Pinakatanyag na mga Talata sa Bibliya sa Malakias 1

Malakias Rango:

9

Nguni't si Esau ay aking kinapootan, at ginawa ko ang kaniyang mga bundok na isang kasiraan, at ibinigay ko ang kaniyang mana sa mga chakal sa ilang.

11
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos, Galit ngBumubulusokKalugihanArkeolohiyaWalang Hanggang KahatulanDiyos na Galit sa mga BansaHanggananMalapitan

Yamang sabi ng Edom, Tayo'y nangabagsak, nguni't mangagbabalik tayo, at ating itatayo ang mga wasak na dako; ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, Sila'y mangagtatayo, nguni't aking ibabagsak; at tatawagin sila ng mga tao, Ang hangganan ng kasamaan, at Ang bayang kinagalitan ng Panginoon magpakailan man.

13
Mga Konsepto ng TaludtodMinamasdan ang mga Gawa ng DiyosHangganan

At makikita ng inyong mga mata, at inyong sasabihin, Dakilain ang Panginoon sa dako roon ng hangganan ng Israel.

17
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos ay Nasa Lahat ng DakoLangit, Tinubos na KomunidadAlay, MgaKanluranAng Kaligtasan ng mga HentilSilangan at KanluranAng mga Bansa sa Harapan ng DiyosBumangon

Sapagka't mula sa sinisikatan ng araw hanggang sa nilulubugan niyaon, magiging dakila ang aking pangalan sa mga Gentil; at sa bawa't dako ay paghahandugan ng kamangyan ang aking pangalan, at ng dalisay na handog: sapagka't ang aking pangalan ay magiging dakila sa gitna ng mga Gentil, sabi ng Panginoon ng mga hukbo.

18
Mga Konsepto ng TaludtodKarumihan, Seremonyang SanhiHapag, MgaKawalang Katapatan sa DiyosMaruming Espiritu, MgaMaruming Hayop, Mga

Kayo'y nangaghahandog ng karumaldumal na hain sa aking dambana. At inyong sinasabi, Sa ano namin nilapastangan ka? Sa inyong sinasabi, ang dulang ng Panginoon ay hamak.

19
Mga Konsepto ng TaludtodLumpoHayop, Relihiyosong Gamit sa mgaSinunog na AlayGobernadorKaimperpektuhan at Panukala ng DiyosMaysakit na HayopPagbibigay Lugod sa TaoAlay, MgaAlayIkapu at HandogPagkagambalaMalapitanSinusubukan

At pagka kayo'y nangaghahandog ng bulag na pinakahain, di kasamaan! at pagka kayo'y nangaghahandog ng pilay at may sakit, di kasamaan! Iharap mo nga sa iyong tagapamahala; kalulugdan ka baga niya? o tatanggapin baga niya ang iyong pagkatao? sabi ng Panginoon ng mga hukbo.

20
Mga Konsepto ng TaludtodMakasarili, Ipinakita saIpinipinid ang PintoPagsunog sa mga SakripisyoWalang Kabuluhang mga RelihiyonAltar, MgaHindi Nagbibigay Lugod sa DiyosHindi Tumatanggap

Oh kung mayroon sana sa inyo na magsara ng mga pinto, upang huwag ninyong mangapaningasan ang apoy sa aking dambana ng walang kabuluhan! Hindi ko kayo kinalulugdan, sabi ng Panginoon ng mga hukbo, ni tatanggap man ako ng handog sa inyong kamay.

21
Mga Konsepto ng TaludtodDiyos, Kadakilaan ngPanlilinlang ay Ipinagbabawal ng DiyosPagpipitagan at ang Kalikasan ng DiyosPanata, MgaPagsasagawa ng PanataBatik, Mga Hayop na mayAng Sumpa ng KautusanDiyos na SumusumpaDiyos na Dapat KatakutanManlolokoMalapitan

Nguni't sumpain ang magdaraya na mayroon sa kaniyang kawan na isang lalake, at nananata, at naghahain sa Panginoon ng marungis na bagay; sapagka't ako'y dakilang Hari, sabi ng Panginoon ng mga hukbo, at ang aking pangalan ay kakilakilabot sa gitna ng mga Gentil.

22
Mga Konsepto ng TaludtodPinatuloy ng DiyosIpanalangin ninyo KamiPaghahanap sa Lingap ng Diyos

At ngayo'y isinasamo ko sa inyo, inyong dalanginin ang lingap ng Dios, upang pagbiyayaan niya tayo; ito'y nangyari sa inyong mga paraan: tatanggapin baga niya ang pagkatao ng sinoman sa inyo? sabi ng Panginoon ng mga hukbo.

23
Mga Konsepto ng TaludtodKalapastangananPaglapastangan sa Pangalan ng DiyosMaling Gamit sa Pangalan ng DiyosMaruming Bagay, Mga

Nguni't inyong nilapastangan na inyong sinasabi, Ang dulang ng Panginoon ay nadumhan, at ang laman niyaon, sa makatuwid baga'y ang hain doon ay hamak.

24
Mga Konsepto ng TaludtodIlongMaysakit na HayopKapaguran ng Diyos

Inyong sinasabi rin naman, Narito, nakayayamot! at inyong nginusuan, sabi ng Panginoon ng mga hukbo; at inyong iniharap ang nakuha sa dahas, at ang pilay, at ang may sakit; ganito ninyo dinadala ang handog: tatanggapin ko baga ito sa inyong kamay? sabi ng Panginoon.

45
Mga Konsepto ng TaludtodJacob bilang PatriarkaDiyos na Nagagalit sa mga TaoPagibig ng Diyos para sa Atin

Inibig ko kayo, sabi ng Panginoon. Gayon ma'y inyong sinasabi, Sa ano mo kami inibig? Hindi baga si Esau ay kapatid ni Jacob? sabi ng Panginoon: gayon ma'y inibig ko si Jacob;

46
Mga Konsepto ng TaludtodOrakuloSalita ng DiyosMalapitan

Ang hula na salita ng Panginoon sa Israel sa pamamagitan ni Malakias.

47
Mga Konsepto ng TaludtodPag-ampon, Kalikasan ngDangalPropesiya, Paraan sa Lumang TipanPaggalang sa SangkatauhanLingkod, MabubutingKatayuanPaggalang sa MagulangLingkod ng mga taoPagpaparangal sa MararangalPaggalangPaggalang sa MagulangPagmamahal sa MagulangMalapitanPagpipitaganKarangalan

Iginagalang ng anak ang kaniyang ama, at ng alila ang kaniyang panginoon: kung ako nga'y ama, saan nandoon ang aking dangal? at kung ako'y panginoon, saan nandoon ang takot sa akin? sabi ng Panginoon ng mga hukbo sa inyo, Oh mga saserdote, na nagsisihamak ng aking pangalan. At inyong sinasabi, Sa ano namin hinamak ang iyong pangalan?