Pinakatanyag na mga Talata sa Bibliya sa Ester 7

Ester Rango:

28
Mga Konsepto ng TaludtodSilid-TuluganMga Taong Sumisirko

Nang magkagayo'y bumalik ang hari na mula sa halamanan ng bahay-hari hanggang sa pigingan ng alak; at si Aman ay sumubsob sa hiligan na kinaroroonan ni Esther. Nang magkagayo'y sinabi ng hari, Kaniya bang dadahasin ang reina sa harap ko sa bahay? Pagkabigkas ng salita sa bibig ng hari ay kanilang tinakpan ang mukha ni Aman.

34
Mga Konsepto ng TaludtodPagtakas sa mga Pisikal na BagayHalimbawa ng KabagsakanSukat ng Ibang mga Bagay

Nang magkagayo'y sinabi ni Harbona, na isa sa kamarero na nasa harap ng hari: Narito naman, ang bibitayan na may limang pung siko ang taas, na ginawa ni Aman ukol kay Mardocheo, na siyang nagsalita sa ikabubuti ng hari, ay nakatayo sa bahay ni Aman. At sinabi ng hari, Bitayin siya roon.

47
Mga Konsepto ng TaludtodPurimKamatayan ng mga Masama, Halimbawa ngNakabitinGalit, Humuhupang

Sa gayo'y binitay nila si Aman sa bibitayan na inihanda niya ukol kay Mardocheo. Nang magkagayo'y napayapa ang kapootan ng hari.

104
Mga Konsepto ng TaludtodHamak

Sa gayo'y naparoon ang hari at si Aman sa pigingan na kasama ni Esther na reina.

132
Mga Konsepto ng TaludtodPaghahanap sa BuhayJudio, sa Ilalim ng Pananakot

Nang magkagayo'y sumagot, at nagsabi si Esther na reina, Kung ako'y nakasumpong ng biyaya sa iyong paningin, Oh hari, at kung kalulugdan ng hari, ipagkaloob sa akin ang aking buhay sa aking hingi at ang aking bayan sa aking hiling:

139
Mga Konsepto ng TaludtodKalahati ng Distrito

At sinabi uli ng hari kay Esther nang ikalawang araw sa pigingan ng alak: Ano ang iyong hingi, reina Esther? at ibibigay sa iyo: at ano ang iyong hiling? kahit kalahati ng kaharian ay ipagkakaloob.

140
Mga Konsepto ng TaludtodMga Taong TahimikGinawang mga AlipinPagpatay sa mga IsraelitaPanganib

Sapagka't kami ay naipagbili, ako at ang aking bayan upang ipahamak, upang patayin, at upang lipulin. Nguni't kung kami ay naipagbili na mga pinakaaliping lalake at babae, ako'y tumahimik, bagaman hindi mababayaran ng kaaway ang bagabag sa hari.

142
Mga Konsepto ng TaludtodTakot sa Isang Tao

At sinabi ni Esther, Ang isang kaaway at kaalit: itong masamang si Aman. Nang magkagayo'y natakot si Aman sa harap ng hari at ng reina.

143
Mga Konsepto ng TaludtodSino ang Gumagawa?

Nang magkagayo'y nagsalita ang haring Assuero, at nagsabi kay Esther na reina: Sino siya, at saan nandoon siya, na nangangahas magbanta na gumawa ng gayon?

145
Mga Konsepto ng TaludtodAlanganing DamdaminPaghinaPaghahanap sa BuhayHarding Nakadikit sa PalasyoPinangalanang mga Tao na may Galit sa Iba

At ang hari ay tumindig sa pigingan ng alak sa kaniyang pagkapoot, at pumasok sa halamanan ng bahay-hari: at si Aman ay tumayo upang ipamanhik ang kaniyang buhay kay Esther na reina; sapagka't nakita niya na may kasamaang ipinasiya laban sa kaniya ang hari.