Pinakatanyag na mga Talata sa Bibliya sa Genesis 7

Genesis Rango:

74
Mga Konsepto ng TaludtodBago ang BahaGeolohiyaAng DelubyoKalendaryoBiglaang PagkawasakBuwan, IkalawangGawa ng Pagbubukas, AngBinubuksang KalangitanDurungawan ng LangitAng Dagat ay PinukawBaha, Mga

Sa ikaanim na raang taon ng buhay ni Noe, nang ikalawang buwan, sa ikalabing pitong araw ng buwan, nang araw ding yaon, ay nangasira ang lahat ng bukal ng lubhang kalaliman, at ang mga durungawan ng langit ay nabuksan.

96
Mga Konsepto ng TaludtodDalawang HayopMalinis at Hindi Malinis

Sa mga hayop na malinis, at sa mga hayop na hindi malinis, at sa mga ibon at sa bawa't umuusad sa ibabaw ng lupa,

119
Mga Konsepto ng TaludtodMaruming Espiritu, MgaDalawang HayopLalake at Babaeng mga HayopMaruming Hayop, Mga

Ay dalawa't dalawang dumating kay Noe sa sasakyan, na lalake at babae ayon sa iniutos ng Dios kay Noe.

157
Mga Konsepto ng TaludtodPitong Araw

At nangyari na pagkaraan ng pitong araw, na ang tubig ng baha ay umapaw sa ibabaw ng lupa.

202
Mga Konsepto ng TaludtodSa Parehas ring OrasPagpasok sa ArkoIba pang mga Asawa

Nang araw ding yaon, ay lumulan sa sasakyan si Noe, at si Sem, at si Cham, at si Japhet, na mga anak ni Noe, at ang asawa ni Noe, at ang tatlong asawa ng kaniyang mga anak na kasama nila;

232
Mga Konsepto ng TaludtodDalawang HayopBuhay na mga BagayHayop, Kaluluwa ng mgaHumihingaHininga

At nagsidating kay Noe sa sasakyan na dalawa't dalawa, ang lahat ng hayop na may hinga ng buhay.

246
Mga Konsepto ng TaludtodNoe, Arko niApatnapung ArawBarko, MgaHigit sa Isang BuwanBagay na Itinaas, MgaBagay sa Kaitaasan, MgaBaha, Mga

At tumagal ang baha ng apat na pung araw sa ibabaw ng lupa; at lumaki ang tubig at lumutang ang sasakyan, at nataas sa ibabaw ng lupa.

253
Mga Konsepto ng TaludtodPakpakAyon sa Kanilang UriUri ng mga Nabubuhay na Bagay

Sila, at ang bawa't hayop gubat ayon sa kanikanilang uri, at lahat ng hayop na maamo ayon sa kanikanilang uri, at bawa't umuusad sa ibabaw ng lupa ayon sa kanikanilang uri, at bawa't ibon ayon sa kanikanilang uri, lahat ng sarisaring ibon.

270
Mga Konsepto ng TaludtodGalit ng Diyos, Mga Halimbawa ng

At namatay ang lahat ng lamang gumagalaw sa ibabaw ng lupa, ang mga ibon at gayon din ang hayop, at ang hayop gubat, at ang bawa't nagsisiusad na umuusad sa ibabaw ng lupa, at ang bawa't tao.

275
Mga Konsepto ng TaludtodMga Utos sa Lumang TipanSagisag ni CristoIpinipinid ng MaingatIpinipinid ang PintoLalake at Babaeng mga Hayop

At ang mga nagsilulan, ay lumulang lalake at babae, ng lahat na laman, gaya ng iniutos sa kaniya ng Dios: at kinulong siya ng Panginoon.

280
Mga Konsepto ng TaludtodNilulukuban ang Mundo

At dumagsang lubha ang tubig sa ibabaw ng lupa: at inapawan ang lahat na mataas na bundok na nasa silong ng buong langit.

286
Mga Konsepto ng TaludtodIlongTuyong LupaButas ng IlongBuhay na mga BagayHumihingaBaga

Ang bawa't may hinga ng diwa ng buhay sa kanilang ilong, lahat na nasa lupang tuyo ay namatay.

289
Mga Konsepto ng TaludtodMasiyahin

At dumagsa ang tubig at lumaking mainam sa ibabaw ng lupa; at lumutang ang sasakyan sa ibabaw ng tubig.

298
Mga Konsepto ng TaludtodBaha, AngTipan ng Diyos kay NoahNalabiKamatayan ng lahat ng NilalangDiyos na PumapatayKaisa-isahang NakaligtasKamatayan ng ibang GrupoDiyos na Pumapatay sa Lahat ng Tao

At nilipol ang bawa't may buhay na nasa ibabaw ng lupa, ang tao at gayon din ang hayop, at ang mga umuusad at ang mga ibon sa himpapawid; at sila'y nalipol sa lupa: at ang natira lamang, ay si Noe at ang mga kasama niya sa sasakyan.

307
Mga Konsepto ng TaludtodKalalimanNilulukuban ang MundoTimbangan at Panukat, Tuwid naPanukat sa LalimBaha, Mga

Labing limang siko ang lalim na idinagsa ng tubig; at inapawan ang mga bundok.

320
Mga Konsepto ng TaludtodBaha, AngUlanLinggo, MgaElemento, Kontrol sa mgaBanal na Kapangyarihan sa KalikasanPitong ArawHigit sa Isang BuwanDiyos na PumapatayDiyos na Pumapatay sa Lahat ng Tao

Sapagka't pitong araw pa, at pauulanan ko na ang ibabaw ng lupa ng apat na pung araw at apat na pung gabi, at aking lilipulin ang lahat ng may buhay na aking nilikha sa balat ng lupa.

323
Mga Konsepto ng TaludtodBaha, AngLimang Buwan at Higit PaBaha, Mga

At tumagal ang tubig sa ibabaw ng lupa, ng isang daan at limang pung araw.

330
Mga Konsepto ng TaludtodPagtakasPagtakas sa mga Pisikal na BagayLumang Tipan, Pangyayari bilang Sagisag saPagpasok sa ArkoPagtatatag ng Relasyon

At lumulan sa sasakyan si Noe at ang kaniyang mga anak, at ang kaniyang asawa, at ang mga asawa ng kaniyang mga anak, dahil sa tubig ng baha.

335
Mga Konsepto ng TaludtodBago ang Baha

At may anim na raang taon si Noe nang ang baha ng tubig ay dumagsa sa ibabaw ng lupa.

363
Mga Konsepto ng TaludtodBaha, AngSalinlahiBangka, MgaNalabiNoe, Arko niKamag-Anak, Kasama rin angPagpasok sa ArkoMga Taong Gumawa ng TamaPamilyaPamilya, Problema sa

At sinabi ng Panginoon kay Noe, Lumulan ka at ang iyong buong sangbahayan sa sasakyan; sapagka't ikaw ay aking nakitang matuwid sa harap ko sa panahong ito.

367
Mga Konsepto ng TaludtodNoe, Arko ni

At ginawa ni Noe ayon sa lahat na iniutos sa kaniya ng Panginoon.

374
Mga Konsepto ng TaludtodPitong HayopHayop, Mga Anak naPinapanatiling Buhay ng mga TaoLalake at Babaeng mga Hayop

Gayon din naman sa mga ibon sa himpapawid tigpipito, ng lalake at ng babae; upang ingatang binhing buhay sa ibabaw ng buong lupa.