Pinakatanyag na mga Talata sa Bibliya sa 2 Mga Hari 2

2 Mga Hari Rango:

1
Mga Konsepto ng TaludtodPaghingiPaaralan ng mga PropetaKatahimikanPaaralan, MgaAnak ng mga Propeta, MgaNgayong ArawMga Taong may Pangkalahatang KaalamanKunin ang Ibang mga TaoPaggigiit

At nilabas ng mga anak ng mga propeta na nasa Beth-el si Eliseo, at nagsipagsabi sa kaniya, Talastas mo ba na ihihiwalay ng Panginoon ang iyong panginoon sa iyong ulo ngayon? At kaniyang sinabi, Oo, talastas ko; pumayapa kayo.

3
Mga Konsepto ng TaludtodApoyMetapisikoIkalawang BuhayPag-Akyat sa Langit ng mga BanalKarwaheKabayo, MgaGulong, MgaIpoipoPaglipatHayop, Nasa Langit na mgaAstronotMakalangit na KarwaheDiyos na Nagsusugo ng HanginHindi NamamatayDinala sa LangitBagyo, Mga

At nangyari, samantalang sila'y nagpapatuloy, at nagsasalitaan, na narito, napakita ang isang karong apoy, at mga kabayong apoy, na naghiwalay sa kanila kapuwa; at si Elias ay sumampa sa langit sa pamamagitan ng isang ipoipo.

6
Mga Konsepto ng TaludtodIpoipoPapuntang MagkakasamaPapunta sa LangitDiyos na Nagtataas sa mga TaoDiyos na Nagsusugo ng HanginDinala sa LangitMga Taong Hindi Namatay

At nangyari, nang isasampa ng Panginoon si Elias sa langit sa pamamagitan ng isang ipoipo, na si Elias ay yumaong kasama ni Eliseo mula sa Gilgal.

65
Mga Konsepto ng TaludtodKasamahan

At sinabi ni Elias sa kaniya, Eliseo, isinasamo ko sa iyo na maghintay ka rito; sapagka't sinugo ako ng Panginoon sa Jerico. At kaniyang sinabi, Buhay ang Panginoon, at buhay ang iyong kaluluwa, hindi kita iiwan. Sa gayo'y nagsiparoon sila sa Jerico.

105
Mga Konsepto ng TaludtodPaaralan, MgaAnak ng mga Propeta, MgaNgayong ArawMga Taong may Pangkalahatang KaalamanKunin ang Ibang mga TaoPaaralan

At nagsilapit kay Eliseo ang mga anak ng mga propeta na nangasa Jerico, at nagsipagsabi sa kaniya, Talastas mo ba na ihihiwalay ng Panginoon ang iyong panginoon sa iyong ulo ngayon? At siya'y sumagot, Oo, talastas ko; pumayapa kayo.

135
Mga Konsepto ng TaludtodKasamahanPapuntang MagkakasamaHindi GumagalawNananatiling Handa

At sinabi ni Elias sa kaniya, Isinasamo ko sa iyo na maghintay ka rito; sapagka't sinugo ako ng Panginoon sa Jordan. At kaniyang sinabi, Buhay ang Panginoon, at buhay ang iyong kaluluwa, hindi kita iiwan. At silang dalawa ay nagsiyaon.

149
Mga Konsepto ng TaludtodPaghahandang EspirituwalDobleng ManaDoble, Naging

At nangyari, nang sila'y makatawid, na sinabi ni Elias kay Eliseo, Hingin mo kung ano ang gagawin ko sa iyo, bago ako ihiwalay sa iyo. At sinabi ni Eliseo, Isinasamo ko sa iyo, na ang ibayong bahagi ng iyong diwa ay sumaakin.

199
Mga Konsepto ng TaludtodMabigat na GawainPagkakita sa mga Tao

At sinabi niya, Ikaw ay humingi ng mabigat na bagay: gayon ma'y kung makita mo ako pagka ako'y inihiwalay sa iyo, magiging gayon sa iyo; nguni't kung hindi ay hindi magiging gayon.

200
Mga Konsepto ng TaludtodBalabalBalabalHimala ni Elias, MgaPagkakahati ng TubigPanlabas na KasuotanTuyong LupaTubig na Nahati

At kinuha ni Elias ang kaniyang balabal, at tiniklop, at hinampas ang tubig, at nahawi dito at doon, na ano pa't silang dalawa'y nagsidaan sa tuyong lupa.

201
Mga Konsepto ng TaludtodLimangpuMagkaibang PanigAnak ng mga Propeta, MgaDistansyaBakas ng Paa

At limangpu sa mga anak ng mga propeta ay nagsiyaon, at nagsitayo sa tapat nila sa malayo; at silang dalawa ay nagsitayo sa tabi ng Jordan.

235
Mga Konsepto ng TaludtodKahihiyanLimangpuTatlong ArawHindi Natagpuan

At nang kanilang pilitin siya hanggang sa siya'y mapahiya, at kaniyang sinabi, Magsipagsugo kayo. Sila'y nagsipagsugo nga ng limangpung lalake, at hinanap nilang tatlong araw, nguni't hindi nasumpungan siya.

259

At sila'y nagsibalik sa kaniya, samantalang siya'y naghihintay sa Jerico; at kaniyang sinabi sa kanila, Di ba sinabi ko sa inyo: Huwag kayong magsiyaon?

344
Mga Konsepto ng TaludtodPagkakalboKapansananHindi PaglagoKalsadaBayanNanlilibakMasamang Anak, Halimbawa ng mgaKawalang Katapatan sa DiyosKawalang Galang sa mga MatatandaGulang, Hindi Patas na Pagtingin batay saBata, MgaKasiyasiyaLagay ng LoobPanliligalig

At siya'y umahon sa Beth-el mula roon: at samantalang siya'y umaahon sa daan, may nagsilabas sa bayan na mga bata, at tinuya siya, at sinabi nila sa kaniya, Umahon ka, ikaw na kalbo ang ulo; umahon ka, ikaw na kalbo ang ulo.

359
Mga Konsepto ng TaludtodPinunit ang KasuotanPaghihirap, Lagay ng Damdamin saMagkapares na mga SalitaEspirituwal na mga AmaMakalangit na KarwaheYaong mga Humapak ng Kanilang KasuotanPagpapakasakit sa Relasyon

At nakita ni Eliseo, at siya'y sumigaw. Ama ko, ama ko, mga karo ng Israel at mga mangangabayo niyaon! At hindi na niya nakita siya: at kaniyang hinawakan ang kaniyang sariling kasuutan, at hinapak ng dalawang hati.

404

Kinuha rin niya ang balabal ni Elias na nahulog sa kaniya, at siya'y bumalik, at tumayo sa tabi ng pangpang ng Jordan.

410
Mga Konsepto ng TaludtodMasamang TubigPamilya, Problema saKapaitan

At sinabi ng mga lalake sa bayan kay Eliseo: Tingnan mo, isinasamo namin sa iyo, na ang kalagayan ng bayang ito ay maligaya, gaya ng nakikita ng aking panginoon: nguni't ang tubig ay masama, at ang lupa ay nagpapalagas ng bunga.

412
Mga Konsepto ng TaludtodAng Espiritu ng PanginoonLimangpu

At kanilang sinabi sa kaniya, Narito ngayon, sa iyong mga lingkod ay may limangpung malalakas na lalake; isinasamo namin sa iyo na payaunin mo sila, at hanapin ang inyong panginoon, baka sakaling itinaas ng Espiritu ng Panginoon, at inihagis sa isang bundok, o sa isang libis. At kaniyang sinabi, Huwag kayong magsipagsugo.

413
Mga Konsepto ng TaludtodPaaralan ng mga PropetaAnak ng mga Propeta, Mga

At nang makita siya ng mga anak ng mga propeta na nangasa Jerico sa tapat niya, ay kanilang sinabi, Ang diwa ni Elias ay sumasa kay Eliseo. At sila'y nagsiyaon na sinalubong siya, at sila'y nangagpatirapa sa lupa sa harap niya.

427
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos ng ating mga NinunoHimala ni Eliseo, MgaPagkakahati ng TubigTubig na NahatiNasaan ang Diyos?

At kaniyang kinuha ang balabal ni Elias na nahulog sa kaniya, at hinampas ang tubig, at sinabi, Saan nandoon ang Panginoon, ang Dios ni Elias? at nang kaniyang mahampas naman ang tubig, ay nahawi dito at doon: at si Eliseo ay tumawid.

431
Mga Konsepto ng TaludtodHimala ni Eliseo, MgaDalawang HayopApatnapung TaonHayop, Pinapatay na mgaSinusumpa ang Di-MatuwidLagay ng LoobKabataan

At siya'y lumingon sa likuran niya, at nangakita niya, at sinumpa niya sila sa pangalan ng Panginoon. At doo'y lumabas ang dalawang osong babae sa gubat, at lumapa ng apat na pu't dalawang bata sa kanila.

446
Mga Konsepto ng TaludtodMabubuting mga KaibiganMatalik na KaibiganPakikipagniigPagkakaibigan, Halimbawa ngKasamahanHindi GumagalawNananatiling Handa

At sinabi ni Elias kay Eliseo, Isinasamo ko sa iyo na maghintay ka rito: sapagka't sinugo ako ng Panginoon hanggang sa Beth-el. At sinabi ni Eliseo, Buhay ang Panginoon, at buhay ang iyong kaluluwa, hindi kita iiwan. Sa gayo'y bumaba sila sa Beth-el.

466
Mga Konsepto ng TaludtodMasamang TubigPagtagumpayan ang KamatayanPagpapanumbalik sa mga BagayDiyos na Nagpapagaling sa ating LupainKagalingan at KaaliwanBaogPalayok

At siya'y naparoon sa bukal ng tubig, at hinagisan niya ng asin, at nagsabi, Ganito ang sabi ng Panginoon, Aking pinabuti ang tubig na ito; hindi na magkakaroon mula rito ng kamatayan pa o pagkalagas ng bunga.

504
Mga Konsepto ng TaludtodHindi Nagagamit

At kaniyang sinabi, Dalhan ninyo ako ng isang bagong banga, at sidlan ninyo ng asin. At kanilang dinala sa kaniya.

505
Mga Konsepto ng TaludtodMga Batang MasamaLugar hanggang sa Araw na Ito, Mga

Sa gayo'y bumuti ang tubig hanggang sa araw na ito, ayon sa salita ni Eliseo na kaniyang sinalita.

511

At siya'y naparoon sa bundok ng Carmelo mula roon, at mula roo'y bumalik siya sa Samaria.