Pinakatanyag na mga Talata sa Bibliya sa Daniel 12

Daniel Rango:

4
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos bilang TagapagligtasAklat ng BuhayPasimulaArkanghelMga Aklat, Talinghagang GamitMiguel, ArkanghelPrinsipe, MgaSatanas bilang Kaaway ng DiyosKapighatian, Panahon ngPagtagumpayan ang Mahirap na SandaliLikas na mga SakunaHuling Panahon

At sa panahong yaon ay tatayo si Miguel, na dakilang prinsipe na tumatayo sa ikabubuti ng mga anak ng iyong bayan; at magkakaroon ng panahon ng kabagabagan, na hindi nangyari kailan man mula nang magkaroon ng bansa hanggang sa panahong yaon: at sa panahong yaon ay maliligtas ang iyong bayan, bawa't isa na masusumpungan na nakasulat sa aklat.

21
Mga Konsepto ng TaludtodKatapusan ng MundoHanggang WakasAting Pagkabuhay na MaguliKalagayan ng mga PatayKamatayan ng mga MatuwidKatapusan ng mga ArawHuling Panahon

Nguni't yumaon ka ng iyong lakad hanggang sa ang wakas ay mangyari; sapagka't ikaw ay magpapahinga, at tatayo sa iyong kapalaran, sa wakas ng mga araw.

101
Mga Konsepto ng TaludtodTatlo at Kalahating TaonPinagpalang PaglilingkodKatapusan ng mga ArawHuling Panahon

Mapalad siyang naghihintay, at datnin ng isang libo't tatlong daan at tatlong pu't limang araw.

141
Mga Konsepto ng TaludtodAno ba ang Kalagayan?Hindi Nauunawaan ang KasabihanKatapusan ng mga ArawHuling Panahon

At aking narinig, nguni't di ko naunawa: nang magkagayo'y sinabi ko, Oh Panginoon ko, ano ang magiging wakas ng mga bagay na ito?

179
Mga Konsepto ng TaludtodIlog, TabingDalawa Pang Lalake

Nang magkagayo'y akong si Daniel ay tumingin, at, narito, nakatayo ang ibang dalawa, ang isa'y sa dakong ito ng pangpang ng ilog, at ang isa'y sa kabilang pangpang ng ilog sa dakong yaon.

194
Mga Konsepto ng TaludtodBago Kumilos ang DiyosHanggang Wakas

At ang isa'y nagsalita sa lalaking nabibihisan ng kayong lino, na nasa ibabaw ng tubig ng ilog, Hanggang kailan mangyayari ang wakas ng mga kababalaghang ito?

279
Mga Konsepto ng TaludtodKasuklamsuklamAraw, Paglalarawan sa mgaPagbibigay WakasKasuklamsuklam na PaniniraTatlo at Kalahating Taon

At mula sa panahon na ang palaging handog na susunugin ay aalisin, at matatayo ang kasuklamsuklam na naninira, ay magkakaroon ng isang libo't dalawang daan at siyam na pung araw.

288
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos ay Buhay at Umiiral sa SariliLangit na Saglit Nasilip na mga TaoTatlo at Kalahating TaonKaliwang mga KamayPagtataas ng KamayPanunumpa Gamit angHindi Magawa ang Iba Pang Bagay

At aking napakinggan ang lalaking nakapanamit ng kayong lino, na nasa ibabaw ng tubig ng ilog, nang kaniyang itaas ang kaniyang kanan at kaniyang kaliwang kamay sa langit, at sumumpa sa pamamagitan ng nabubuhay magpakailan man na magiging sa isang panahon, mga panahon, at kalahati ng isang panahon; at pagka kanilang natapos na mapagputol-putol ang kapangyarihan ng banal na bayan, ang lahat na bagay na ito ay matatapos.

316
Mga Konsepto ng TaludtodDumi ng BakalHuling mga ArawNaipanumbalik kay Jesu-CristoKaganapan ng TaoPagdadalisayKarunungan, sa Likas ng TaoWastong PagkakaunawaPagpapatuloy sa Kasalanan

Marami ang magpapakalinis, at magpapakaputi, at magpapakadalisay; nguni't ang masasama ay gagawa na may kasamaan; at wala sa masasama na makakaunawa; nguni't silang pantas ay mangakakaunawa.

319
Mga Konsepto ng TaludtodTatak, MgaPinigilang KaalamanLihim na mga BagayTinatakan ang MensaheInilalapitHanggang WakasKatapusan ng mga ArawHuling Panahon

At sinabi niya, Yumaon ka ng iyong lakad, Daniel; sapagka't ang mga salita ay nasarhan at natatakan hanggang sa panahon ng kawakasan.