Pinakatanyag na mga Talata sa Bibliya sa Hosea 10

Hosea Rango:

22
Mga Konsepto ng TaludtodGumigiikPamatokDumalagang BakaMatalinghagang Pag-aararoHilagang Kaharian ng IsraelPagsasanayPagta-traydor

At ang Ephraim ay isang dumalagang baka na tinuturuan, na maibigin sa pagiik ng trigo; nguni't aking pinararaan ang pamatok sa kaniyang magandang leeg: ako'y maglalagay ng isang mananakay sa Ephraim; magaararo ang Juda, dudurugin ng Jacob ang kaniyang mga bugal.

47
Mga Konsepto ng TaludtodPananampalataya, Kalikasan ngBulaang TiwalaKapalaluan, Halimbawa ngBunga ng KasalananMatalinghagang Pag-aararoInaaniPagtitiwala sa Ibang TaoPagkakasala ng Bayan ng DiyosKawalang Katarungan

Kayo'y nangaghasik ng kasamaan, kayo'y nagsiani ng kasalanan; kayo'y nagsikain ng bunga ng kabulaanan; sapagka't ikaw ay tumiwala sa iyong lakad, sa karamihan ng iyong makapangyarihang lalake.

51
Mga Konsepto ng TaludtodKarahasan, Halimbawa ngPagpapatibayMga Taong NagkapirapirasoPagkawasak ng mga Muog Tanggulan

Kaya't babangon ang isang kagulo sa iyong mga bayan, at lahat ng iyong mga katibayan ay magigiba, na gaya ni Salman na gumiba sa Beth-arbel sa kaarawan ng pagbabaka: ang ina ay pinaglurayluray na kasama ng kaniyang mga anak.

57
Mga Konsepto ng TaludtodMadaling ArawPagpatay sa mga HariSa Pagbubukang Liwayway

Gayon ang gagawin ng Beth-el sa inyo dahil sa inyong malaking kasamaan: sa pagbubukang liwayway, ang hari ng Israel ay lubos na mahihiwalay.

61
Mga Konsepto ng TaludtodMga GuyaSaserdote, Pagtatatag sa Panahon ng Lumang TipanGintong GuyaTakot sa Ibang BagayPagtangis sa KapighatianKalikasan ng Pagsamba sa Diyus-diyusanPagkawala ng Dangal

Ang mga nananahan sa Samaria ay malalagay sa pangingilabot dahil sa mga guya ng Beth-aven; sapagka't ang bayan niyaon ay mananangis doon, at ang mga saserdote niyaon na nangagagalak doon, dahil sa kaluwalhatian niyaon, sapagka't nawala roon.

75
Mga Konsepto ng TaludtodKapayapaan, Paghahanap ng Tao saPuno ng UbasAltar, PaganongLipunan, MakasarilingMatabang LupainObeliskoPamumunga

Ang Israel ay isang mayabong na baging, na nagbunga: ayon sa karamihan ng kaniyang bunga kaniyang pinarami ang kaniyang mga dambana; ayon sa kabutihan ng kaniyang lupain ay nagsigawa sila ng mga mainam na haligi.

79
Mga Konsepto ng TaludtodKawalang PitaganKawalan ng PamahalaanMga Taong Walang Kakayahan na MagligtasKatangian ng mga HariWalang Takot sa DiyosWalang HariHindi Mailigtas

Walang pagsalang ngayo'y kanilang sasabihin, Kami ay walang hari; sapagka't kami ay hindi nangatatakot sa Panginoon; at ang hari, ano ang magagawa niya para sa atin?

95
Mga Konsepto ng TaludtodJerusalem, Ang Kabuluhan ngPagpapakamatayTinik,MgaBaog na LupainDawag, MgaPagkawasak ng mga Gawa ni SatanasPagtakas tungo sa KabundukanHangarin na Mamatay

Ang mataas na dako naman ng Aven, ang kasalanan ng Israel ay masisira: ang mga tinik at ang mga dawag ay sisibol sa kanilang mga dambana; at sasabihin nila sa mga bundok, Takpan ninyo kami; at sa mga burol, Mahulog kayo sa amin.

110
Mga Konsepto ng TaludtodPuso ng mga Hindi MananampalatayaKawalang TatagMaligamgam, PagigingHindi Buong PusoHindi MakapagpasyaPagkawasak ng mga Gawa ni SatanasObelisko

Ang kanilang puso ay nahati; ngayo'y mangasusumpungan silang salarin: kaniyang ibabagsak ang kanilang mga dambana, kaniyang sasamsamin ang kanilang mga haligi.

116
Mga Konsepto ng TaludtodManggagawa ng KasamaanPagkakasala ng Bayan ng Diyos

Oh Israel, ikaw ay nagkasala mula sa mga kaarawan ng Gabaa: doon sila nagsitayo; ang pagbabaka laban sa mga anak ng kasamaan ay hindi aabot sa kanila sa Gabaa.

120
Mga Konsepto ng TaludtodMasamang PananalitaKawalang Katarungan, Halimbawa ngAsuntoPagsira sa KasunduanKulubotLasonKasunduanDamo, MgaSinusumpaPanunumpa ng Panata, MalingSalita LamangWalang Katarungan

Sila'y nagsasalita ng mga walang kabuluhang salita, na nagsisisumpa ng di totoo sa paggawa ng mga tipan: kaya't ang kahatulan ay lumilitaw na parang ajenjo sa mga bungkal sa parang.

126
Mga Konsepto ng TaludtodKahihiyanPagsamba sa Diyus-diyusan, Pagtutol saKahihiyanPagbubuwisAsiria, Propesiya tungkol saDala-dalang mga Diyus-diyusanHentil na mga TagapamahalaKahihiyan ng Pagsamba sa Diyus-diyusan

Dadalhin din naman sa Asiria na pinakakaloob sa haring Jareb: ang Ephraim ay tatanggap ng kahihiyan, at ang Israel ay mapapahiya sa kaniyang sariling payo.

130
Mga Konsepto ng TaludtodKakaunti

Tungkol sa Samaria, ang kaniyang hari ay nahiwalay, na parang bula sa tubig.

133
Mga Konsepto ng TaludtodPamamaloMga Taong LumalabanDalawang Hindi Nahahawakang Bagay

Pagka siya kong nasa, ay aking parurusahan sila; at ang mga bayan ay magpipisan laban sa kanila, pagka sila'y nagapos sa kanilang dalawang pagsalangsang.

156
Mga Konsepto ng TaludtodPagiging HandaKasalukuyan, AngKatuwiran ng mga MananapalatayaBinhiPaghahanap sa DiyosBanal na Espiritu, Paglalarawan saBunga ng KatuwiranPagtatanim ng MabutiInaaniHindi Matamnan na LupaPaghihiwalayInaani ang iyong ItinanimPagtatanim ng mga BinhiBinhi, MgaPagtatanim ng mga BinhiPagtatanim

Mangaghasik kayo sa inyong sarili sa katuwiran, magsigapas kayo ayon sa kaawaan; bungkalin ninyo ang inyong pinabayaang bukiran; sapagka't panahon na hanapin ang Panginoon, hanggang sa siya'y dumating, at magdala ng katuwiran sa inyo.