labing pitong taon sa Jerusalem, na bayan na pinili ng Panginoon sa lahat ng mga lipi ng Israel, upang ilagay ang kaniyang pangalan doon: at ang pangalan ng kaniyang ina ay Naama na Ammonita.

166
Mga Konsepto ng TaludtodPagpasok sa mga KabahayanIba pang mga Asawa

At ang asawa ni Jeroboam ay tumindig, at yumaon, at naparoon sa Thirsa: at pagpasok niya sa pasukan ng bahay, ang bata'y namatay.

176
Mga Konsepto ng TaludtodTinatangisan ang Kamatayan ng IbaPinangalanang mga Propeta ng Panginoon

At inilibing siya ng buong Israel, at tinangisan siya; ayon sa salita ng Panginoon na kaniyang sinalita sa pamamagitan ng kaniyang lingkod na si Ahias na propeta.

207
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos, Sigasig ngPaninibughoPagkakasala ng Bayan ng Diyos

At gumawa ang Juda ng masama sa paningin ng Panginoon, at kanilang minungkahi siya sa paninibugho sa pamamagitan ng kanilang mga kasalanan na kanilang nagawa, na higit kay sa lahat na ginawa ng kanilang mga magulang,

211
Mga Konsepto ng TaludtodKaburulanBanal na Dako, MgaPoliteismoObeliskoNaglilingkod kay Aserah

Sapagka't sila'y nagsipagtayo naman para sa kanila ng mga mataas na dako, at ng mga haligi, at ng mga Asera, sa bawa't mataas na burol, at sa ilalim ng bawa't sariwang punong kahoy;

241
Mga Konsepto ng TaludtodKasuklamsuklamBakla at TomboyProstitusyonAltarPagsamba sa Diyus-diyusan, Masamang Gawain ngLalake, Bayarang

At nagkaroon din naman ng mga sodomita ang lupain: sila'y nagsigawa ng ayon sa lahat na karumaldumal ng mga bansa na pinalayas ng Panginoon sa harap ng mga anak ng Israel.

298
Mga Konsepto ng TaludtodPagtulog at Kamatayan20 hanggang 30 mga taonHari ng Hilagang Kaharian, MgaTalaan ng mga Hari ng Israel

At ang mga araw na ipinaghari ni Jeroboam ay dalawang pu't dalawang taon: at siya'y natulog na kasama ng kaniyang mga magulang, at si Nadab na kaniyang anak ay naghari na kahalili niya.

309
Mga Konsepto ng TaludtodSanggalang

At ang haring Roboam ay gumawa ng mga kalasag na tanso na kahalili ng mga yaon, at ipinagkatiwala sa mga kamay ng mga punong kawal na bantay, na nagiingat ng pintuan ng bahay ng hari.

312
Mga Konsepto ng TaludtodMga Aklat ng Kasaysayan

Ang iba nga sa mga gawa ni Roboam at ang lahat na bagay na kaniyang ginawa, hindi ba nasusulat sa aklat ng mga alaala sa mga hari sa Juda?

348
Mga Konsepto ng TaludtodGintoSanggalangSalapi para sa Templo

At kaniyang dinala ang mga kayamanan ng bahay ng Panginoon, at ang mga kayamanan ng bahay ng hari; kaniya ngang dinalang lahat: at kaniyang dinala ang lahat na kalasag na ginto na ginawa ni Salomon.

359
Mga Konsepto ng TaludtodMga Aklat ng Kasaysayan

At ang iba sa mga gawa ni Jeroboam kung paanong siya'y nakidigma, at kung paanong siya'y naghari, narito, nangasusulat sa aklat ng mga alaala sa mga hari sa Israel.

372
Mga Konsepto ng TaludtodDigmaan, Katangian ngSibil, Digmaang

At nagkaroong palagi ng pagdidigmaan si Roboam at si Jeroboam.

377
Mga Konsepto ng TaludtodTagapagmanaIna ng mga Hari, MgaInilibing sa Lungsod ni DavidHari ng Israel at Juda, Mga

At si Roboam ay natulog na kasama ng kaniyang mga magulang, at nalibing na kasama ng kaniyang mga magulang sa bayan ni David: at ang pangalan ng kaniyang ina ay Naama na Ammonita. At si Abiam na kaniyang anak ay naghari na kahalili niya.

425
Mga Konsepto ng TaludtodMga Kaaway ng Israel at JudaTunay na Pagsalakay sa Jerusalem

At nangyari, nang ikalimang taon ng haring Roboam, na si Sisac na hari sa Egipto ay umahon laban sa Jerusalem:

433
Mga Konsepto ng TaludtodPagpasok sa Templo

At nangyari, na pagka nanasok ang hari sa bahay ng Panginoon, ay dinadala ng bantay, at ibinabalik sa silid ng bantay.

477
Mga Konsepto ng TaludtodMaysakit na isang Tao

Nang panahong yaon si Abias na anak ni Jeroboam ay nagkasakit.

515
Mga Konsepto ng TaludtodDumi at Pataba, MgaPagbabawas ng DumiPagihiKamataya ng lahat ng LalakePapatayin ng Diyos ang Kanyang Bayan

Kaya't, narito ako'y magdadala ng kasamaan sa sangbahayan ni Jeroboam, at aking ihihiwalay kay Jeroboam ang bawa't lalake ang nakukulong, at ang naiwan sa kaluwangan sa Israel, at aking lubos na papalisin ang sangbahayan ni Jeroboam, kung paanong pinapalis ng isang tao ang dumi, hanggang sa mapaalis.

539
Mga Konsepto ng TaludtodPuso at Espiritu SantoBuong Puso

At inagaw ang kaharian mula sa sangbahayan ni David, at ibinigay sa iyo: at gayon ma'y ikaw ay hindi naging gaya ng lingkod kong si David, na nagingat ng aking mga utos, at sumunod sa akin ng kaniyang buong puso, upang gawin ang matuwid lamang sa harap ng aking mga mata;

547
Mga Konsepto ng TaludtodWalang LibingIsang Tao LamangTinatangisan ang Kamatayan ng Iba

At tatangisan siya ng buong Israel, at ililibing siya; sapagka't siya lamang ang kay Jeroboam na darating sa libingan: sapagka't siya'y kinasumpungan sa sangbahayan ni Jeroboam, ng bagay na mabuti sa Panginoon, sa Dios ng Israel.

560
Mga Konsepto ng TaludtodKapakumbabaanPagtataasDiyos na Nagtataas sa mga Tao

Ikaw ay yumaon na saysayin mo kay Jeroboam, Ganito ang sabi ng Panginoon, ng Dios ng Israel, Yamang kita'y itinaas sa gitna ng bayan, at ginawa kitang pangulo sa aking bayang Israel,

566
Mga Konsepto ng TaludtodBalatkayoPagbabago ng Sarili

At sinabi ni Jeroboam sa kaniyang asawa, Bumangon ka, isinasamo ko sa iyo at magpakunwari kang iba upang huwag kang makilala na asawa ni Jeroboam; at pumaroon ka sa Silo; narito, naroon si Ahias na propeta na nagsalita tungkol sa akin, na ako'y magiging hari sa bayang ito.

599
Mga Konsepto ng TaludtodAso, MgaHayop, Kumakain ng Tao ng mgaKinakain ang mga BangkayIbon, Mga Kumakaing

Ang mamatay kay Jeroboam sa bayan ay kakanin ng mga aso; at ang mamatay sa parang ay kakanin ng mga ibon sa himpapawid: sapagka't sinalita ng Panginoon.

621
Mga Konsepto ng TaludtodYamutin ang DiyosIba't ibang mga Diyus-diyusan

Kundi ikaw ay gumawa ng masama na higit kay sa lahat ng nauna sa iyo, at ikaw ay yumaon, at gumawa ka sa ganang iyo ng mga ibang dios, at mga larawang binubo upang mungkahiin mo ako sa galit, at inihagis mo ako sa iyong likuran;

623
Mga Konsepto ng TaludtodTunogPakikinig sa mga Bagay-bagayNagkukunwariPaa sa Pagsasakatuparan

At nagkagayon, nang marinig ni Ahias ang ingay ng kaniyang mga paa, pagpasok niya sa pintuan, na sinabi niya, Pumasok ka, ikaw, na asawa ni Jeroboam; bakit ka nagpapakunwaring iba? Sapagka't ako'y sinugo sa iyo na may masamang balita.

671
Mga Konsepto ng TaludtodKaloob, MgaSampung Bagay

At magdala ka ng sangpung tinapay, at mga munting tinapay, at isang bangang pulot, at paroon ka sa kaniya: kaniyang sasaysayin sa iyo kung ano ang mangyayari sa bata.

682
Mga Konsepto ng TaludtodNagkukunwariNagsasabi tungkol sa Kilos

At sinabi ng Panginoon kay Ahias, Narito, ang asawa ni Jeroboam ay naparirito na tinatanong ka tungkol sa kaniyang anak; sapagka't siya'y may sakit: ganito't ganito ang iyong sasabihin sa kaniya: sapagka't mangyayari, pagka siya'y pumasok, na siya'y magpapakunwari na ibang babae.

692
Mga Konsepto ng TaludtodPangitainLimitasyon ng mga Matandang Tao

At ginawang gayon ng asawa ni Jeroboam at bumangon, at naparoon sa Silo, at naparoon sa bahay ni Ahias. Si Ahias nga ay di na makakita; sapagka't ang kaniyang mga mata'y malabo na, dahil sa kaniyang gulang.

717

Bukod dito'y magtitindig ang Panginoon ng isang hari sa Israel, na siyang maghihiwalay ng sangbahayan ni Jeroboam sa araw na yaon; nguni't ano? ngayon din.

762
Mga Konsepto ng TaludtodPagpapahayag ng PropesiyaPagpasok sa mga SiyudadNalalapit na KamatayanKamatayan na MangyayariKamatayan ng isang Bata

Tumindig ka nga, umuwi ka sa iyong bahay: pagpasok ng iyong mga paa sa bayan ay mamamatay ang bata.