Pinakatanyag na mga Talata sa Bibliya sa Levitico 1

Levitico Rango:

4
Mga Konsepto ng TaludtodSagisag ni CristoKawan, MgaIpinaguutos ang Pagaalay

Salitain mo sa mga anak ni Israel at sabihin mo sa kanila, Pagka ang sinoman sa inyo ay naghahandog ng alay sa Panginoon, ang ihahandog ninyong alay ay galing sa mga hayop, sa mga bakahan at sa kawan.

14
Mga Konsepto ng TaludtodIsinasaayosPagsunog sa mga SakripisyoPanggatong

At ang mga anak ni Aaron na saserdote ay magsisipaglagay ng apoy sa ibabaw ng dambana, at magsisipagayos ng kahoy sa apoy;

15
Mga Konsepto ng TaludtodSaserdote, Gawain sa Panahon ng Lumang TipanPagwiwisikPagwiwisik ng DugoAlay sa Daanang PintoNahahanda Itayo ang Tansong DambanaPagpatay sa Handog

At kaniyang papatayin ang guyang toro sa harap ng Panginoon: at ang mga anak ni Aaron, ang mga saserdote, ay siyang mangaghaharap ng dugo at iwiwisik ang dugo sa palibot ng dambana na nasa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan.

16
Mga Konsepto ng TaludtodUlo, MgaKamay, MgaKapalitPagpapatong ng KamayHayop, Sinunog na Alay naMga Kamay sa mga UloPagpapatong ng Kamay sa mga HandogTubusin sa Pamamagitan ng AlayPagtanggap

At ipapatong niya ang kaniyang kamay sa ulo ng handog na susunugin; at tatanggapin sa ikagagaling niya, upang gumawa ng pakikipagkasundo sa kaniya.

18
Mga Konsepto ng TaludtodAromaHita, MgaPagbibigay Lugod sa DiyosAmoyMalinis na mga HayopNagpapasariwang Diyos

Datapuwa't ang mga lamang loob at ang mga paa, ay huhugasan niya ng tubig. At susunugin ng saserdote ang kabuoan sa ibabaw ng dambana na pinakahandog na susunugin, isang handog nga na pinaraan sa apoy na pinakamasarap na amoy sa Panginoon.

22
Mga Konsepto ng TaludtodHayop, PinagpirapirasongBinabalatan

At lalaplapin ang handog na susunugin, at kakatayin.

23
Mga Konsepto ng TaludtodKambing, MgaTupaLalake na mga HayopGanap na mga AlayTupa at mga Kambing, Mga

At kung ang kaniyang alay ay kinuha sa kawan, sa mga tupa, o sa mga kambing, na pinakahandog na susunugin; ang kaniyang ihahandog ay isang lalaking walang kapintasan.

24
Mga Konsepto ng TaludtodSaserdote, Gawain sa Panahon ng Lumang TipanIsinasaayosTaba ng mga Handog

At aayusin ng mga anak ni Aaron, na mga saserdote, ang mga pinagputolputol, ang ulo, at ang taba, sa kahoy na nakapatong sa apoy na nasa ibabaw ng dambana:

25
Mga Konsepto ng TaludtodPagwiwisik ng DugoHilaga ng DambanaPagpatay sa Handog

At kaniyang papatayin sa dakong hilagaan ng dambana, sa harap ng Panginoon: at iwiwisik ng mga anak ni Aaron, na mga saserdote, ang dugo niyaon sa ibabaw ng dambana sa palibot.

26
Mga Konsepto ng TaludtodPakpakHayop, Biniyak na mgaPakpak ng IbonNagpapasariwang Diyos

At babaakin na hahawakan sa mga pakpak, datapuwa't hindi pakakahatiin. At susunugin ng saserdote sa ibabaw ng dambana, sa ibabaw ng kahoy na nasa apoy: isa ngang handog na susunugin, na isang handog na pinaraan sa apoy na pinakamasarap na amoy sa Panginoon.

27
Mga Konsepto ng TaludtodMalinis na mga HayopNagpapasariwang Diyos

Datapuwa't ang mga lamang loob at ang mga paa ay huhugasan ng tubig. At ihahandog ng saserdote ang kabuoan, at susunugin sa dambana: isa ngang handog na susunugin na isang handog na pinaraan sa apoy na pinakamasarap na amoy sa Panginoon.

30
Mga Konsepto ng TaludtodKalapati, MgaAlay, MgaKalapati, MgaIbon, Katangian ng mga

At kung ang kaniyang alay sa Panginoon ay handog na susunugin na mga ibon, ang ihahandog nga niyang alay ay mga batobato o mga inakay ng kalapati.

31
Mga Konsepto ng TaludtodHayop, PinagpirapirasongIsinasaayosPanggatongTaba ng mga Handog

At kaniyang kakatayin pati ang ulo, at ang taba; at mga iaayos ng saserdote sa ibabaw ng kahoy na nasa apoy sa ibabaw ng dambana;

34

At dadalhin ng saserdote sa dambana, at pupugutan ng ulo yaon, at susunugin sa ibabaw ng dambana; at ang dugo'y pipigain sa tabi ng dambana:

259
Mga Konsepto ng TaludtodTolda ng PagpupulongTolda, Mga

At tinawag ng Panginoon si Moises at sinalita sa kaniya mula sa tabernakulo ng kapisanan, na sinasabi,

360
Mga Konsepto ng TaludtodBalahiboAbo ng PaghahandogHayop, Kumakain na mga

At aalisin niya ang butsi pati ang mga balahibo, at ihahagis sa tabi ng dambana, sa dakong silanganan, sa kinalalagyan ng mga abo:

409
Mga Konsepto ng TaludtodKautusan sa Lumang TipanAlay sa Daanang PintoLalake na mga HayopGanap na mga Alay

Kung ang kaniyang alay ay handog na susunugin na kinuha sa bakahan, ang ihahandog niya'y isang lalake na walang kapintasan: sa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan ihahandog niya, upang tanggapin sa harap ng Panginoon.