Pinakatanyag na mga Talata sa Bibliya sa Levitico 3

Levitico Rango:

48
Mga Konsepto ng TaludtodNalalabiDalawang Bahagi sa Katawan

At ang dalawang bato at ang tabang nasa ibabaw ng mga yaon, ang nasa siping ng mga balakang, at ang lamad na nasa ibabaw ng atay ay kaniyang aalisin na kalakip ng mga bato.

86
Mga Konsepto ng TaludtodAromaPagbibigay Lugod sa DiyosAmoyNagpapasariwang Diyos

At susunugin ng mga anak ni Aaron sa dambana, sa ibabaw ng handog na susunugin na nasa ibabaw ng kahoy na nakapatong sa apoy; handog ngang pinaraan sa apoy, na pinakamasarap na amoy sa Panginoon.

130
Mga Konsepto ng TaludtodKatabaanPagiging BukodDugo, Bilang Batayan ng BuhayOrdinansiyaHabang Panahon na BantayogMga Taong Umiinom ng DugoTaba ng mga HayopIpinagbabawal na Pagkain

Magiging palatuntunang palagi sa buong panahon ng inyong lahi, sa lahat ng inyong tahanan na hindi kayo kakain ng taba ni dugo man.

131
Mga Konsepto ng TaludtodGanap na mga AlayLalake at Babaeng mga HayopTupa at mga Kambing, Mga

At kung ang kaniyang alay sa Panginoon na pinakahaing mga handog tungkol sa kapayapaan ay kinuha sa kawan; maging lalake o babae, ay ihahandog niya na walang kapintasan.

136
Mga Konsepto ng TaludtodKordero

Kung isang kordero ang kaniyang ihahandog na pinakaalay niya, ay ihahandog nga niya sa harap ng Panginoon:

145
Mga Konsepto ng TaludtodPagwiwisik ng DugoMga Kamay sa mga UloPagpapatong ng Kamay sa mga HandogPagpatay sa Handog

At kaniyang ipapatong ang kamay niya sa ulo ng kaniyang alay, at papatayin sa harap ng tabernakulo ng kapisanan: at iwiwisik ng mga anak ni Aaron ang dugo niyaon sa ibabaw ng dambana sa palibot.

179
Mga Konsepto ng TaludtodBuntot, MgaKapayapaan, Handog sa

At kaniyang ihahandog hinggil sa hain na mga handog tungkol sa kapayapaan ay isang handog sa Panginoon na pinaraan sa apoy; ang taba niyaon, ang buong matabang buntot, ay aalisin niya sa siping ng gulugod; at ang tabang nakatatakip ng lamang loob, at ang lahat ng tabang nasa ibabaw ng lamang loob.

181
Mga Konsepto ng TaludtodLumpoPakikipisan, Handog naHayop, Relihiyosong Gamit sa mgaSagisag ni CristoKawan, MgaGanap na mga AlayLalake at Babaeng mga HayopKapayapaan, Handog sa

At kung ang kanilang alay ay haing mga handog tungkol sa kapayapaan; kung ang ihahandog niya ay sa bakahan maging lalake o babae, ay ihahandog niya na walang kapintasan sa harap ng Panginoon.

203
Mga Konsepto ng TaludtodNalalabiDalawang Bahagi sa Katawan

At ang dalawang bato, at ang tabang nasa ibabaw niyaon, na malapit sa mga balakang, at ang lamad na nasa ibabaw ng atay, ay aalisin niya na kalakip ng mga bato.

207
Mga Konsepto ng TaludtodUmuusok

At susunugin ng saserdote sa ibabaw ng dambana: pagkaing handog nga sa Panginoon na pinaraan sa apoy.

225
Mga Konsepto ng TaludtodKatabaanTaba ng mga HayopNagpapasariwang DiyosLahat ng bagay ay sa Diyos

At mga susunugin ng saserdote sa ibabaw ng dambana; pagkaing handog nga na pinaraan sa apoy na pinakamasarap na amoy: lahat ng taba ay sa Panginoon.

229

At ang ihahandog niya roon na kaniyang alay, na pinakahandog sa Panginoon, na pinaraan sa apoy; ang tabang nakatatakip ng lamang loob, lahat ng tabang nasa ibabaw ng lamang loob,

231
Mga Konsepto ng TaludtodTaba ng mga HandogKapayapaan, Handog sa

At kaniyang ihahandog hinggil sa haing mga handog tungkol sa kapayapaan, na pinakahandog sa Panginoon na pinaraan sa apoy; ang tabang nakatatakip ng lamang loob at lahat ng tabang nasa ibabaw ng lamang loob,

240
Mga Konsepto ng TaludtodKambing, MgaPagaalay ng mga Kambing

At kung kambing ang kaniyang alay ay ihahandog nga niya sa harap ng Panginoon:

242
Mga Konsepto ng TaludtodPakikipisan, Handog naPagwiwisikPagpapatong ng KamayPagwiwisik ng DugoMga Kamay sa mga UloAlay sa Daanang PintoPagpapatong ng Kamay sa mga HandogPagpatay sa Handog

At kaniyang ipapatong ang kamay niya sa ulo ng kaniyang alay, at papatayin sa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan: at iwiwisik ng mga anak ni Aaron, na mga saserdote, ang dugo sa ibabaw ng dambana, sa palibot.

246
Mga Konsepto ng TaludtodNalalabiDalawang Bahagi sa Katawan

At ang dalawang bato, at ang tabang nasa ibabaw, na malapit sa mga balakang, at ang lamad na nasa ibabaw ng atay, ay aalisin niya na kalakip ng mga bato.

255
Mga Konsepto ng TaludtodPagwiwisik ng DugoMga Kamay sa mga UloAlay sa Daanang PintoPagpapatong ng Kamay sa mga HandogPagpatay sa Handog

At ipapatong niya ang kaniyang kamay sa ulo niyaon, at papatayin yaon sa harap ng tabernakulo ng kapisanan: at iwiwisik ng mga anak ni Aaron ang dugo sa ibabaw ng dambana sa palibot.