Pinakatanyag na mga Talata sa Bibliya sa Levitico 12

Levitico Rango:

110
Mga Konsepto ng TaludtodPagbubuntis

At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi,

119
Mga Konsepto ng TaludtodKarumihan, Seremonyang SanhiKabanalan, Paglago sa KamunduhanKadalisayan, Katangian ngPitoPitong ArawPagdurugoKapanganakanPitong Araw para sa Legal na Kadahilanan

Salitain mo sa mga anak ni Israel, na iyong sabihin, Kung ang babae ay maglihi, at manganak ng isang lalake, ay magiging karumaldumal na pitong araw; ayon sa mga araw ng karumihan ng kaniyang sakit, ay magiging karumaldumal.

168
Mga Konsepto ng TaludtodKorderoKalapati, MgaKahirapan, Sagot saPagiging MahirapSaserdote, Pagtubos ng mga

At kung ang kaniyang kaya ay hindi sapat upang magdala ng kordero, ay kukuha nga siya ng dalawang batobato o ng dalawang inakay ng kalapati; ang isa'y pinakahandog na susunugin at ang isa'y pinakahandog dahil sa kasalanan: at itutubos sa kaniya ng saserdote, at siya'y magiging malinis.

169
Mga Konsepto ng TaludtodIbon, Uri ng mgaAlay sa Daanang PintoHayop, Batay sa kanilang Gulang

At pagkaganap niya ng mga araw ng kaniyang paglilinis, maging sa anak na lalake o sa anak na babae, ay magdadala siya ng isang kordero ng unang taon, na pinakahandog na susunugin, at isang inakay ng kalapati o isang batobato na pinakahandog dahil sa kasalanan, sa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan, sa saserdote;

204
Mga Konsepto ng TaludtodKadalisayan, Katangian ngLinggo, MgaSampu o Higit pang mga ArawDalawa Hanggang Apat na BuwanPagdurugoNililinis ang SariliPagkakaroon ng SanggolPagbubuntis

Nguni't kung manganak siya ng babae, ay magiging karumaldumal nga siya na dalawang linggo, ayon sa kaniyang karumihan: at mananatiling anim na pu't anim na araw na maglilinis ng kaniyang dugo.

217
Mga Konsepto ng TaludtodSantuwaryoHipuinHigit sa Isang BuwanHipuin ang Banal na mga BagayHipuin ang mga Maruming BagayNililinis ang SariliBanalin

At siya'y mananatiling tatlong pu't tatlong araw na maglilinis ng kaniyang dugo; huwag siyang hihipo ng anomang bagay na banal, o papasok man sa santuario, hanggang sa matupad ang mga araw ng kaniyang paglilinis.

236
Mga Konsepto ng TaludtodPagdurugoKapanganakanTuntunin para sa Lalake at BabaeSaserdote, Pagtubos ng mga

At kaniyang ihahandog sa harap ng Panginoon, at itutubos sa kaniya; at siya'y malilinis sa agas ng kaniyang dugo. Ito ang kautusan tungkol sa nanganak ng lalake o ng babae.