Pinakatanyag na mga Talata sa Bibliya sa 2 Mga Hari 22

2 Mga Hari Rango:

409
Mga Konsepto ng TaludtodMga SininopEskribaPagbabasa ng KasulatanAng Kautusan ay Ibinigay sa Israel

At si Hilcias na dakilang saserdote ay nagsabi kay Saphan na kalihim, Aking nasumpungan ang aklat ng kautusan sa bahay ng Panginoon. At ibinigay ni Hilcias ang aklat kay Saphan, at kaniyang binasa.

420
Mga Konsepto ng TaludtodPropetesaPaaralan, MgaIkalawang BagayPinangalanang mga Asawang Babae

Sa gayo'y si Hilcias na saserdote, at si Ahicam, at si Achbor, at si Saphan, at si Asaia, ay nagsiparoon kay Hulda na propetisa, na asawa ni Sallum na anak ni Ticva na anak ni Araas, na katiwala sa mga kasuutan (siya nga'y tumatahan sa Jerusalem sa ikalawang bahagi;) at sila'y nakipagsanggunian sa kaniya.

434

At nangyari, nang ikalabing walong taon ng haring Josias, na sinugo ng hari si Saphan na anak ni Azalia, na anak ni Mesullam, na kalihim, sa bahay ng Panginoon, na sinasabi,

472
Mga Konsepto ng Taludtod30 hanggang 40 mga taonGulang nang KinoronahanIna ng mga Hari, MgaMga Lola

Si Josias ay may walong taon nang magpasimulang maghari; at siya'y nagharing tatlongpu't isang taon sa Jerusalem: at ang pangalan ng kaniyang ina ay Idida na anak ni Adaia na taga Boscat.

491
Mga Konsepto ng TaludtodKatapatan, Halimbawa ngMabubuting mga Hari, Halimbawa ng mgaKatatagan, Halimbawa ngTinutularan ang mga Mabubuting HariHindi LumilikoMga Taong Gumawa ng Tama

At siya'y gumawa ng matuwid sa harap ng mga mata ng Panginoon, at lumakad sa buong lakad ni David na kaniyang magulang, at hindi lumiko sa kanan o sa kaliwa.

520
Mga Konsepto ng TaludtodKapakumbabaanPagsisisi, Halimbawa ngBinagong PusoNagsisisiPagkakumbinsi sa taglay na SalaPinahihirapang mga Banal, Halimbawa ngKapakumbabaan ng SariliMagpakumbaba KaPagbabago ng Sarili

Sapagka't ang iyong puso ay malumanay, at ikaw ay nagpakababa sa harap ng Panginoon, nang iyong marinig ang aking sinalita laban sa dakong ito, at laban sa mga tagarito na sila'y magiging kagibaan, at sumpa, at hinapak mo ang iyong kasuutan, at umiyak sa harap ko: ay dininig naman kita, sabi ng Panginoon.

523
Mga Konsepto ng TaludtodSekretarya

At ang hari ay nagutos kay Hilcias na saserdote, at kay Ahicam na anak ni Saphan, at kay Achbor na anak ni Michaia, at kay Saphan na kalihim, at kay Asaia na lingkod ng hari, na sinasabi,

543
Mga Konsepto ng TaludtodPagbangon, Katangian ngKapamahalaan ng Kasulatan, AngYaong mga Humapak ng Kanilang Kasuotan

At binasa ni Saphan sa harap ng hari. At nangyari, nang marinig ng hari ang mga salita ng aklat ng kautusan, na kaniyang hinapak ang kaniyang suot.

546
Mga Konsepto ng TaludtodYamutin ang DiyosTalikuranPinapawiInsenso, Hindi Maayos na Paghahandog ngIba't ibang mga Diyus-diyusan

Sapagka't kanilang pinabayaan ako, at nagsunog ng kamangyan sa ibang mga dios, upang ipamungkahi nila ako sa galit sa lahat na gawa ng kanilang mga kamay, kaya't ang aking pagiinit ay magaalab sa dakong ito, at hindi mapapatay.

548
Mga Konsepto ng TaludtodPunong Saserdote sa Lumang TipanBinibilang na mga PeraBantay PintoPananalapi, Mga

Ahunin mo si Hilcias na dakilang saserdote, upang kaniyang bilangin ang salapi na ipinasok sa bahay ng Panginoon, na tinipon sa bayan ng tagatanod-pinto:

565
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos, Kadakilaan ng

Kayo'y magsiyaon, isangguni ninyo sa Panginoon ako, at ang bayan, at ang buong Juda, tungkol sa mga salita ng aklat na ito na nasumpungan: sapagka't malaki ang pagiinit ng Panginoon na nabugso sa atin, sapagka't hindi dininig ng ating mga magulang ang mga salita ng aklat na ito, na gawin ang ayon sa lahat na nasusulat tungkol sa atin.

572
Mga Konsepto ng TaludtodKamatayan, PayapangTinipon sa Sariling Bayan

Kaya't narito, ipipisan kita sa iyong mga magulang, at ikaw ay malalagay sa iyong libingan na payapa, at hindi makikita ng iyong mga mata ang lahat ng kasamaan na aking dadalhin sa dakong ito. At sila'y nagbalik ng salita sa hari.

581
Mga Konsepto ng TaludtodPagbabasa ng Kasulatan

At isinaysay ni Saphan na kalihim, sa hari na sinasabi, Si Hilcias na saserdote ay nagbigay sa akin ng isang aklat.

583

At sinabi niya sa kanila, Ganito, ang sabi ng Panginoon, ng Dios ng Israel: Saysayin ninyo sa lalake na nagsugo sa inyo sa akin,

617
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos, Maghahatid ng Pinsala ang

Ganito ang sabi ng Panginoon, Narito, ako'y magdadala ng kasamaan sa dakong ito, at sa mga tagarito, sa makatuwid baga'y lahat na salita ng aklat na nabasa ng hari sa Juda:

620
Mga Konsepto ng TaludtodKabayaran

At si Saphan na kalihim ay naparoon sa hari, at nagbalik ng salita sa hari, at nagsabi, Inilabas ng iyong mga lingkod ang salapi na nasumpungan sa bahay, at ibinigay sa kamay ng mga manggagawa na siyang tumitingin ng gawain sa bahay ng Panginoon.

633
Mga Konsepto ng TaludtodKarpenteroKahoy at BatoGawaing KahoyMason

Sa mga anluwagi, at sa mga manggagawa, at sa mga kantero at sa pagbili ng kahoy, at ng batong tabas upang husayin ang bahay.

660
Mga Konsepto ng TaludtodKatapatan sa Pakikitungo sa TaoKoleksyonPanginoon, MgaLingkod, MabubutingMagpapakatiwalaanPananalapi, MgaSalaping PagpapalaGumagawaPagkukuwenta

Gayon ma'y walang pagtutuos na ginawa sila sa kanila sa salapi na nabigay sa kanilang kamay; sapagka't kanilang ginawang may pagtatapat.

661

At ibinigay sa kamay ng mga manggagawa na siyang tumitingin ng gawain sa bahay ng Panginoon; at ibigay sa mga manggagawa na nangasa bahay ng Panginoon, upang husayin ang mga sira ng bahay.

666

Nguni't sa hari sa Juda, na nagsugo sa inyo upang magusisa sa Panginoon, ganito ang sasabihin ninyo sa kaniya, Ganito ang sabi ng Panginoon, ng Dios ng Israel. Tungkol sa mga salita na inyong narinig.