Pinakatanyag na mga Talata sa Bibliya sa Ezekiel 25

Ezekiel Rango:

7
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos na NaghihigantiPaghihiganti

At ako'y gagawa ng malaking panghihiganti sa kanila na may malupit na mga pagsaway; at kanilang malalaman na ako ang Panginoon, pagka aking isinagawa ang aking panghihiganti sa kanila.

455

At ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin, na nagsasabi,

473
Mga Konsepto ng TaludtodTao, NaghihigantingPaghihiganti

Ganito ang sabi ng Panginoong Dios, Sapagka't ang Edom ay gumawa ng laban sa sangbahayan ni Juda sa panghihiganti, at nagalit na mainam, at nanghiganti sa kanila;

558
Mga Konsepto ng TaludtodKalakasan ng DiyosDiyos na PumapatayPapatayin ng Diyos ang mga Tao

Kaya't ganito ang sabi ng Panginoong Dios, Narito, aking iuunat ang aking kamay sa mga Filisteo, at aking ihihiwalay ang mga Ceretheo, at ipapahamak ko ang labi sa baybayin ng dagat.

605
Mga Konsepto ng TaludtodPaghihiganti, Halimbawa ngWalang Hanggang KasamaanTao, NaghihigantingPaghihiganti

Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Sapagka't ang mga Filisteo ay gumawa ng panghihiganti, at nanghiganti na may kapootan ng loob upang magpahamak ng pakikipagkaalit na magpakailan man;

609
Mga Konsepto ng TaludtodPagpapatapon sa Juda tungo sa BabilonyaDinudungisan ang Banal na DakoNagagalak sa Masama

At sabihin mo sa mga anak ni Ammon, Inyong pakinggan ang salita ng Panginoong Dios: Ganito ang sabi ng Panginoong Dios, Sapagka't iyong sinabi, Aha, laban sa aking santuario, nang malapastangan; at laban sa lupain ng Israel, nang masira; at laban sa sangbahayan ni Juda, nang sila'y pumasok sa pagkabihag:

664
Mga Konsepto ng TaludtodKalakasan ng DiyosAng mga Tao at Hayop ay kapwa Napatay

Kaya't ganito ang sabi ng Panginoong Dios, Aking iuunat ang aking kamay laban sa Edom, at aking ihihiwalay ang tao at hayop doon; at aking gagawing sira mula sa Teman; hanggang sa Dedan nga ay mabubuwal sila sa pamamagitan ng tabak.

675
Mga Konsepto ng TaludtodGaya ng mga Bansa

Ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Sapagka't ang Moab at ang Seir ay nagsasabi, Narito, ang sangbahayan ni Juda ay gaya ng lahat na bansa;

702
Mga Konsepto ng TaludtodPropeta, Gampanin ng mgaNakaharap

Anak ng tao, ititig mo ang iyong mukha sa mga anak ni Ammon, at manghula ka laban sa kanila:

816
Mga Konsepto ng TaludtodLungsod na Sinasalakay

Kaya't, narito, aking bubuksan ang tagiliran ng Moab mula sa mga bayan, mula sa kaniyang mga bayan na nangasa kaniyang mga hangganan, na kaluwalhatian ng lupain, ang Beth-jesimoth, ang Baal-meon, at ang Chiriathaim.

874
Mga Konsepto ng TaludtodGatasLagalagPaghahanap ng Pagkain

Kaya't narito, aking ibibigay ka sa mga anak ng silanganan na pinakaari, at kanilang itatayo ang kanilang mga kampamento sa iyo, at magsisigawa ng kanilang mga tahanan sa iyo; kanilang kakanin ang iyong bunga ng kahoy, at kanilang iinumin ang iyong gatas.

877
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos na Galit sa mga BansaDiyos na NaghihigantiPaghihiganti

At aking isasagawa ang aking panghihiganti sa Edom, sa pamamagitan ng kamay ng aking bayang Israel; at kanilang gagawin sa Edom ang ayon sa aking galit, at ayon sa aking kapusukan; at kanilang malalaman ang aking panghihiganti, sabi ng Panginoong Dios.

909
Mga Konsepto ng TaludtodPaa, MgaPalakpakYapakanNagagalak sa Masama

Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoong Dios: Sapagka't pumakpak ka ng iyong mga kamay, at tumadyak ka ng mga paa, at nagalak ka ng buong paghamak ng iyong kalooban laban sa lupain ng Israel;

919

At aking gagawin ang Raba na pinaka silungan ng mga kamello, at ang mga anak ni Ammon na pinakapahingahang dako ng mga kawan; at inyong malalaman na ako ang Panginoon.

986
Mga Konsepto ng TaludtodKalakasan ng Diyos

Kaya't narito, aking iniunat ang aking kamay sa iyo, at ibibigay kita na pinakasamsam sa mga bansa; at ihihiwalay kita sa mga bayan, at ipalilipol kita sa mga lupain: aking ibubuwal ka; at iyong malalaman na ako ang Panginoon.

987
Mga Konsepto ng TaludtodKinalimutan ang mga Tao

Hanggang sa mga anak ng silanganan, upang magsiparoon laban sa mga anak ni Ammon; at aking ibibigay sa kanila na pinakaari, upang ang mga anak ni Ammon ay huwag ng mangaalaala sa gitna ng mga bansa:

1046

At ako'y maglalapat ng kahatulan sa Moab: at kanilang malalaman na ako ang Panginoon.