Pinakatanyag na mga Talata sa Bibliya sa Ester 2

Ester Rango:

15
Mga Konsepto ng TaludtodMahinang mga Babae

At maghalal ang hari ng mga pinuno sa lahat ng mga lalawigan ng kaniyang kaharian, upang kanilang mapisan ang lahat na magandang batang dalaga sa Susan na bahay-hari, sa bahay ng mga babae, sa pamamahala ni Hegai, na kamarero ng hari, na tagapagingat ng mga babae; at ibigay sa kanila ang kanilang mga bagay na kailangan sa paglilinis:

41
Mga Konsepto ng TaludtodPagpapalit ng mga Pinuno

At ang dalaga na kalugdan ng hari ay maging reina na kahalili ni Vasthi. At ang bagay ay nakalugod sa hari; at ginawa niyang gayon.

46

May isang Judio sa Susan na bahay-hari, na ang pangala'y Mardocheo, na anak ni Jair, na anak ni Simi, na anak ni Cis na Benjamita;

59
Mga Konsepto ng TaludtodAma, Halimbawa ng Pagiging WalangKagandahan sa mga BabaePag-amponHalimbawa ng mga UlilaKababaihan, Gampanin ng mgaKamatayan ng isang InaAma at ang Kanyang Anak na BabaeAma, Mga Tungkulin ng

At pinalaki niya si Hadasa, sa makatuwid baga'y si Esther, na anak na babae ng kaniyang amain: sapagka't siya'y wala kahit ama o ina man, at ang dalaga ay maganda at may mabuting anyo; at nang mamatay ang kaniyang ama't ina inari siya ni Mardocheo na parang tunay na anak.

64
Mga Konsepto ng TaludtodHari na Ipinatapon, Mga

Na nadala mula sa Jerusalem na kasama ng mga bihag na nangadalang kasama ni Jechonias na hari sa Juda, na dinala ni Nabucodonosor na hari sa Babilonia.

69
Mga Konsepto ng TaludtodMga Taong Nakakaalala

Pagkatapos ng mga bagay na ito, nang mapayapa ang pagiinit ng haring Assuero kaniyang inalaala si Vasthi, at kung ano ang kaniyang ginawa, at kung ano ang ipinasiya laban sa kaniya.

70

Sa gayo'y nangyari nang mabalitaan ang utos ng hari at ang kaniyang pasiya, at nang napipisan ang maraming dalaga sa Susan na bahay-hari, sa pamamahala ni Hegai, na si Esther ay dinala sa bahay ng hari, sa pamamahala ni Hegai, na tagapagingat sa mga babae.

72
Mga Konsepto ng TaludtodMiraMag-asawa, Pagtatalik ngLimang Buwan at Higit PaIsang TaonMag-asawa, Pagtatalik sa Pagitan ngKabataang KababaihanEtiketaBuwan, MgaKababaihan, Kagandahan ng mgaKababaihan, Gampanin ng mgaPampagandaProseso

Nang sumapit nga ang paghahalihalili ng bawa't dalaga na pasukin ang haring Assuero, pagkatapos na magawa sa kaniya ang ayon sa kautusan sa mga babae, na labing dalawang buwan, (sapagka't ganito nagaganap ang mga araw ng kanilang paglilinis, sa makatuwid baga'y anim na buwan na ma'y langis na mirra, at anim na buwan na may mainam na pabango, at ng mga bagay na ukol sa paglilinis ng mga babae.)

75
Mga Konsepto ng TaludtodYaong mga Hindi NagsabiTao, Atas ngPagkakakilanlan

Hindi ipinakilala ni Esther ang kaniyang bayan o ang kaniyang kamaganakan man; sapagka't ibinilin sa kaniya ni Mardocheo na huwag niyang ipakilala.

78
Mga Konsepto ng TaludtodPampagandaPitong TaoKababaihan, Kagandahan ng mga

At ang dalaga ay nakalugod sa kaniya, at nilingap niya; at nagbigay siyang madali sa kaniya ng mga bagay na ukol sa paglilinis, pati ng mga bahagi niya, at ng pitong dalaga na marapat na ibigay sa kaniya, na mula sa bahay ng hari: at inilipat niya siya at ang kaniyang mga dalaga sa pinaka mabuting dako ng bahay ng mga babae.

80
Mga Konsepto ng TaludtodTao, Lingap ngTao, Payo ngKababaihan, Gampanin ng mgaPampaganda

Nang sumapit ang paghalili nga ni Esther, na anak ni Abihail, na amain ni Mardocheo, na umaring anak kay Esther, upang pasukin ang hari, wala siyang tinamong anoman, kundi ang ibinigay ni Hegai na kamarero ng hari, na tagapagingat sa mga babae. At si Esther ay nilingap ng lahat na nakakita sa kaniya.

87
Mga Konsepto ng TaludtodBuwan, Ikasampung

Sa gayo'y dinala si Esther sa haring Assuero sa loob ng kaniyang bahay-hari, nang ikasangpung buwan na siyang buwan ng Tebeth nang ikapitong taon ng kaniyang paghahari.

88
Mga Konsepto ng TaludtodKorona, Pinutungan ngPagkabighaniPagpuputong ng KoronaPagpapalit ng mga PinunoTao, Ang Paborito ngKababaihan, Kagandahan ng mgaLingapPaligsahanKorona, MgaMaharlika, Pagka

At sininta ng hari si Esther ng higit kay sa lahat na babae, at siya'y nilingap at minahal na higit kay sa lahat na dalaga; na anopa't kaniyang ipinutong ang putong na pagkareina sa kaniyang ulo, at ginawa siyang reina na kahalili ni Vasthi.

91
Mga Konsepto ng TaludtodYaong Naghahanap sa mga Tao

Nang magkagayo'y sinabi ng mga lingkod ng hari na nagsisipaglingkod sa kaniya: Ihanap ng magagandang batang dalaga ang hari:

92
Mga Konsepto ng TaludtodMinsan sa Isang Araw

At si Mardocheo ay lumakad araw-araw sa harap ng looban ng bahay ng mga babae, upang maalaman kung anong ginagawa ni Esther, at kung ano ang mangyayari sa kaniya.

96
Mga Konsepto ng TaludtodNauupo sa PasukanTinatangkang Patayin ang Ganitong mga Tao

Sa mga araw na yaon, samantalang nauupo si Mardocheo sa pintuang-daan ng hari, dalawa sa kamarero ng hari, si Bigthan at si Teres, sa nangagiingat ng pintuan, ay nangapoot at nangagaakalang buhatan ng kamay ang haring Assuero.

97
Mga Konsepto ng TaludtodSa UmagaIba pang Ipinapatawag

Sa kinahapunan ay naparoroon siya, at sa kinaumagahan ay bumabalik siya sa ikalawang bahay ng mga babae, sa pamamahala ni Saasgaz, na kamarero ng hari, na nagiingat sa mga babae; hindi na niya pinapasok ang hari malibang ang hari ay malugod sa kaniya, at siya'y tawagin sa pangalan.

100
Mga Konsepto ng TaludtodNauupo sa PasukanIkalawang Pag-aasawa

At nang mapisan na ikalawa ang mga dalaga, naupo nga si Mardocheo sa pintuang-daan ng hari.

108
Mga Konsepto ng TaludtodPagtataksilMga Taong BinitayMga Aklat ng KasaysayanPagpatay sa mga Kilalang Tao

At nang siyasatin ang bagay at masumpungang gayon, sila'y kapuwa binigti sa punong kahoy: at nasulat sa aklat ng mga alaala sa harap ng hari.

109
Mga Konsepto ng TaludtodKasal, Pagdiriwang saMaharlika, Pagka

Nang magkagayo'y gumawa ang hari ng malaking kapistahan sa kaniyang lahat na prinsipe at kaniyang mga lingkod, sa makatuwid baga'y kapistahan ni Esther; at siya'y gumawa ng pagpapatawad ng sala sa mga lalawigan, at nagbigay ng mga kaloob, ayon sa kalooban ng hari.

110
Mga Konsepto ng TaludtodMga Batang MabutiMga Bata, Mabuting Halimbawa ngYaong mga Hindi NagsabiTao, Atas ngSumusunod sa mga Tao

Hindi pa ipinakikilala ni Esther ang kaniyang kamaganakan o ang kaniyang bayan man; gaya ng ibinilin sa kaniya ni Mardocheo: sapagka't ginawa ni Esther ang utos ni Mardocheo, na gaya ng siya'y palakihing kasama niya.

111
Mga Konsepto ng TaludtodPagbibigay ng Impormasyon

At ang bagay ay naalaman ni Mardocheo na siyang nagturo kay Esther na reina: at sinaysay ni Esther sa hari, sa pangalan ni Mardocheo.

115
Mga Konsepto ng TaludtodPagbibigay sa IbaMatuwid na PagnanasaKerida

Sa ganito ngang paraan naparoroon ang dalaga sa hari: Na anomang kaniyang nasain ay ibinibigay sa kaniya upang yumaong kasama niya na mula sa bahay ng mga babae hanggang sa bahay ng hari.