Pinakatanyag na mga Talata sa Bibliya sa Genesis 50

Genesis Rango:

519
Mga Konsepto ng TaludtodSama ng LoobHinanakit Laban sa mga TaoTugonGinagantihan ang Masama ng MasamaPinangalanang mga Tao na may Galit sa Iba

At nang makita ng mga kapatid ni Jose, na ang kanilang ama'y namatay, ay kanilang sinabi, Marahil si Jose ay mapopoot sa atin, at lubos na gagantihin sa atin ang buong kasamaan na ating ginawa sa kaniya.

611
Mga Konsepto ng TaludtodGulang, Nabuhay ng Higit 100 naEmbalsamoLibingan, Katangian ng mgaPaghahanda para sa LibingGulang sa KamatayanKamatayan, Dumarating naDayuhan, Mga

Sa gayo'y namatay si Jose na may isang daan at sangpung taon: at kanilang inembalsama siya, at siya'y inilagay sa isang kabaong sa Egipto.

650
Mga Konsepto ng TaludtodKatiyakan, Batayan ngPagaari na LupainAng Lupang PangakoDiyos, Pagbisita ngNalalapit na KamatayanKamatayan na MangyayariKamatayan, Dumarating na

At sinabi ni Jose sa kaniyang mga kapatid: Ako'y namamatay: nguni't tunay na dadalawin kayo ng Dios, at dadalhin kayo mula sa lupaing ito hanggang sa lupain na kaniyang isinumpa kay Abraham, kay Isaac at kay Jacob.

675
Mga Konsepto ng TaludtodMga Taong NaghahalikanPaghalikSakitKalungkutanTinatangisan ang Kamatayan ng Iba

At yumakap si Jose sa mukha ng kaniyang ama, at umiyak sa ibabaw niya, at hinalikan niya siya.

692
Mga Konsepto ng TaludtodTao bilang mga Diyos

At sinabi ni Jose sa kanila, Huwag kayong matakot, sapagka't nasa kalagayan ba ako ng Dios?

881
Mga Konsepto ng TaludtodButo, MgaKatapatan sa Pakikitungo sa TaoPagibig, at ang MundoPaghuhukay ng BangkayDiyos, Pagbisita ngMga Taong Tali ng Panata

At ipinasumpa ni Jose sa mga anak ni Israel, na sinasabi, Tunay na dadalawin kayo ng Dios, at inyong iaahon ang aking mga buto mula rito.

896
Mga Konsepto ng TaludtodLibingPangungulila, Karanasan ngTumatangisPitoLinggo, MgaPitong ArawLampas sa JordanTinatangisan ang Kamatayan ng Iba

At sila'y dumating sa giikan ni Atad, na nasa dako pa roon ng Jordan, at doo'y nanaghoy sila ng malakas at kapaitpait na panaghoy: at kaniyang pinanangisan ang kaniyang ama na pitong araw.

946
Mga Konsepto ng TaludtodTuhodIkatlong Persona

At nakita ni Jose ang mga anak ni Ephraim hanggang sa ikatlong salin ng lahi; ang mga anak man ni Machir na anak ni Manases ay ipinanganak sa mga tuhod ni Jose.

954
Mga Konsepto ng TaludtodGulang sa KamatayanNamumuhay sa Lupa

At si Jose ay tumahan sa Egipto, siya at ang sangbahayan ng kaniyang ama: at si Jose ay nabuhay na isang daan at sangpung taon.

985
Mga Konsepto ng TaludtodEmperyoYungibLibinganYungib bilang LibinganAng Yungib ni MacpelahYungib na ginamit bilang Libingan

Sapagka't dinala siya ng kaniyang mga anak sa lupain ng Canaan, at inilibing siya sa yungib ng Machpela, na binili ni Abraham sangpu ng parang na pinakaaring libingan, kay Ephron na Hetheo, sa tapat ng Mamre.

1004
Mga Konsepto ng TaludtodAng PatayDoktor, MgaLikhang-Sining, Uri ngPaghahanda para sa LibingGamot, Mga

At iniutos ni Jose sa kaniyang mga lingkod na manggagamot, na embalsamahin ang kaniyang ama: at inembalsama ng mga manggagamot si Israel.

1055
Mga Konsepto ng TaludtodKalugihanApatnapung ArawHigit sa Isang BuwanDalawa Hanggang Apat na BuwanPaghahanda para sa Libing

At apat na pung araw ang ginanap sa kaniya; sapagka't gayon ginaganap ang mga araw ng pagembalsama; at tinangisan siya ng mga Egipcio ng pitong pung araw.

1116
Mga Konsepto ng TaludtodPaghingi ng TawadPaghingiPagpapatawad sa Isa't IsaGawan ng Mali ang Ibang TaoDiyos, Pagpapatawad ngPagibig at KapatawaranNagpapatawadPagsuway

Ganito sasabihin ninyo kay Jose. Ipatawad mo, isinasamo ko sa iyo ngayon, ang pagsalangsang ng iyong mga kapatid, at ang kanilang kasalanan; at ngayon, ay aming isinasamo sa iyo, na ipatawad mo ang mga pagsalangsang ng mga lingkod ng Dios ng iyong ama. At si Jose ay umiyak ng kanilang salitain sa kaniya.

1147
Mga Konsepto ng TaludtodPagtangisTinatangisan ang KamatayanLampas sa Jordan

At nang makita ng mga nananahan sa lupaing yaon, ng mga Cananeo, ang panaghoy sa giikan ni Atad, ay kanilang sinabi, Ito'y isang kahambalhambal na panaghoy ng mga Egipcio kaya't ang pangalang itinawag ay Abel-mizraim, nasa dako pa roon ng Jordan.

1250

At nang makaraan ang mga araw ng pagiyak sa kaniya ay nagsalita si Jose sa sangbahayan ni Faraon, na sinasabi, Kung ngayo'y nakasumpong ako ng biyaya sa inyong mga mata ay salitain ninyo, isinasamo ko sa inyo, sa mga pakinig ni Faraon, na inyong sabihin,

1266
Mga Konsepto ng TaludtodKabutihanMabuting SalitaMga Taong NagbibigayPagbibigayPagtitiyak

Kaya nga huwag kayong matakot: aking pakakanin kayo at ang inyong mga bata. At kaniyang inaliw sila at kaniyang pinagsalitaan sila na may kagandahang loob.

1287
Mga Konsepto ng TaludtodPagbabalik sa Lupain

At bumalik si Jose sa Egipto, siya, at ang kaniyang mga kapatid, at ang lahat na umahong kasama niya sa paglilibing sa kaniyang ama, pagkatapos na mailibing ang kaniyang ama.

1293
Mga Konsepto ng TaludtodSeremonyaMatandang Edad, Ugali sa may

At umahon si Jose upang ilibing ang kaniyang ama: at kasama niyang umahon ang lahat ng lingkod ni Faraon, ang mga matanda sa kaniyang sangbahayan, at ang lahat na matanda sa lupain ng Egipto;

1323
Mga Konsepto ng TaludtodNalalapit na KamatayanKamatayan na MangyayariAng Yungib ni Macpelah

Pinanumpa ako ng ama ko, na sinasabi, Narito, ako'y namamatay: sa libingan na aking hinukay sa akin sa lupain ng Canaan, ay doon mo ako ililibing. Ngayon nga'y pahintulutan ninyo akong umahon, isinasamo ko sa inyo, at aking ilibing ang aking ama, at babalik uli ako.

1341
Mga Konsepto ng TaludtodPagyukod sa Harapan ni Jose

At naparoon ang kaniyang mga kapatid naman at nagpatirapa sa harap niya; at kanilang sinabi, Narito, kaming iyong mga lingkod.

1385
Mga Konsepto ng TaludtodKarwahePakikitungo sa mga Tao

At umahong kasama niya ang mga karro at mga nangangabayo: at yao'y naging totoong malaking pulutong.

1413
Mga Konsepto ng TaludtodSumusunod sa mga Tao

At ginawa sa kaniya ng kaniyang mga anak ang ayon sa iniutos sa kanila.

1423
Mga Konsepto ng TaludtodBago Mamatay

At ipinasabi nila kay Jose, Iniutos ng iyong ama bago namatay, na sinasabi,

1486
Mga Konsepto ng TaludtodMga Tao na Tinalikuran ang mga Tao

At ang buong sangbahayan ni Jose, at ang kaniyang mga kapatid, at ang sangbahayan ng kaniyang ama: ang kanila lamang mga bata, at ang kanilang mga kawan, at ang kanilang bakahan, ang iniwan nila sa lupain ng Gosen.

1489

At sinabi ni Faraon, Umahon ka, at ilibing mo ang iyong ama, ayon sa kaniyang ipinasumpa sa iyo.